GOM: Chapter 32

39 5 0
                                    

~♊Third♊~

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

~♊Third♊~

"Jason, please listen to me."

"No, Felix."

"Matagal na kitang pinagsasabihan! Kung sana matagal ka na ring nakinig sa akin, edi sana hindi ganito ang haharapin mo!"

"Bullshit!" Nahagis ni Jason ang shot glass na nasa mesa niya. "Alam mo rin ang dahilan kung bakit ko 'to ginawa, Felix!"

"Oo, Jason, at naiintindihan ko 'yon. Ang hindi ko maintindihan ay 'yong hindi ka tumigil!"

"Then, why are you here as well?!"

"Because I'm trying to tell you something! God damn it!" Napahilamos ng mukha si Felix at napabuntong-hininga. "Pareho nating pinasok ang pagnanakaw noon dahil kailangan natin pareho, ang hindi ko maintindihan sa 'yo ay bakit mo ipinagpatuloy noong nag-agree tayo na titigil na tayo! Pinalala mo pa, kidnapping ang pinasok mo!"

"Ilang beses ko ba uulitin sa 'yo?!"

"Ilang beses ko rin ba uulitin sa 'yo na hindi tama 'tong ginagawa mo? Jason naman, magkaibigan tayo simula noong araw na nahulog ka sa swing noong mga bata pa tayo. Kaibigan ba talaga tingin mo sa akin?"

"Huwag mo ako idaan sa ganyan."

"Kasi kung tunay na kaibigan tingin mo sa akin makikinig ka sa akin. Hahayaan mong punahin ko 'yong mali mo. Jason, tama na."

"Felix, hindi ko na puwede pakawalan 'to! Napaka-laking bagay na nito! Ako ang pinili ni Jasper na tagapagmana niya. Kahit ikaw kaya kitang tulungan."

"Hindi tulong ang hinihingi ko!" Mas lalo nagalit si Felix sa kahibangan ni Jason. Napabuntong-hininga uli siya at napapikit. "Sige. I let them occupy our secret hideout. I let them endanger my stepdad. And they harmed my family. Fine, Jason. Diyan ka nalang, habang-buhay kang kang magbulag-bulagan." Napadilat siya at diretsong napatingin sa kaibigan niya. "You've left me with no choice but to resort to my last straw."

~♊~

"Felix, what the fuck?!" Napatayo si Jason nang marinig niya ang balita tungkol sa pagkaka-aresto kay Felix.

"Ang ibig-sabihin lang niyan boss ligtas ka na. Mapagpapatuloy natin yung organisasyon."

"Oo nga po boss. Iisipin na nilang wala na 'yong organisasyon dahil akala nila kinulong na nila yung tagapagmana talaga."

"KAYONG DALAWA MAGSILAYAS KAYO DITO SA OPISINA KO!"

Napaupo ito at napasabunot sa kanyang sarili. Hindi siya makapag-isip ng gagawin niya ngayon. Hindi niya akalaing gagawin ni Felix iyon. Wala siyang pakielam sa mga tauhan niya maliban kay Felix. Malaki ang utang na loob niya rito. Kung hindi siya niligtas ni Felix noong araw na mahuhulog na siya dapat sa isang tulay ay hindi niya makakasama ng ganito katagal si Felix.

Gemini of MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon