LEZZI POV
papasok na ko sa kwarto ni lovely ng lumabas si mama as guest room..
"Ma bakit Di Ka pa natutulog?" Sinusuklay ko ang buhok ko. Katatapos ko lang kasi magshower.
"Kinausap pa ako ng tita Leila mo sa Skype. Namimiss na daw niya ang pinas. " sagot nito.
"Aa. Sabihin mo sa kanya. Mag leave muna siya sa trabaho niya para makauwi siya dito. " sabi ko. "Sige. Ma goodnight. " papasok na Sana ako ng magsalita ulit si mama.
"Wag niyong paasahin yung Bata kung iiwan niyo lang din ulit. "
Humarap ako sa kanya. "Nag-usap kami ni Levi kanina. Nagpasya kami na magleave ng 1 week para magkaroon ng time Kay Lovely. "
"Mabuti naman at natauhan Ka sa sinabi ko. Kasi kung Hindi, iuuwi ko talaga siya sa probinsiya. At least doon Di siya malulungkot kasi makakasama niya ang mga anak ng ate mo. "
"Syempre ma. Anak namin si lovely. Naguiguilty ako eh. "
"Sana nga. Pero 1 week is not enough. Please make it a lifetime. Please lang ayusin niyo na ang pamilya mo. Ang Bata kasi ang naaapektuhan. " ayun lang at bumaba na siya.
Di ko naman masisi si mama. For seven years siya ang nag-alaga Kay lovely. Tanging ambag lang namin ni Levi ay Financial support.
"Make it a lifetime."
How I wish to spend each day with Levi and Lovely for a lifetime. If that would happen. I will be happiest woman in the world.
"Mommy come here. " bungad ng anak namin pagkapasok ko.
Agad naman akong lumapit. Nakahiga na sa gilid si Levi katabi nito ang anak namin. Tumabi ako Kay lovely.
"Thank you mommy. Thank you daddy. " ang lambing ng anak ko.
"For what?" Si levi.
"For this happiest night. " nakangiting sabi nito.
"Your always welcome. " sagot naman ni Levi.
"I love you mommy. " humarap siya sa akin.
"I love you too baby. "
"I love you daddy. " humaral naman siya Kay Levi.
"I love you even more baby. " hinalikan pa niya ito sa noo.
"Sige na tulog na. " sabi ko. Inayos ko yung kumot niya.
"No. I will sleep if you said I love you to each other. " paktay ng Bata Ka. Ganito pala kakulit si Lovely.
"Baby. . ano kasi. Hindi pa kami matutulog. Mamaya pa namin. ..Sasabihin ni daddy as isa't isa pag magsleep na kami. "Paliwanag ko. Sana makalusot.
"No!!! I want to hear. I want to see you saying I love you to each other. !" Yan na naman nagmaktol na.
"No lovely. Sleep na. " pilit ko.
"No! No! I won't!" Hala.
"I love you mommy. " eh? Ano daw? Tumingin ako sa kanya. Nakatingin siya sa akin. Masaya ang Mata niya. Totoo ba yun?.
"Mommy daddy said I love you. Where is your I love you too?" Aish!. Bakit parang kinikilig ako.
"Mommy!" Iiieee.. Yung heart ko nagwawala na naman. Napilitan lang naman siya diba? Bakit Parang double meaning sa akin.
"Your mommy is at state of shock. Hahahaha. " bumalik ako sa katinuan sa tawa ni Levi. Siya ba talaga yung tumawa?.
"Mommy. Answer daddy. " nangungulit talaga siya.
"Aahh.. Ehh.. " ay teh I love you too lang Di pa masabi? Eto nanaman si Brain. . "I . . love you. . too daddy. " ayun nasabi ko rin. Ngumiti siya sa akin.wow. kota na ko sa ngiti. :)
Akala ko matutulog na si lovely pero Di parin. Tumayo siya at pumunta sa kabilang side ko.
"What are you doing?" I ask.
"I want to sleep here. You should sleep mommy beside daddy. " hala sinisiksik niya yung sarili niya gilid ng Kama. Kung baga nasa gitna nila ako. Anu bayan.
"Baby stop it na. Mahuhulog na si daddy. " pano patuloy pa niya Kong gingitgit.
"Ayan. Its OK na . "nahiga na siya sa tabi ko. Haist. Di ako makakatulog nito.
"May pagka pilya pala tong anak natin. " bulong niya. Naramdaman ko yung hininga niya sa braso ko. Shit nakikiliti ako.
"Daddy. Hug me and mommy please. " nagpuppy eyes pa siya.
"Hindi na baby. Kasi---" eh?
Niyakap niya talaga kaming dalawa. Nakadikit talaga siya sa akin. Shit heart wag kang lalabas.
"Wow. Best night ever!. Goodnight. " sabi ni lovely. At ska pinikit ang Mata.
Yakap niya rin ako. Paano ako makakatulog?.
"You should sleep too. I know your tired. " sabi ni Levi habang nakapikit. Ang gwapo talaga niya.
"Stop starring at me its annoying you know. " nagsalita ulit ito habang nakapikit. Cute. !
******************
BINABASA MO ANG
UnPlanned Family
Teen FictionEverythings happens for a reason.... at ganyan ang kwento ng buhay ko. naniniwala sa kasabihan na yan. I'm Lezzi Montefallon and here is my story..