GOM: Chapter 10

61 7 1
                                    

~♊Third♊~

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

~♊Third♊~

"Ryujin?" Pagtawag ni Chaewon habang kumakatok sa pinto ng unit nila. Naiwan kasi ni Chaewon ang bag niya sa LU, pero noong binalikan niya doon, wala na.

Napatigil nalang siya sa pagkatok noong bumukas ang pintuan. "Gaga ka!" bungad ni Ryujin.

"Huh?"

"Akala namin kung ano nangyari sa 'yo! Tignan mo, nandito silang lahat oh!" Napasilip si Chaewon sa loob ng condo nila, at complete attendance nga ang mga kaibigan niya kasama si Minju.

"Kasama ko si–" sasabihin niya sana na kasama niya si Felix, pero naalala niyang hindi pa pala ito kilala ng mga kaibigan niya. Sinenyasan niya si Felix na pumasok sa loob. "Guys, si Felix nga pala." Tumango ang lahat maliban kay Ryujin at Yeji.

"Ikaw–"

"Oo, Ryujin, siya yung Felix na nagtanong sa 'yo about sa akin."

"Nagtanong about sa 'yo?"

"Bakit siya magtatanong tungkol sa 'yo?"

"Oo nga, bakit ka nagtatanong tungkol kay Chaewon?"

Sunod-sunod na tanong ng mga kaibigan niya. Napabuntong-hininga at napailing nalang si Chaewon.

"It's a long story," tanging sagot nito. "Kumain na ba kayong lahat ng hapunan?"

"Hindi pa."

"Nagluto ka na, Ryujin?" tanong ni Chaewon.

"Sa sobrang pag-aalala ko sa 'yo sa tingin mo ba nakapag-luto ako?"

"Nagtatanong lang."

"Padeliver nalang tayo." Suhestiyon ni Hitomi na sinang-ayunan nilang lahat.

"Magpapalit lang ako." Tumango si Felix sa paalam ni Chaewon. Gaya nga ng sabi ni Chaewon, pumunta muna siya ng kuwarto niya at nagpalit.

Pagkatapos magpalit, dumiretso na si Chaewon sa sala. Bisita niya si Felix, at wala siyang close sa mga kaibigan nito. Considering ang mga nag-aalalang tanong ng mga kaibigan niya kanina, alam ni Chaewon kung paano ang ugali ng mga ito pagdating sa ganito.

"Chaewon, saan iyong CR niyo?" Tinuro ni Chaewon ang CR nila saka tumango si Felix.

"Sino naman iyon, Chaewon?" tanong ni Jihoon.

"Did I not mention his name earlier?"

"Ang ibig-sabihin ko, sino iyong taong iyon at kasa-kasama mo kanina?"

Gemini of MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon