LEZZI POV
Nandito kami ngayon sa airport. Why? Eto kasing si Jayson nagpahatid. Matindi ang saltik nito sa utak eh. May business trip daw siya. Ewan ko kung saan. Imbis na sana inaayos ko na ang gagamitin next week sa fashion show. Eto nandito ako nag-aantay ng pag-alis niya. Baliw lang diba? Nagugutom na ang mga alaga ko sa tiyan.
"wala parin ba? Nagugutom na ko oh!" Reklamo ko.
"kakakain lang natin gutom ka na? Grabe ka. Kaya ka tumataba eh. " nakangiting sabi nito. Aba't mataba na daw ako..
"hoy! Dalawa kasi ang alaga ko siya tiyan. And for your information hindi pa ako ganun kataba. Chubby palang!" Inirapan ko siya.
"chubby? Parehas lang yun. "
"edi huggable nalang. "
Maya maya pa ay narinig na namin ang flight number niya.
Nakapag check in naman siya so ihahatid ko nalang talaga siya. Tumayo na kami at umalis na sa waiting area.
Pero napahinto kami ng makita ko ang taong sumira ng araw ko...
"Mr. Montefallon. " takte tong si Jayson nakuha pang batiin.
"Mr. Calnes. "cold na sabi ni Levi. Bakit ganun? ang gwapo parin niya. Shit Lezzi. Pinagpapantasyahan mo parin siya.
"Levi sorry for waiting.. akala ko kasi naiwan ko talaga. " napatingin ako sa bagong dating. Tinignan ko ang hawak ni Levi dalawang maleta. Isang kulay itim at isang Pink. Hindi naman siguro kanya yung Pink diba?
May bago na pala..
Ouch! Ouch ka diyan? Diba galit ka?
Pero masakit diba?-konsensya.
Masakit nga. Hindi ko alam ang irereact ko. Bakit nasasaktan ako?
Kasi kasal pa kayo. Asawa ka pa niya pero may iba na siya. -mind 1
Baka nasabay lang niya yan. -mind2
Argh!! Pati utak ko nagkakagulo.
"Levi tara na. Naghihintay na si Daddy. "
Okay. Edi sila na ang legal na magjowa. Nakakainis siya. Hindi pa nga kami legal na naghihiwalay may bago na agad siya. Arrgh!! Teka dapat hindi ako mainis.
"tara na nga jayson!" Hinila ko siya Paalis sa harap ng dalawa.
"bye Mr. Montefallon. " tagal nang-asar pa tong taong to.
Nang makalayo na kami ay pasimple kong tinignan kung nandun pa yung dalawa. Pero wala na sila.
*sigh*
"kahit galit ka mahal mo parin. " kalmadong sabi ni Jayson.
"ano bang sinasabi mo?"
"matago man ng katawan mo ang pagkasabik mo sa kanya di naman matatago ng mata mo. "
Totoo ba talaga yun?
"hahaha.. sige na . Aalis na ko.. goodluck sayo. " niyakap ko siya. Ewan ko. Basta feeling ko matagal ko pa siya ulit bago makita..
"mag-iingat ka doon. " sabi ko.
"opo nay. -- ouch!" Hinampas ko lang naman siya sa braso niya.
"nay ka diyan!!. Sige na lumayas ka na. " ngumiti siya sa akin. Gwapo naman talaga siya eh. Sayang lang. Tumalikod na siya para pumunta sa departure area. Nang di ko na siya matanaw ay umalis narin ako.. goodluck nga sakin. maraming goodluck ang kailangan ko..
*********
Waaah. Bakit nasa parehas na sitwasyon ang dalawang bidang babae ko?
Si Trisha ng RWYB
At si
Lezzi ng UPF.
Waaaaahhhh..pagmeet ko kaya silang apat? What do you think?
Hmmmm...
Vote comment & share
-bukotart @ ur service
BINABASA MO ANG
UnPlanned Family
Teen FictionEverythings happens for a reason.... at ganyan ang kwento ng buhay ko. naniniwala sa kasabihan na yan. I'm Lezzi Montefallon and here is my story..