JAYSON POV
may Part pala ako? Hehee.
Magpapakilala muna ako.
Ako si Jayson Calnes. Business partner ni Lezzi Montefallon. The Beautiful wife of Levi Montefallon. 26 years old. Handsome. Sizzling hot, and super kind. Hahaa. Yan ang sabi ng mga kakilala ko. specially ang best friend ko.
I manage clothing line business. Bakit clothing line? Actually. Tinupad ko lang ang pangarap ng isang special friend. Hindi kasi niya kayang abutin yung pangarap na yun. Someday makikilala niya rin siya. :)
Palabas na ko ng hospital ng may tumawag sa akin.
"jayson!" Lumingon ako at nakita ko ang pinakamakulit kong pinsan. Bagay pala sa kanya ang white gown. Haha. Ngayon ko lang kasi siya nakita after 3 years? Ata. Alam ko nasa probinsya to nakadestino.
"Beatrice! " bati ko. Lumapit siya sa akin at humalik sa pisngi ko.
"bakit ka nandito? Akala ko ba alergic ka sa hospital?" That's true. Kasi dahil iyon sa special friend ko.
"yung kabusiness ko hinatid ko lang dito. " sabi ko. "eh ikaw? Bakit ka nandito? Pinatalsik ka na ba doon sa probinsya kasi narealize nila na hindi na nila kailangan ang tulad mo dahil hindi ka naman magaling? Hahahaha. " sinamaan lang niya ako ng tingin. Ko
"excuse me. Tapos na kasi ang contract ko doon. At nag-offer sa akin tong hospital ng mas mataas na salary noh!!" Masungit na sabi niya.
"tsk tsk. Salary lang pala ang habol mo!" Pang-aasar ko.
"hindi noh!." Tinignan niya ang chart na hawak niya.
"so sino ang patient mo ngayon at parang hirap na hirap ka ata."
"hindi naman ako nahihirapan. Ngayon lang ako hahawak ng patient na may Leukemia at the same time merong pneumonia. " wow. Heavy non. Matinding sakit pa ha.
"panigirado matanda na yan noh. Kaya ka nahihirapan. " sabi ko pa.
"nope. Actually seven years old siya. Batang babae. You know Lezzi Montefallon? Yung may-ari ng LL Clothing? Anak niya. "
"what?! Anak niya yung Pasyente mo?"
"oo. Bakit ba parang gulat na gulat ka?" Tanong nito. .
"Lezzi montefallon is my business partner. Siya nga yun hinatid ko kanina dito. "
"oh don't tell me kabit ka niya? At saka di mo ba alam na may anak siya? Ha---ouch!" Nabatukan ko tuloy. Ano bang kabit pinagsasabi nito.
"kabit ka dyan! Baliw ka ba? Kasasabi ko lang business partner ko. At saka alam kong may anak siya. Nameet ko na yung bata. Nakakagulat lang kasi mukhang healthy naman yung bata nung nakita ko. "
"naku hindi porket nakikita mo sa physical appearance eh mukhang healthy eh healthy na. Minsan mas maganda parin na may medical care. Kasi minsan yung mga sakit traidor. Gaya yung sa leukemia traidor yun. One day masigla ka pero one day mahina ka na. Ganun yun. Although my type naman kasi ng cancer na nakikita kaagad ang sintomas. But not in her case. " mahabang paliwanag ni insan.
"nasabi mo ba yan sa magulang?" Tanong ko.
"hindi pa. Kalalabas lang ng results. Ngayon palang. Magrorounds na kami. Bye insan. Call me nalang if may kailangan ka. Same number. "
"okay bye. " at umalis na siya. Hindi ko alam kung bakit pero dinala ako ng paa ko pabalik sa floor ng room ng anak ni Lezzi.
*ring ring*
Kinuha ko agad ang phone ko.
Nurse-Jam
Ano na naman to?
Sinagot ko ang tawag.
"hello"
(hello sir. Nagising po siya at hinahanap kayo. Iyak nga po ng iyak eh. ) halos tarantang sabi niya sa akin.
"okay sige pabalik na ko. " binaba ko na ang phone at umalis na ng hospital saka ko nalang dadalawin ang montefallon. Mas importante siya.
********
Vote**comment*** thanks.
BINABASA MO ANG
UnPlanned Family
Teen FictionEverythings happens for a reason.... at ganyan ang kwento ng buhay ko. naniniwala sa kasabihan na yan. I'm Lezzi Montefallon and here is my story..