LEVI POV
Nailipat na ng kwarto si Lovely galing Emergency room. Sabi sa ER anemia lang. They conduct some tests and we have to wait for four hours para makuha ang results.
"for now Mr. Montefallon ayon sa BP niya. Mababa ang hemoglobin niya. Hindi ko pa siya pwedeng resetahan ng gamot hanggat hindi lumalabas ang mga results ng blood test. And about dun sa mga pasa niya.. palagi kong nakikita ang mga ganitong sintomas sa ibang pasyente sa hospital na to. At di na bago sa akin yun. Pero ayoko munang mag bigay ng conclusion sa nakikita ko hanggat wala pa ang mga resulta. " sabi sa akin ng doktor. Ano bang pinagsasabi nito?
"direstuhin niyo ako doc. "
"sa tingin ko hindi lang basta anemia ang sakit niya. Worst than that. "
"then what?"
"lukemia. Its a cancer. But sana magnegative siya sa mga test para doon. So babalikan ko po kayo after 4 hours. " tinapik pa ako ng doktor sa balikat bago lumabas.
Lukemia? Paano?
Parang di masink in sa utak ko kung paano magkakaroon ang anak ko ng ganoong sakit.
Lumapit ako sa kama ni lovely. Mahimbing siyang natutulog. Nagising siya kanina na masakit daw ang katawan niya. Inayos ko ang buhok na natatakip sa mukha niya.
"sana nga negative baby. Kasi hindi namin alam ng mommy mo ang gagawin kung sakali.. " pinapatatag ko ang loob ko. Hindi para sa akin kundi para sa anak ko. Ngayon pa na maayos na kami.
Bakit kailangan pa ng ganito?
Halos isang buwan palang kaming nabubuo pero eto na naman ang pagsubok. Hindi ba talaga kami magiging ok?
Napatingin ako sa pinto ng bumukas ito. Si Lezzi.
"what happen?" Bungad agad niya. Lumapit agad siya sa kama ni lovely. At hinalikan ang ulo nito.
"kailangan pa nating mag-antay ng apat na oras para sa mga results. " mas makakabuti siguro kung di ko muna sasabihin ang sinabi ng doktor. Mag-antay nalang kami ng apat na oras. Ayoko siyang mag-alala.
"anong sabi ng doktor sa kondisyon niya? Bakit daw siya nahimatay?" Halos sunod sunod na tanong niya.
"anemia daw. Kulang lang sa dugo at saka nasobrahan sa laro. "
Tumitig siya sa anak namin. Halos maluha luha nasiya. Gaya niya rin siguro ako na mahirap makita ang anak mo na nakahiga sa hospitak bed.
Nadako ang tingin niya sa mga braso nito.
"bakit ang dami niyang pasa sa kamay?"
"nahulog daw siya kanina sa kama niya. Sensitive kasi diba ang balat niyan. " yun naman talaga ang sabi ni lovely sa kanya.
"hindi mo man lang binantayan?" Tumataas na ang boses niya. Bakit ba siya ganyan?
"bakit ba tumataas ang boses mo? At saka paano ko siya mababantayan kung tulog pa ako. Alam mo namang one week akong walang maayos na tulog. Kaya nga ako ngleave ng one week para makapagpahinga. " kalmado parin ang boses ko.
"ewan ko! " sabi niya at umupo sa couch na nasa kwarto. Ang init ng ulo niya. Parang sa akin pa sinisisi kung bakit may pasa ang bata.
"wag niyong daanin sa sigawan. " singit ng isabg baritonong boses. Tinignan ko ang pinanggalingan ng boses si Jayson Calnes.
"anong ginagawa mo dito?" Inis na tanong ko.
"ipinagdrive ko si Lezzi. Nanginginig siyanm kanina nung tumawag ka. Kaya I bet di niya kayang magmaneho kaya nagvolunteer ako. " dapat ko na ba siyang sabitan ng gentleman award? ASA!!
"eto nandito na siya pwede ka ng makaalis. " maawtoridad kong sabi.
"okay fine. Sa susunod nalang siguro ako bibisita. " sabi niya.
"ka--"
"kahit wag na!! Umalis ka na naalibadbadran ako sayo. " singit ni Lezzi sa sasabihin ko sana. Yun din sana ang sasabihin ko pero thanks to her. Nasabi na niya.
"oo na! Kanina pa ang init ng ulo mo sa akin. " pagrereklamo pa ni Jayson.
"umalis ka na nga! Ang tapang ng pabango mo! Ang sakit sa ilong!!" Sigaw ni Lezzi. Natatakot akong magising si Lovely sa ingay ni Lezzi.
"ang bango ko nga eh. "
"pagbilang ko ng tatlo pag di ka pa umalis di ka na sisikatan ng araw. Isa.. "
"nakakatuwa ka talaga. Eto na aalis na. " ayos ha. Kung magcompliment siya sa asawa ko parang wala ako dito.
Lumabas narin ito ng pinto. Tumabi ako kay Lezzi. Hahawakan ko sana ang kamay niya ng
"ano ba! Ikaw din wag kang tumabi sa akin! " aba't pati ako? Lakas tama nitong babaeng to.
"eto na hindi na!" Sigaw ko rin. Lumipat ako sa kama ni Lovely at dun naupo.
Haayy buhay nga naman oh...
***********
BINABASA MO ANG
UnPlanned Family
Ficção AdolescenteEverythings happens for a reason.... at ganyan ang kwento ng buhay ko. naniniwala sa kasabihan na yan. I'm Lezzi Montefallon and here is my story..