Konting Push na lang matatapos na siya..
Maraming salamat sa mga walang sawang sumuporta..
Sobrang naappreciate ko po..
-BUKOTART
LEVI's POV
"Itigil na natin to.. " lahat sila napatingin sa akin.. Dalawang araw na ang lumipas simula ng makaharap namin siya. Nung araw na yun. Gustong gusto ko siyang yakapin ng mahigpit. Pero pinipigilan ko dahil ayokong masira kung ano man ang plano..
Nandito kami lahat ngayon sa bahay ni Calnes.. Pinag-uusapan kung ano ang susunod na plano..
"Bakit?" Tanong ni Shida.
"Masyado na siyang nasasaktan. Ayokong nakikita siyang nahihirapan. At habang tumatagal lalo lang lalayo ang loob niya sa akin. " paliwanag ko.. Alam kong alam nila kung gaano ko siya gustong lapitan sa tuwing magkikita kami. Kung gaano ko kagusto na makasama sila ng mga anak namin..
"Sa tingin ko tama si Levi.. Kahit ano pa ang ang nagawa sa atin ni Lezzi.. Mali parin na gumanti tayo.." Dagdag ni Venice.
"Hindi naman to paghihiganti diba? Gagawa lang tayo ng palabas para sa happy ending nila.. Paano natin magagawang bumalik aa nakaraan kung hindi natin ginawa yun?" Paliwanag ni Avelinda.
"May point ka.. Pero.. Tingin ko.. Tama na to.. Tapusin na natin to.. "
"Okay fine.. Tatapusin na.. Jayson.. Nasaan daw siya?" Si jayson lang ang nakakaalam kung nasaan si Lezzi dahil sila madalas magkasama.
"Nasa bahay ng magulang nila." Tinutukoy nito ay sina mommy.
"Text her na magkita kayo sa ***** shop. Then Venice and sean.. As planned.. Be ready.." Instruct ni Avelinda.
Konting antay nalang Lezzi..
LEZZI POV
"Mommy... When do we meet our dad?" Seryosong tanong ni Louie habang nag kocolor.
"Yeah Mom. I want to meet our dad. Mamita said he's totally handsome.." Bibong kwento naman ni Lyra.
Di ko naman pinagkait sa kanila na malaman kung sino talaga ang daddy nila. Nung dumating kami dito.. Gusto ko na talaga siyang ipakilala.. Pero.. Paano ko magagawang ipaliwanag sa kanila na ..
May iba ng mahal ang daddy nila..
Hinaplos ko ang buhok ni Lyra na medyo kulot sa ibaba.
"Babies.. Kung mamimeet natin si daddy niyo.. Magiging masaya ba kayo?"
"Yes mommy!!" Biglang sumaya ang mukha nilang dalawa. Mali siguro talaga ang naging desisyon ko noon..
*sigh*
"We will meet your dad tommorrow okay.. "
"Yes!!.. Tapos punta po tayo sa amusement park to have bonding with him. " masayang sambit ni Louie..
"Weeeee.. That's our first family bonding.. Can you imagine Louie?.. Complete na tayo.." Gusto ko sanang matawa sa reaksyon ng dalawa pero..
Never na sigurong makukumpleto..
"Ahmm.. Actually baby.. Mommy have something to do tomorrow.. Ihahatid ko lang kayo kay daddy niyo then aalis na ko.. "
Bigla namang nawala ang lungkot sa mukha nila.
Bakit kailangang ako pa makakita nito?..
"Okay... We understand.. " sabay pa nilang sabi at saka bumalik sa pagkukulay..
BINABASA MO ANG
UnPlanned Family
Teen FictionEverythings happens for a reason.... at ganyan ang kwento ng buhay ko. naniniwala sa kasabihan na yan. I'm Lezzi Montefallon and here is my story..