GOM: Chapter 30

27 6 0
                                    

~♊Chaewon♊~

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

~♊Chaewon♊~

"Here's the popcorn." Napatingin kaming apat kay Hiichan noong nilagay niya ang bowl ng popcorn sa lamesa.

Nandito silang lahat ngayon dahil nagtataka daw sila kung bakit hindi na kami gaano lumalabas. Alam naman nilang fresh pa sa amin ni Minju yung mga nangyari, pero masyado yata kaming nag-stay indoors daw. Gusto ko lumabas, pero hindi pa puwede. And besides I've never heard of Felix ever since he last visited here. Hindi nga rin siya nakasama noong bumisita kay Lola noong Undas.

"Ano mga plano niyo sa Pasko?" tanong ni Ryujin saka nilantakan iyong popcorn.

Binaba ni Yeji ang iniinom niyang Royal at sinagot ang tanong ni Ryujin. "Nagyaya iyong mga magulang namin sa kanila Chaewon kung gusto daw bang magkasama mga pamilya namin this Christmas. Pumayag naman sila so, magkakasama kami sa Pasko."

"Aws, sana all. Pero sabi naman ng mga magulang ko pupunta daw kami sa Los Angeles para bisitahin sila Tita, so goods pa din me." Sabi ni Ryujin habang nakatingin sa cellphone niya.

"Bahay lang. Hindi nila trip gumala." sabi naman ni Jihoon na nilalagyan ng Royal ang baso ko. Buti naman at nagka-ayos kami nito. Well, technically, hindi naman talaga kami nag-away. Akala ko lang kasi hindi kami magpapansinan after niya bugbugin si Felix. Nagpaliwanag naman ako, and buti nalang he understood.

"Same, bahay lang din kami."

"Ryujin, ba't ayaw gumana ng remote niyo?" Nagtatakang tanong ni Yeji na kanina pa sinusubukan buksan yung Netflix sa TV namin.

"Tanga, ibang remote kasi. Ito oh." Inabot ni Ryujin kay Yeji ang tamang remote. Napakamot nalang siya ng ulo at natawa.

"Rozo has fallen. Ang kasalukuyang lider ng organisasyon na si Jasper Rozo ay nakuha na ng mga pulis."

"Yeji, sandali." Naharang ko ang braso ko sa harap ni Yeji nang marinig ko ang apelidong 'Rozo'.

Mainam kong pinakinggan at pinanood ang report. Nararamdaman ko ring nakatingin sa akin ang mga kaibigan ko at nagtataka. Lumabas rin si PO2 Kang sa balita para sa isang interview.

Hindi ko maiwasang hindi maisip si Felix. Tapos na ba ang plano niya? Ito na ba 'yon? Malaya na ba siya?

Incoming call...
Felix

Naramdaman yata niya na naisip ko siya. Now that he's calling me, is it safe to assume that he's already free?

"Lix."

Gemini of MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon