GOM: Chapter 12

50 7 2
                                    

~♊Minju♊~

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

~♊Minju♊~

"I thought you were mine."

ARGH! Head, stop thinking about that! Si Heart ang malulugi!

Pero bakit hindi ko agad na-realize? Pero nagawa kong sumagot ng 'I thought you were mine too'? HA?

Buti nalang mag-isa ako sa condo! Gusto ko magwala! Pero magwawala na talaga ako kasi nga, mag-isa lang ako.

"HWANG HYUNJIN! BAKIT KA GANYAN!?"

Saya nito ah? Kikiligin ako sa kanya, tapos aasa, tapos masasaktan, repeat. HAYS!

Kalma, Minju, kalma. Uuwi pa kayo ni Chaewon sa Gangnam ngayong gabi. Nilabas ko nalang muna ang mga libro ko at naisipang magbasa.

Kalma...

~♊Chaewon♊~

Papunta kami ngayon ni Ryujin sa parking lot. Nandoon kasi ang kotse niya. Sabi din ni Ryujin, Samgyup daw kami ngayon.

Maya-maya nakarating na rin kami doon sa restaurant. Nakita naming nandoon na lahat maliban sa amin kaya agad-agad kaming umupo.

"Akala ko pala, isasama mo si Felix?" bulong sa akin ni Ryujin.

"Miss mo na?" pabulong na asar ko.

"Chaewon! Alam mo ba, si Hitomi,"

"Yeji!" Pagpigil ni Hitomi.

"Crush niya si Felix!"

Nanlaki ang mata ko sa rebelasyon ni Yeji. "Seriously?! Pati ikaw?"

"Anong pati ako? Crush mo din si Felix?"

"Hindi! Si Ryujin!" Natakpan tuloy bigla ni Ryujin ang bibig ko. Napalakas pa yung pagtakip niya kaya parang pinalo na ako. Bad.

"Crush mo si Ryuj–OH?" Gulat na sabi ni Yeji.

"Bakit pala parang sad boy 'tong dalawang 'to?" Pag-iiba ni Ryujin ng topic.

Pupunahin ko sana na iniiba niya lang ang topic pero oo nga, parang ang lungkot ni Hyunjin at Jihoon ngayon ah. "Okay lang ba kayo?" tanong ko sa kanila. Hindi sila sumagot at nanatiling tulala. Maya-maya dumating na yung pang-Samgyup namin, kaya nagluto nalang muna kami.

Nag-asaran at nagkuwentuhan lang kami habang kumakain. Minsan, napapatawa o napapangiti namin yung boys, pero wala eh, malulungkot. Ano kaya nangyari dito? Si Hyunjin baka dahil kay Minju? Pero si Jihoon... may crush ba 'to?

Gemini of MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon