UPF#21

369 5 0
                                    

LEVI POV

"bakit anak.? Masaya ka naman na diba sa amin ni mommy mo diba? Bakit mo pa kami iniwan?" Hawak ko ang mga kamay niya. Ang mga kamay niya na ngayon ko nalang ulit mahahawakan.

"anak. Bakit di mo inantay si mommy mo?" Patuloy parin ako sa pag-iyak. Mahal na mahal ko siya. Hindi ko kayang mawala ang kayamanan ko at siya yun. Pero wala na siya. Iniwan na niya ako.

"bakit mo kami iniwan?"

"tama na... levi... please.... "sabi ni mommy. Umiiyak narin siya. Kahit sina dad at mama. Masakit kasi eh. Si lovely lang ang nagbibigay ng kulay sa mundo namin lahat. Siya ang dahilan ng mga ngiti namin. Siya ang nagpapasaya sa amin. Isang yakap niya lang sa tuwing uuwi ako nawawala ang pagod ko. Isang goodmorning daddy niya lang kumpleto na ang araw ko. Pero lahat yun nawala sa isang iglap. Isang iglap na hindi ko napaghandaan.

"mom ang sakit sakit. Bakit siya. Bakit di nalang ako?" Sabi ko habang yakap si mommy.

"anak. Everything happens for a reason.. kahit wala na siya alam kong palagi parin niya tayong babantayan. " sabi nito.

"excuse po. Dadalhin na po namin siya sa morgue." Sabi ng nurse assistant.

"sandali lang. " sabi ko. Niyakap ko muna ulit siya. At saka hinalikan sa noo.

"baby. Please.. go to your mommy and say pleade come here to see you one last time. " halos pabulkng kong sabi. Hindi parin maabsorb ng utak ko na wala na siya. At wala si Lezzi sa tabi niya.

Inilabas na nila si lovely.

"tara doon sa waiting area. " yaya sa amin ni daddy.

Nang makarating na kami doon ay para parin kaming wala sa sarili.

"aayusin ko na ang bill ni lovely para tuloy tuloy na ang labas natin dito. " sabi ni dad at saka tumayo.

"bibili lang ako ng makakain natin. " sabi naman ni mama. Tanging tango nalang ang naisagot ko sa kanila. Wala parin hanggang ngayon si Lezzi. Kung bakit kasi inuna pang magtrabaho. Wala siya sa tabi ng anak namin nung nawala ito. Nasaan ba siya?.

LEZZI POV

Nagising ako na nasa puting lugar ako. Tumayo ako at napansin ko na nasa ospital ako. May suero ako at may bandage ang kaliwang parte ng noo ko. May mga galos din ako sa kamay.

Huli kong naalala ay yung liwanag pagkatapos naming mag-usap ni lovely.

Shit! Si lovely. Inaantay pala ako. Nagmadali akobg tumayo Kahit medyo nahihilo pa ko. Hinila ko ang dextrose na nakakabit sa akin at kumuha ng bulak sa side table . Palabas na sana ako ng bumukas ang pinto.

"buti at gising ka na. " bungad ng doktor.

"opo. at kailangan ko na pong magmadali. Yung anak ko kailangan ako. Sensya na doc. " lalabas na sana ako ng pigilan niya ko.

"Mrs. Mag-ingat ka po. Kagagaling mo lang sa aksidente. " sabi niya sakin. Napakunot ang noo ko. Kaya ba ako may mga galos?

"aksidente?" Takang tanong ko.

"opo. Nabunggo po ang sinasakyang mong kotse. Buti at nakaligtas ka. At minor lang ang injuries. Himala at nakaligtas din ang babies na dinadala mo. "

Aa.. swerte ko parin at nakaligtas ako. Pero ano raw? Babies?

Babies?

Loading...

Nanlaki ang mata ko. Ngumiti ang doktora sa akin.

"your 3 weeks pregnant. And its a twins. " sabi niya. Di ako makapaniwala. Sa kabila ng problema meron paring good news.

Goodnews 1 nakaligtas ako sa aksidente.

Goodnews 2 buntis ako.

Goodnews 3 at kambal sila.

Excited na akong lumabs dito at ibalita sa kanila lalo na kay lovely. Siguradong matutuwa siya.

"thanks doc. Pwede na po ba akong lumabas. Kailangan ko pa kasing puntahan ang anak ko nasa hospital kasi. "

"sure.. pumunta ka sa nurse station para makuha mo yung bill mo pati yung nga reseta kong gamot. Ingatan mo ang sarili mo. Kasi dalawa yanv dinadala mo. "

"yes doc. " at lumabas na ako. Iniaabot ng nurse ang bag ko pagdating ko sa nurse station inasikaso ko ang dapat asikasuhin. May inabot sa akin number ang nurse para daw sa kotse ko. Tawagan ko daw iyon. Tinanggap ko at lumabas na ako ng hospital. Nagtaxi nalang ako.

Pagpapasok ko palang sa ospital ay pinagtitinginan ako ng tao paano may bahid pa ng dugo ang dress ko. Nagtuloy ako sa paglalakad at nakita sina mama sa waiting area. Bakit sila nandito? Bakit wala sila sa kwarto ni lovely.

"mama!" Tawag ko. Nagsitayuan naman sila at lumapit na ako.

"susko po anak anong nangyari sayo?!" Alalang tanong ni mama.

"aah wala po. Naaksidente po ako kanina. " nakangiti ko pang sabi. Excited kasi akong sabihin sa kanila pati kay lovely.

"ano?! Anong naaksidente?" Si mommy.

"nagising nalang po akong nasa ospital na ko. Hindi ko pa po nakikita yung kotse ko pero sabi nila grabe daw. Pero wala na kong pake. Tara na. Punta na tayo kay lovely may ibabalita ako sa inyo." Nakangiti kong sabi. Naglakad na ako pero Naramdaman kong walang sumunod sa akin. Nilingon ko sila. Umiwas sila ng tingin sa akin.

Kinabahan na ako.

"babe tara na." Yaya ko. Pero umiwas siya ng tingin. Ano bang nangyayari?

"anak. "si mama.

"bakit ayaw niyong umakyat?" Naiinis na ko. Ganito ba talaga pag buntis mabilis maasar. Kasi hindi ako ganito kay lovely noon. Masayahin pa nga ako noon eh.

"anak.. si lovely... ---"

"sir tapos na po. Pwede niyo na kontakin yung funeral service niyo. Pirmaha niyo na po ito. " sabi ng attendant na lumapit kay Levi.

Funeral?

Lumapit ako sa kanya ng pipirmahan na niya ang papel ay inagaw ko iyon. Iba the kasi ang kutob ko.

Binasa ko ang papel.

Death certificate.

Lovely Montefallon
7 years old
Due to Cancer Lukemia.

No this can't be happened. No.

Unti unti kong nabitawan ang papel. Tinignan ko si Levi. Blanko ang expression niya. Nakikita ko ang namumuong luha sa mata niya.

"sabihin mong...di totoo to?" Nauutal kong sabi.

Umiwas lang siya ng tingin.

"ma! Di magandang biro to!" Tingin ko kay mama.

"anak.. "

"Lezzi iha calm down. " sabi ni mommy. .

"Levi ano magsalita ka!!" Hinawakan ko siya sa damit niya.

"wala na siya!!! Wala na siya!!! Nawala siya ng wala ka sa tabi niya!! Nahuli ka!!! Wala na siya.. wala na ... siya.. " pahina ng pahina ang boses niya. Umiiyak narin siya. Di ako makapaniwala. Bakit? Bakit? Hindi pa ako ready. Ibabalita ko pa nga na mafmgkakaroon na siya ng kapatid eh.

Bakit?!!

"hindi totoo yang sinasabi mo. Buhay pa siya. Nakausap ko .. pa nga... siya eh.. " pilit kong itinatatak sa isip ko na buhay siya pero alam ng diwa ko na wala na talaga siya.

"bakit ilang oras ka na bang wala?ilang oras na ba ang nakakaraan nang huli kayong mag-usap?!" May galit ang boses niya.

Sinisisi niya ba ako?

*******

UnPlanned FamilyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon