UPF#42

382 6 0
                                    

LEVI POV

Sobrang saya ko talaga. Wala na sigurong mas sasaya pa sa araw na to!.

"Umalis ka na!! Eh ano ngayon kung ikaw ang tatay nila.. Wala ka namang karapatan!! Pagkatapos mong lumayo ang kapal---"

Bago pa niya matapos ang speech niya niyakap ko ulit siya.

"Ano ba bitawan mo ko!!. Lumayo ka nga!!"

Pagpupumiglas niya.

"Kung hindi ka mananahimik hahalikan ulit kita. " pagbabanta ko.

Mukhang effective naman. Kasi tumigil siya.

"Masayang Masaya ako Lezzi. Masayang masaya.. Di ko alam kung anong nagawa kong mabuti noon para bigyan ako ng diyos ng isang mabuting asawa at dalawa pang anak.. This is just beyond my expectation.. I'm just happy.. " di ko na napigilan ang luha ko.. Naiiyak ako sa tuwa. "Thank you for making me this so happy. "

"Hey.. Umiiyak ka ba?" Kumalas siya sa pagkakayakap sa akin. Agad ko namang pinunasan ang mga luha ko..

Ngumiti ako. "Wala to. Tears of joy I guess."

I said.

Nakita kong ngumiti siya.

Wait.. Ngumiti siya..

"You smiled!!" Bulaslas ko. Pero naging seryoso ulit ang mukha niya.

"And so?"

"I'm happy to see your smile again.. Please.. Forgive me and give me another chance to show how much I love you.... A chance to be a father to our child. " i know it's sound so gay but i can't help my tears to fall down. I can't explain how i feel today.

"Another chance?.. Naririnig mo ba ang sarili mo?" Nawala ang saya ko ng magsalita ulit si Lezzi. I look in her eyes and see the anger and pain. Kung kanina may pagtitimpi pa pero ngayon mukhang wala na. "Nung ako ba nagmakaawa sayo noon pinagbigyan mo ko?... Hindi Levi.. You doesn't deserve a second chance! You deserve to feel the pain that you given to me!!" Kung kanina nagagawa ko pang saluhin ang galit niya pero bakit ngayon parang hindi na.

Bawat salita na binibigkas niya ramdam na ramdam ko kung gaano kalaki ang galit niya.

"Ngayon... Kahit alam mo na na ikaw ang ama nitong dinadala ko. Wala ka parin karapatan na maging ama nila... Alam mo kung bakit?.." Kitang kita ko kung paano tumulo ang mga luha sa mata niya..luha na dulot ng sakit.. Sakit na pinadanas ko noon..

"ALAM MO BA KUNG BAKIT?!!!" sigaw niya.

"Huminahon ka Lezzi.. Makakasama sayo yan.." Pag-aawat ko sa kanya.

"BITAWAN MO KO!! HINDI KA KARAPATDAPAT NA MAGING AMA NILA DAHIL WALA KANG KWENTANG ASAWA!!! WALA KANG KWENTA!!! "

Wala kang kwentang Asawa...

Wala kang kwentang Asawa...

Wala kang kwentang Asawa...

Napaluhod si Lezzi sa harapan ko habang umiiyak.

Ang tanga ko! Ang tanga tanga ko!!! Paano ba kami napunta sa ganito?

Malamang Levi binalewala mo kasi siya noon!

"Umalis ka *sobs* na.. Please... Please... " umiiyak parin na sabi niya. Umupo ako para makita ang mukha niya. Pinunasan ko ang mga luha na patuloy parin sa pag-agos. I hate to see her crying like this. And I hate myself for being the cause of it.

"I won't.. I love you.. That's why I'm staying. " naramdam ko ang muling pagtulo ng luha ko. Nasasaktan ako sa nangyayari sa amin ngayon.. Kung noon ko pa sana narealize ang mali siguro masayang pamilya na kami..

UnPlanned FamilyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon