GOM: Prologue

204 13 2
                                    

"Yongbok!"

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Yongbok!"

"Chaewon! Nasaan ka na?!"

"Papa! Si Yongbok po! Papa! Papa! Itigil niyo po 'tong sasakyan! Yongbok!"

"Chaewon!" Nagising ako sa boses ni Ryujin. "Okay ka lang?" 

Bumangon akong nakahawak sa dibdib ko dahil sa sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Napasabunot nalang ako sa sarili ko at sinubukang huminga ng malalim.

"I heard you screaming Yongbok's name," Napalingon ako kay Ryujin. "Again,"

"Sorry, nagising ba kita?" Umiling siya at tinapik ang likod ko.

"Nagluluto ako ng almusal noong narinig kitang sumisigaw, kaya nope you didn't wake me up kaya-" Napatigil siya sa pagsasalita kaya napalingon uli ako sa kanya. Nanlalaki na ang mga mata nito saka siya tumakbo paalis.

"Ryu-" hindi ko na natuloy ang pagtawag ko sa kanya nang mayroon akong naamoy. Ay...

"Wait lang Chaewon!" Narinig kong sabi ni Ryujin sa akin. 

Tumayo na ako sa kama at inayos ito. Nagsuklay lang ako saka ako lumabas ng kuwarto.

"Oh my gosh! Oh my gosh!"

"Sorry, nasunog nanaman niluluto mo dahil sa akin."

"Ay nako! Okay lang! Ako din naman may kasalanan. Hindi ko muna pinatay yung stove bago kita puntahan." Natawa nalang ako at nagsimula nang mag-ayos ng mesa.

Kasama ko sa condo si Ryujin. Simula first year college ako, siya na ang kasama ko sa condo. Ngayong third year college na kami, siya pa rin. Buti hindi pa kami nagsawa sa isa't-isa. Well, mabait naman kasi si Ryujin. She's cool. Magkaibigan din kasi ang mga tatay namin kaya, ito.

"Grabe girl, naloka ako do'n sa Chef na nagmentor sa atin. Ano nga pangalan no'n?"

"Chef Jennie Kim."

"Grabe girl 'di ba? Ang taray niya! Sa lahat ng chefs na nagmentor sa atin siya pinaka-mataray. Pero ang ganda niya ha." 

Pareho din kami ng course, Culinary Arts. 

"Napanaginipan mo nanaman yung kambal mo 'no?" Napatigil ako sa pagnguya at tumango kay Ryujin. "Wala pa rin bang update ang mga pulis? Ilang taon na 'yan ah?"

"Sixteen," Napayuko ako at napakagat sa aking labi. "Sixteen years ko na siyang hinahanap. Sixteen years ko nang hinahanap ang kambal ko." Napailing nalang ako at pinagpatuloy ang pag-kain.

Nasaan ka na ba kasi, Yongbok?

Gemini of MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon