GOM: Chapter 14

44 6 1
                                    

~♊Minju♊~

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

~♊Minju♊~

I was focused with my search. Nandito ako ngayon sa condo ko. Sa sobrang pagka-curious ko, sinearch ko si Felix sa Facebook.

Felix Lee

"He seems nice," I said when I remembered how Felix hid me from Hyunjin. "Sana lang hindi niya niloloko si Chaewon."

Napakunot ang noo ko sa nakikita ko. Walang kalaman-laman ang account ni Felix.

"Seryoso ba 'to?" I said. "Is it either he's inactive or he forgot his password or what?"

There were only three profile picture updates. The first one was five years ago, the second was four years ago and the latest one was one year ago.

"Baka pang-communication lang talaga Facebook niya? Ang judgmental ko ba masyado or sakto lang 'to?" Napakamot nalang ako ng ulo. "Basta mag-ingat ka Kim Chaewon, bahala ka na."

Incoming call
Hwang Hyunjin

I hesitated. Hindi pa rin naman kasi malinaw kung anong gusto kong mangyari. I understood that we like each other pero gusto ko muna mag-isip-isip.

Nakonsensya na ako dahil ilang linggo ko na din siyang hindi pinapansin, kaya sinagot ko na ang tawag. "Hello?"

"Minju!" Bakas ang saya sa tono ng boses ni Hyunjin. "Finally!"

"Tell me why you called. May gagawin pa ako."

"Can we talk personally?"

"Because of what happened two weeks ago?" I asked.

"Yes. I really want to talk about it, please."

"Okay." Just like that I said yes. Parang nagulat pa si siya kasi sandaling hindi siya nakasagot. Baka mahina signal? O nagulat lang talaga siya na ang bilis ko sumang-ayon? "Hello? You still there?" I teased him.

"Y-Yes, yes, I'm s-still here."

Natawa nalang ako. "Just tell me when and where, kailangan ko pa magluto since may bisita ako bukas."

"Who?"

"Kagrupo ko sa research. Partner ko sa team."

"Lalaki ba 'yan?"

Hindi ako nakasagot agad. Feeling ko magseselos 'to. Kahit noong okay pa talaga kami nagseselos na siya paminsan-minsan. Hindi niya sinasabi, pero nararamdaman ko. Madalas din kasi na tama ang kutob ko. Well, we should often trust our gutfeel since 90% of them are always correct. "Oo..." I answered.

Gemini of MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon