~♊️Chaewon♊️~
"Minju, uuwi ka ba this week?"
"Yes Papa! Cleared na po schedule ko."
"Chaewon, tawagin mo lang ako 'pag tapos ka na diyan ha! Nagugutom na talaga ako!" sigaw sa akin ni Ryujin na nasa sofa. Naka-video call kasi kami ngayon ng pamilya ko. Everyday sinusubukan nila kaming tawagan ni Minju, my stepsister.
"Chaewon, ikaw din sure ka nang makakauwi ka this week?" tanong sa akin ni ng stepmom ko, na tinatawag ko na ring Mama.
"Yes po, Ma." sagot ko.
"Sige mga anak, kakain na kami ng hapunan. Kayo din ha!"
"Bye Pa! Bye Ma! Bye Minju! Sana masarap ulam niyo!"
"Ikaw din! Pero siyempre mas masarap ako, rawr! Charot!" asar ni Minju sa akin.
Natawa nalang sila Papa at napailing-iling. "Kayo talaga! Sige na bye na!" Pagkasabi ni Papa noon ay in-end call ko na.
"Joanne, kain na tayo." Pagtawag ko kay Ryujin. English name niya kasi is Joanne.
"'Yon!" Masigla siyang tumayo sa sofa at pumwesto sa hapag-kainan. "Lalabas ka ba uli ngayong gabi?" tanong niya sa akin habang sumasandok ng kanin.
Hindi ako agad nakasagot at nginitian lang siya. "Huwag mo sasabihin sa kanila Jihoon, please."
Nabitawan niya ang sandok at napatingin sa akin, "Uhm..." Tinaas niya ang hawak-hawak niyang cellphone at ipinakita na naka-video call sila ng tropa. Hays.
"Bakit ayaw mo ipaalam sa amin, Chaewon?" tanong ni Yeji na kasama si Hyunjin sa video call niya.
Napasapo nalang ako ng noo at napailing-iling.
"Sorry," bulong ni Ryujin. Nag-ok sign lang ako sa kanya at nginitian siya.
"Kasi sasama nanaman kayo,"
"Oh ano naman kung sasama kami?" tanong naman ni Hyunjin.
"Gabing-gabi na ako lagi umuuwi tapos laging mayroong nagpapaiwan sa inyo. Ano goals tayo sa pagpuyat? We're all in this together?"
"Why not?! We're all in this together naman talaga ah!" bulalas ni Hitomi.
"Nagkukusa naman kami eh. Mahiya ka kung napipilitan lang kami." sabi naman ni Jihoon.
"'Yan si Hyunjin, napipilitan, para lang may kasama si Yeji. Kasi 'di ba, kapag hindi mo kasama si Yeji nang simula alas-diyes ng gabi, bingo ka sa Papa niyo?"
"Hoy! Hindi kaya ako napipilitan! Bukod sa kailangan kong samahan si Yeji, gusto ko rin tumulong 'no!"
"See?" Napairap nalang ako kay Jihoon at kinuha ang kanin.
BINABASA MO ANG
Gemini of Mine
Teen FictionSome say having a twin can be a heck of a roller coaster ride. As for Kim Chaewon, it was full of agony and guilt losing hers at a very young age. She always wondered what it would be like if her twin brother grew up with her. With the desire to fin...