LEZZI POV
Nandito na ko ngayon sa address na sinend sa akin ni Jayson kanina.
Shock is my first impression..
Nandito lang naman kasi ako sa isang Mental Hospital.
Yeah tama kayo ng pagkabasa.
Well let's see what's inside.
Dumiretso 2nd floor ng ospital. Yung kasi ang floor ng kwarto.
Room 204
Huminga muna ako ng malalim ng makatapat ako sa pinto ng kwarto.
Avelina Takamashi
Basa ko sa pangalan na nasa pinto.
Takamashi? Sounds familliar
I was about to hold the doorknob when the the door opens.
"Excuse?." Halatang nagulat at pagtataka ang nasa mukha ng nurse.
"Aa.. Uhmm.. I'm Jayson Calnes Friend.. Pinapacheck niya sa akin yung patient na nasa loob." Kalmadong sabi ko.
Bigla naman lumiwanag ang mukha ng nurse. "Kayo po ba si Ms. Montefallon?"
Tumango ako.
"Sige pasok na po kayo. Katutulog lang po ng pasyente. "
"Aa. Pwede bang samahan mo ako sa loob. Di ko kasi alam kung anong gagawin ko pag nagising siya bigla. "
"Sige po. " niluwangan niya ang pinto at pumasok na ko.
Kita ko ang isang maamong babae na mahimbing na natutulog.
Pinagmasdan ko ang mukha niya... Maganda siyang babae.
Tumingin ako sa nurse.
"Anong nangyari sa kanya?"
"Nawala po siya sa katinuan ng mamatay ang lalakeng pinakamamahal niya. "
"Paano?" Nagiging interesado ako sa buhay niya. Hindi lang dahil sa isa siyang Takamashi dahil narin sa malasakit sa kanya ni Jayson.
"Ang kwento nagrebelde si Ma'am sa magulang niya dahil gusto siyang dalhin sa ibang bansa para ilayo sa taong mahal niya. Malaking tutol daw kasi ang magulang niya sa karelasyon nito noon. Mahirap lamang kasi. Nang araw na aalis na sila papuntang ibang bansa ay nagplano siyang makipagtanan sa karelasyon pero isang aksidente ang nangyari. Nabunggo ang sinasakyan nila sa isa pang sasakyan. Namatay po ang lalakeng kasama niya kabilang po ang isang sakay ng sasakyan na nakabungguan nila. "
Napatakip ako ng bibig. Masyadong masakit iyon para sa isang taong tinalikuran ang magulang para lang sa lalakeng mahal.
"Ang lalong nakapagdagdag ng depression sa kanya ay ang mga nakasakay sa isang sasakyan. "
"B-bakit?"
"Yung mga taong nakasakay po kasi ay ang magulang niya. Namatay po ang mommy niya at nakaligtas ang daddy niya."
"Oh my god.." I did'nt expect her story was so tragic. Hindi ako magtataka na mawala talaga siya sa katinuan niya. Napatingin ako kay Avelina.
" nagalit rin po ang kaisa-isa niyang kapatid sa kanya. Pinagtabuyan siya ng daddy niya at itinakwil. Sinisisi siya ng kapatid at daddy niya sa pagkamatay ng mommy nila. May pagkakataon na tinangka niyang patayin ang sarili niya pero palagi po siyang napipigilan ni sir Jayson. Si sir Jayson po ang umalalay kay Ma'am Veli. Hindi niya po iniwan si Ma'am siya nga rin po ang nagpapagamot dito. At umaasa siya na balang araw gagaling si Ma'am. Umaasa siya na babalik ang dating Avelina na kakilala niya. Sa totoo lang po ramdam ko po ang pagmamahal ni Sir jayson kay Ma'am. Ang kwento nga po ay magkakaibigan sina Ma'am Veli, sir Jayson pati ang boyfriend ni Ma'am na namatay."
Grabe na ang paghanga ko kay Jayson. Masasabi kong napakabait niyang kaibigan. Wala akong masabi sa katauhan niya.
Pero sa kwento ng nurse isa ang nakatawag sa akin pansin.
"Ang sabi mo may kapatid siya diba?"
"Opo. Pero hindi siya dumadalaw dito. Never pa siyang pumunta dito maski ang daddy niya. "
"Babae ba ang kapatid niya?"
"Hindi ko po alam ma'am. Hanggang doon lang po ang alam ko kay Ma'am Avelina. Hindi ko narin po kasi inusisa si Sir Jayson baka kasi isipin niya na masyado akong usisera. "
"Haha. It's ok. Well... Thank you sa pagkwekwento. "
"Wala po iyon ma'am. Simula po ng pumasok ako dito si Ma'am Veli at Sir Jayson po talaga ako napalapit. Para ko na nga pong kuya at ate sila. " nakangiting sabi nito at inayos ang kumot ng pasyente.
Masyadong malungkot ang pangyayari sa buhay ni Avelina. Pero may tao parin na pilit siyang pinapatatag at inaalalayan. Isang taong pinaggugulan siya ng oras at panahon. Maswerte parin siya at nasa tabi niya ang isang Jayson Calnes.
*********
Waaaah. Happy new year.
Back to work na sa lunes.
;)
Happy 600 reads. Hehehe.
Nakakatuwa naman at may nagtiyatiyaga pa na basahin to.
-BUKOTART @ UR SERVCE
BINABASA MO ANG
UnPlanned Family
Teen FictionEverythings happens for a reason.... at ganyan ang kwento ng buhay ko. naniniwala sa kasabihan na yan. I'm Lezzi Montefallon and here is my story..