UPF#59

340 6 0
                                    

JAYSON POV

its been a week since na bumalik siya..

Kahit lahat kami nagdududa, nagulat parin kami ng makita namin siya.

Hindi parin mawala sa isipan ko yung mga tanong kung bakit ganito ang nangyayari.

Pero sa ngayon eenjoyin ko muna ang pagmamanman sa kanya.. At sa plano namin..

Narito ako ngayon sa isang playground. Magkakasama sila ng mga anak nila ni Levi.

Siguro eto na yung tamang panahon para magkita kami.

"Lezzi?!" Agad kong sambit ng makalapit ako. Ipinakita ko na gulat gulat ako para di siya maghinala.

Halata rin naman na nagulat siya ng makita ako.

"God! Your alive?!"

"Aahh.. Ehh.." Tila di niya alam kung anong gagawin.

"Shit! Baka namamalikmata lang ako.. Buhay ka ba talaga?" Lumapit pa ako sa kanya at hinawakan siya..

"Jayson.."

"God.. Kailangang malaman to ni Levi." Akamang magdidial na ko ng pigilan niya.

Nice.. Sa isip ko..

"Wag!" Sabi niya. Tinignan niya muna ang mga anak niya at saka ako hinila.

Nakarating kami sa kotse niya.

"Jayson.." Mahinang sabi niya.

"Why?" Seryosong tanong ko..

Yumuko lang siya. Totoo ang pagtatanong ko.. Hindi scripted.. Hindi pag-aarte. Gusto kong malaman kung bakit. Naging malapit na siya sa akin. Itinuring ko siyang kaibigan.. Kaya nagtataka ako kung bakit?

"Bakit Lezzi?.. Five years.. "

Inangat niya ang mukha niya at tumingin sa malayo.. Lalong gumanda si Lezzi.. Mas kuminis ang kutis niya..

"Masakit sa akin yung nakita natin nung araw na yun.. Di ko alam kung ano ang dapat gawin.. " sakit ang naramdaman ko sa bawat bigkas niya ng mga salita. "May parte ng utak ko na isiping naipit lang si Levi sa magkapatid.. Na wala siyang kasalanan... " nakita ko ang pamumula ng mga mata niya.. Nagbabadya na malapit na siyang umiyak.

"Nangako ako na sarili ko na sa oras na mailigtas kami ng mga anak ko papatawarin ko siya.. Nailigtas naman kami.. Pero biglang bumangon yung sakit na naramdaman ko.. Parang di ko na siya kayang harapin.. Kasi.. Kasi nasaktan na niya ako ng sobra.. Kahit anong sabi ko sa isip ko na wala siyang kasalanan... Wala parin eh.. Gusto kong makalayo sa kanya.. Para mahanap ko yung sarili ko.. Umiwas ako sa sakit na dapat pala noon ko pa hinarap.. "

"Pero bakit ka inabot ng limang taon?"

"Balak ko na sanang bumalik pagkapanganak ko.. Bumalik ako dito... Pero nakita ko sila.. Sila ni Shida at avelinda.. Magkasama.. Masayang magkasama.. Naisip kong hindi na niya ako kailangan.. Na hindi na niya ako mahal talaga.. Kaya bumalik ako sa ibang bansa.. Ilang taon kong iniyakan ang tagpong iyon.. Hanggang ngayon.." Nakita kong tumulo na ang luha sa mga mata niya.

"Lezzi.." Mahinang sabi ko..

"Hinanap ko lang yung sarili ko.. Akala ko tama yung desisyon ko.. Pero mali pala.. Kasi ngayon.. Huli na pala ako.."

"Lezzi Five years.. Lahat kami.. Nagluksa sa pag-aakalang namatay ka.. Lahat kami nalungkot.. Lalo na siya.. Nagalit siya sayo dahil iniwan mo siya.. Ni hindi mo pinakinggan ang paliwanag niya.. Ilang buwan niya kaming di kinausap.. " yung last part.. Totoo yun..

UnPlanned FamilyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon