UPF#15

430 5 0
                                    

LEVI POV

"daddy wake up.. wake up.. wake up..." sino ba yun? Antok pa ko eh..

"daddy wake up.. " minulat ko ang mata ko.

"bakit baby?" Napatingin ako sa orasan sa side table 7am palang. Antok pa ko. Gusto kong bumawi ng tulog sa isang linggo kong walang pahinga na pagtratrabaho... nakaleave naman ako ngayon eh. Pero etong si lovely mukhang di ako pagpapahingahin.

"daddy wake up.. " pilit niya kong binabangon. Umupo ako sa kama.

"bakit ba baby? Inaatok pa daddy. Maya na tayo magplay ha.." muli na naman akong humiga.

"daddy look at my arms. " sabi niya. Panigurado may drawing na naman yan.

"later na baby. Daddy is sleepy pa. " nagtakip ako ng unan.

"daddy see my arms. So daming pasa. " sabi niya. Ano raw? Pasa? Agad akong nagising. Tinignan ko siya nakataas ang dalawang kamay niya. Pinapakita sa akin.

"san mo nakuha yan?" Takang tanong ko. Eh paano. Malalaki ang mga pasa. Although mabibilang mo lang naman.

"nahulog po ako kanina sa bed ko. Wala naman akong sugat buy when I take a shower an hour ago I saw this. " sabi niya. Nagpout pa. Naku. Sensitive pa naman ang balat nito. Kita niyo nahulog lang nagkapasa na.

"ang likot mo kaso matulog eh. "binuhat ko siya at iniupo sa binti ko.

"hindi no daddy. " inayos ko ang buhok niya. Magulo pa kasi medyo basa pa ang buhok. Kakaligo lang. Naramdaman ko na yumakap siya sa akin. Ang sarap lang sa pakiramdam.

"daddy I feel d---" bigla nalang siyang nawalan ng malay. Shit!.

"lovely.. lovely" tinapik tapik ko ang pisngi niya. Pero di siya nagigising. Ano bang nangyayari kay lovely.

"mama!!!" Sigaw ko. Habanh oo patuloy parin sa pag tapik sa pisngi ng bata. Natataranta ako. Maya maya pa ay pumasok si mama.

"bakit ka ba sumisigaw Levi. " tanong nito na medyo hingal pa.

"si ... si... lovely po... nawalan ng malay. " natatarantang sabi ko.

Lumapit naman si mama. Inihiga ko sa kama si lovely.

"sus ko po. Dalhin na natin sa hospital. Namumutla na siya. Ihanda mo na yung kotse anak. Bilis. " utos nito. Agad kong kinuha ang susi at mabilis na binuhat si Lovely.

Ano bang nangyayari?

LEZZI POV

"pakilabas nga to Jen! At pakisabi sa kanila na gumawa naman sila ng maayos na designs!!!" Halos ihagis ko na ang papel sa mukha ni Jen. Pangatlong draft na yan pero bakit hindi parin nila makuha yung gusto ko. Nakakainis na!!! Agad namang lumabas ng office ko si Jen.

Sumasakit lalo ang ulo ko. Hinilot hilot ko baka sakaling mabawasan ang kirot saka Ipinikit ko ang mga mata ko.

Hindi ko alam kung anong nangyayari sa mga tao ko at puro palpak ang mga gawa nila. Narinig ko na bumukas ang pinto si Jen na naman to panigurado.

"ang sabi ko wag kang papasok dito hanggat walang maayos na design kang maiprepresent sa akin!!! MY GOD JEN! for almost two hours puro reject lahat ang pinapakita mo sa akin." Siguro naman ngayon lalabas na siya. Pero ilang minuto pa ay wala akong narinig na paglabas sa pinto. Idinilat ko ang mata ko at nakita ko na nakatayo doon si mr. Calnes.

"your hot tempered today Ms. Montefallon. " nakangising sabi nito. Bakit ba nakangisi to may nakakatawa ba?

"it's Mrs. Not Ms. " mataray kong sabi.

"woah! Napapaso ako sa init ng ulo mo. Pwedeng chill lang?" Nabiro pa ang loko. Tsk!

"paano ako kakalma kung nagbigay ka ng deadline sa akin? And you know what? 1 week for 200 products? Are you insane?!" Baliw na siya!

"why? Wala ka bang tiwala sa kakayahan ng nga tauhan mo? Kaya ko nga napili na pagkuhaan ng damit ang company niyo kasi bukod sa magandang quality ay alam kong hindi mo ko mabibigo. Now tell me. Sumusuko ka na ba? iaatras ko na ang agreement natin. " nakapamulsa pa ito. Naiinis ako sa kanya. Di ko alam na ganyan pala siyang katrabaho!

"why would I? I know we can do It before the deadline. So what are you doing here? I will see you after a week. Ayoko ng may mang-iistorbo sa ginagawa ko. "

"masama bang kamustahin ko ang mga products na na purchase ko?"

"excuse me? Hindi mo pa nabibili. So wag mag-assume. Umalis ka na nga at naiinis ako sa pagmumukha mo. " ano bang nangyayari sa akin?

"hahahaha. Ikaw lang ang naglakas loob na sabihan ako niyan. Natutuwa talaga ako saiyo. Parang nung nakaraang buwan lang ok tayo bakit ngayon....?" Lumapit pa ito sa akin. Shemay! ang tapang ng pabango!

"luma---" napatigil ako ng mang ring ang phone ko.

Babe calling...

Sinagot ko agad. Lumayo naman si Mr. Calnes.

"hello?"

(hello. Lezzi. Si lovely... ) halata sa boses nito ang pagkataranta..

"anong meron kay lovely?" Shit bakit kinakabahan ako..

(kasi. Kanina. . Kanina...) putek paulit ulit. Naiinip ako!

"ano nga?!" Sigaw ko.

(nahimatay si lovely. Papunta na kami ng hospital.)

Ano raw? Si lovely? Nahimatay?

Loading....

"ano?! sang hospital?"

(st. Claire----)

"sige papunta na ako diyan!!" Sabay binaba ko na ang phone.

"anong nangyari?" Shit. Nanginginig ako. Ano ba kasi talagang nangyari. Kanina lang nung tignan ko siya sa kwarto ang himbing naman niyang natutulog. Sa sobrang pag-iisip ko di ko namalayang nakalapit na ulit si Mr. Calnes.

"your trembling. Calm down. " mahinahong sabi niya sa akin.

"please. Aalis na ako. Wag muna ngayon jayson. Yung anal ko nasa hospital daw. " kinuha ko na ang car keys ko at saka bag. Aalis na sana ako ng pigilan ako ni jayson.

"mukhang di mo kakayaning mag drive nanginginig ka. Ipagdridrive nalang kita. Baka kung ano pang mangyari sayo. "

Mukha ngang di ako makakapagmaneho ng maayos. Tumango nalang ako. Lumabas na kami at dumiretso sa parking lot. Narinig ko pa nganv tinatawag ako ni Jen pero di ko na pinansin. Tatawagan ko nalang siya mamaya.

Lord sana naman ok lang ang anak ko...

**********

UnPlanned FamilyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon