LEZZI POV
one week. Yeah one week na akong pinepeste ni Levi. At lalo akong naiirita.
Palagi siyang nandito sa office ko at kinukulit ako na iatras na ang annulment.
Kasabay ng pangungulit niya ang pagsusuyo niya sa akin.
Aaminin ko minsan gusto ko ng bumigay pero part of me saying 'Wag!'.
Palagi siyang nagpapadala ng flowers and chocolates. Pero palagi ko ring ibinabalik yun sa kanya. Marami akong dapat asikasuhin ngayon at wala akong panahon para sakanya.
Pero mahal mo parin diba?
What?! Peste talaga tong utak na to!
Hindi ko alam kung anong dapat maramdaman.
"Ma'am ready na pong ideliver sa JLC yung mga orders. " paalala ni Jen.
"Sige.kontakin mo ang JLC at sabihin mong magdedeliver na tayo. " utos ko. Buti namab at natapos na ang 200 pcs. Na assorted clothes na order ni Jayson.
Speaking of that person. 1 week narin yung hindi nagpaparamdam. Ano na kayang nangyari dun?
*phone rings*
Tinignan ko ang phone ko.
Speaking of the devil..
Jayson Calling.
Sinagot ko agad ang phone
"Hello?"
(Yow!)
"Aba kailan ka pa natuto ng mga ganyang salita Mr. Calnes?" I asked.
I heard him chuckled. (That's life. Kailangan umuuso.)
"Whatever.. So what's up? After one week na walang paramdam? Anong pumasok sa kokote mo at tinawagan ako?"
(Ouch! Grabe ka sa akin Lezzi.. )
"Just say what you want to say.. Your not a actor. Hindi bagay."
(Ikaw talaga napainit ng ulo mo sa akin. Sige ka magiging kamukha ko yang babies mo)
"Bilisan mo na!! Madami pa akong ginagawa." Pagtataray ko. Kahit kailan talaga itong lalakeng to ang hilig mang-asar.
(Ok fine. Gusto ko sanang humingi ng pabor sayo. ) this time seryoso na siya.
"What is it?"
(Can you check my special friend?)
Special friend?
Oh? Siya ba yung..
"Ito ba yung.."
(Yeah.. Lately tumatawag yung Nurse niya and hinahanap daw ako. Di ako nakapagpaalam sa kanya kasi biglaan ang pag-alis ko diba?) There is sadness in his tone.
"Sure.. Just tell me the address so i can visit her. "
(Thanks a lot Lezzi. If ever na makausap mo siya tell her i'll be back soon. )
"Got it. So kailan ako pupunta?"
(As soon as possible sana pero gaya nga ng sabi mo kanina your busy. Maybe weekeng nalang.)
"Sige pupuntahan ko siya mamaya. "
(Really?) Parang nabuhayan ang kausap ko.
"Yeah. Ireresched ko nalang yung meeting ko with my models."
(Well thanks Lezzi. I owe you this one.)
"No problem.. "
(And one thing.. Wag kang mabibigla sa makikita mo.)
Para naman akong kinabahan sa sinabi niya.
"I'll try.. "
(Okay. Thanks. I'll hung up. May meeting pa ako dito.)
"Okay. Bye."
Then dial tone on the line.
Wew.
And one thing.. Wag kang mabibigla sa makikita mo.
Sana nga.. Ngayon ko lang kasi makikita ang special friend niya.
**********
Waaah. Meet the special friend of Jayson on next chapter.
-BUKOTART @ UR SERVICE
BINABASA MO ANG
UnPlanned Family
Teen FictionEverythings happens for a reason.... at ganyan ang kwento ng buhay ko. naniniwala sa kasabihan na yan. I'm Lezzi Montefallon and here is my story..