LEZZI POV
Nagising ako sa ingay. Nakatulog pala ako. Napaupo ako ng maayos ng makita ko ang mga doctor at nurse na rorounds. tinignan ko sa paligid si Levi pero wala ito. San na naman kaya pumunta yun. Lumapit ako sa kama ni lovely.
"dinala siya sa E.r 7am in the morning na unconcious. But a hour later nagising din. We conduct some blood test. Para masure kung anong kalagayan niya. Kasi nakita namin yung mga pasa niya at saka yung pamumutla. Bp niya kanina 80/70. " sabi ng isang doktor.
"where is the results of blood test?" Tanong ng isang doktor. Mukhang eto yung pinakahead.
Inabot naman ng kaninang doktor na nagsasalita sa head nila.
"base po sa mga results ng test. Positive po. " ano raw? Napatingin ang head doktor sa akin. Parang kinabahan ako..
"mommy can I talk you for a while? " sabi nito sa akin. Tumango naman ako at sumunod sa kanya. Lumabas kami ng kwarto ni lovely.
"ano po yun doc?" Tanong ko agad.
"mommy may history po ba sa pamilya niyo na may cancer?"
"wala naman po. Bakit po?"
"I guess wala sa hereditary niyo. Mukhang sa environment niya nakuha ang cancer . "
"what?! Sino? Si lovely? May cancer?" Di makapaniwalang tanong ko.
"yes mommy. She has a stage 3 cancer. Lukemia po. " stage 3? Para akong nanlumo sa narinig ko. Di ko napigilan ang luha na bumabagsak. Bakit si lovely pa. Bakit di nalang ako.. sumandal ako sa pader para di ako matumba. Umalalay pa ang doktor.
"mommy. May chemotherapy naman po tayo para doon. May posibility na pwedeng mawala ang mga cancer cells sa katawan niya. " paliwanag nito.
"ilan... po... ang chance?" Nauutal kong tanong.
"tatapatin po kita mommy ha. Hindi lang po sakit sa dugo ang sakit ng anak niyo merob rin po siyang pneumonia. Sakit naman po ito sa baga. Minsan po nakukuha ito sa lamig, or di kaya sa madalas na ubo,natutuyuan ng pawis,at virus. Ang chance po sa chemotherapy niya is 70:30. Seventy percent na malalapagsan niya yung chemo pero may thirty percent na hindi. " di ko na napigilan na mapaupo sa upuan sa tapat ng kwarto ni Lovely. Di ko na alam kung anong iisipin ko. Kung anong gagawin ko.
"Lezzi!" Si Levi. Narinig ko ang pagtakbo niya. Hanggang sa makalapit siya sa akin.
"anong nangyari? Bakit ka umiiyak?" Tanong nito sa akin . Nagpapanic narin ang mukha niya.
Di ko magawang magsalita. Para na akong napipi ngayon sa nangyayari.
"Mister may Lukemia po ang anak niyo at stage 3 na po. Kailangan po nating maisagawa kaagad ang chemotherapy para maaganapan natin. And beside po sa lukemia meron rin siyang pneumonia." Ayoko ng marinig ulit. Tinakpan ko ang tenga ko habang humahagulgol ako.
Mama. . Mama... sabi ko sa isip ko. Di ko kaya to. Mas masakit to kesa sa problema namin noon ni Levi."aaaaahhhhh!!!!!" Sabay sipa ni Levi sa upuan na nasa tapat ko. "bakit?!!!" Nagwawala siya. Nakita ko rin na tumutulo ang luha niya. Wala akong magawa dahil maski ako hindi ko alam kung paano ko haharapin to. Pinagsusuntok niya ang pader. Hanggang sa makita ko ang dugo sa mga kamao niya.
"sus ko po anak tumigil ka na. " sina mommy at mama pati si Daddy.
Inawat ni daddy si Levi. Habang si mama umupo sa tabi ko.
"anak ano bang nangyari sa inyo?nag-away ba kayo?" Nalilitong tanong niya sa akin. Umiling ako.
"iho maupo ka muna. " pinilit ni mommy at daddy ma paupuin si Levi. Sumunod naman ito.
"ano bang problema?" Tanong ni daddy.
"si lovely po. . " panimula ko. Pero parang ayokong bigkasin kasi ang sakit para sa akin yun eh.
"anong nangyari sa apo ko?" Mommy.
"mom. .. lovely has a cancer. Lukemia. .." si Levi na ang salita. Nakakuyom ang kamao nito.
Napatakip ng bibig si mama.
"what?... how?..." mommy.
"we dont know. We don't know. " Levi.
Lalo akong naiyak.
Niyakap ako ni mama.
"ma. Ayoko nito. Di ko to kaya.. " sabi ko.
"hush now. Everything will be ok. " sabi ni mama habang hinahagod ang likod ko.
Maya maya pa ay lumabas na ang mm ga doktor sa kwarto ni Lovely.
"maam gising na po yung bata. Hinahap po kayo. " sabi ng nurse nakasama nila.
"okay sige salamat. " si daddy na ang sumagot.
"ayusing niyo muna ang mga sarili niyo bago kayo pumasok. Matalino si lovely. Magtatanong ng magtatanong yun sa nangyayari sa kanya. " sabi ni mommy at nauna na silang pumasok sa loob.
Lalo akong naiyak ng umalis si Levi ng hindi nagpapaalam sa akin.
Ganito ba ang gusto mo.. ? Bakit kami pa?...
*********
BINABASA MO ANG
UnPlanned Family
Fiksi RemajaEverythings happens for a reason.... at ganyan ang kwento ng buhay ko. naniniwala sa kasabihan na yan. I'm Lezzi Montefallon and here is my story..