~♊Chaewon♊~
"Chaewon! Chaewon! Hoy gaga, gising!" Nagising ako kay Ryujin.
"Five minutes." sabi ko. Inaantok pa ako. Kanina pa ako nakabihis pero bigla ako nakatulog noong humiga ako sa kama ko.
"SI FELIX NASA PRESINTO, GAGA, ANONG FIVE MINUTES."
Napadilat ako bigla at napabangon.
"ANONG NASA PRESINTO?!"
"Mamaya na tanungan! Halika na! Sakay na sa kotse!"
Dali-dali kong sinuot ang flats ko at sinundan si Ryujin palabas ng condo namin. Naunang umuwi si Minju sa Gangnam, pero ako nagpa-iwan para may kasama si Felix pauwi. Ano ngayon 'tong nasa presinto siya?!
Pinakita ni Ryujin ang red card sa bintana ng kotse niya kaya hindi na kami inusisa ng guard. Lahat kasi ng naninirahan dito ay may red card na ipapakita sa guard kapag emergency.
"Oh ano?! Paanong nasa presinto siya?!"
"Nasa balita!"
"Hoy baka niloloko mo lang ako. Baka in-interview lang siya ha!"
"Gaga! Search mo diyan sa cellphone mo. Pangalan talaga niya iyong nandoon. Tagapagmana ng organisasyon ng sindikato?! Chaewon, may alam ka ba doon?"
Dali-dali kong nilabas ang cellphone ko at hinanap ang balita tungkol kay Felix. Ano nanaman ba 'to?
"Jasper Rozo na kilala bilang lider ng organisasyon ng mga sindikato, mayroong palang tagapagmana. Iyan ang tinutukan ni Jana Lee. Jana?"
Ang aga-aga ganito bubungad sa akin. Tagapagmana? Wala namang nabanggit na ganoon sa akin si Felix.
"Felix Lee di umano ay ang tagapagmana ng organisasyon ng mga Rozo. Nitong umaga lang niya isinuko ang sarili sa mga pulis."
"Bakit mo isinuko ang sarili mo?"
"Dahil ayokong nang magpatuloy 'to. Hindi na tama 'to."
Felix...
Why...?
Hindi 'to totoo. Hindi pwede maging totoo 'to. Hindi. Hindi. Hindi.
"Nandito na tayo." Pagkasabi ni Ryujin noon ay mabilis kong binuksan ang pinto at tumakbo papunta sa entrance ng police station. Napaka-raming tao ngunit hindi ko iyon inalintana at pilit na nakipagsiksikan sa kanila. Pinilit kong makadaan kahit napakasikip.
"Padaanin niyo ako!"
"Chaewon?" Narinig kong tawag sa akin ni PO2 Kang noong nakita niya ako.
"Excuse me po, makikiraan po!" Pakiusap ni Ryujin na tinutulungan din ako makadaan.
"Padaanin niyo po siya! Padaanin niyo po, please!" Pakiusap din ni PO2 Kang kaya nakadaan na kami ni Ryujin ng maayos.
Hindi ko na nakamusta si PO2 Kang at dumiretso sa loob. Naramdaman ko ring nakasunod sila ni Ryujin sa akin.
"Ong! Nandito na si Chaewon!" Pagtawag ni PO2 Kang kay PO1 Ong na nakatayo sa may kaliwa.
"Halika! Dito! Nandito si Felix." Pumunta ako sa direksiyong tinuturo ni PO1 Ong. Napunta kami sa harap ng isang kwarto. Nakasulat sa sign nito na ito ang Interrogation Room. "Tapos na namin siyang tanungin, ngayon hinihintay lang namin na dumating ka, kaya nandiyan pa siya." Binuksan ni PO1 Ong ang kuwarto at pinapasok ako. "Sige na kausapin mo na siya."
Tumango lang ako at saka naglakad papunta sa kanya. Nakaupo siya ngayon at hindi maangat ang ulo niya. "Felix." Pagtawag ko sa kanya, ngunit hindi niya ako hinarap. "Totoo ba?" tanong ko rito. Sinubukan kong hindi ako pangunahan ng mga emosyon ko dahil kailangan ko malaman ang totoo.
"I'm sorry," Nangilid ang mga luha ko noong humingi siya ng tawad sa akin. "I'm sorry, Chaewon. I turned into this."
"Felix, please... tell me you're lying..."
"I'm a horrible person, Chaewon... Kaya hindi ko rin mapakilala iyong sarili ko noon... kahit matagal ko nang alam na ikaw yan," Napaiwas ako ng tingin sa kanya at tinakpan ang bibig ko. Alam kong malapit na akong bumigay. Alam kong malapit ko nang hindi kayaning ma-kontrol ang mga emosyon ko. "Kasi wala akong mukhang maiharap sa 'yo... sa inyo... Hindi ko matanggap na haharapin ko kayong ganito... na maduming tao... na masama... na... na ganito na..."
"Hindi 'yan totoo!" Nasigawan ko na siya sa sobrang pagka-gulo ng isip ko.
Narinig ko siyang pigilan ang mga luha niya. Hindi ko siya maharap dahil alam kong sa sandaling magtama ang mga mata namin ay aagos na ang mga luha sa mga mata ko. "I'm sorry... I'm sorry I turned into this... I'm sorry I won't be home this Christmas..."
That was when I lost it. I remembered his promise to me.
"I promise I'll be home this Christmas."
Liar.
"Yongbok," hindi ko na napigilan ang mga luha ko. Napaupo ako noong naramdaman kong nanghihina ang mga tuhod ko. "Sixteen years kitang hinanap... tapos ganito? Mawawala ka nanaman?" Tinakpan ko ang mga mata ko at sinubukang huminga. Hindi na ako makahinga dahil sa paghagulgol ko. "Sixteen years akong nangulila... Sixteen years kitang iniyakan... Sixteen years akong nagbaka-sakaling makasama uli kita... Yongbok... Bakit?"
"I'm sorry, Chaewon..."
Napapagod na ako sa mga sorry niya. Gusto ko ng explanation. Bakit? Bakit niya nagawa 'to? At higit sa lahat, ang pinaka-masakit sa lahat, nararamdaman ko... alam kong nagsasabi siya ng totoo. It's this damn connection we have as twins.
"I'm sorry... we have to be separated again..."
Nabalot ang buong kuwarto ng nakakabinging katahimikan. Parang wala na akong lakas para komprontahin siya. "Gaano katagal?"
"Habang-buhay."
BINABASA MO ANG
Gemini of Mine
Teen FictionSome say having a twin can be a heck of a roller coaster ride. As for Kim Chaewon, it was full of agony and guilt losing hers at a very young age. She always wondered what it would be like if her twin brother grew up with her. With the desire to fin...