"She liked Gerberas."
Tumango si Chaewon sa sinabi ni Felix at kumuha ng isang bouquet ng Gerbera. "Isa po nito."
Binayaran nila ang bulaklak saka sila umalis sa Dangwa. Mayroon sila ngayong bibisitahin na napaka-importanteng tao sa buhay nila. Matapos ang lahat ng pinagdaanan nila, this person deserves a visit.
Napatingin si Felix kay Chaewon noong bigla itong napahawak sa braso niya. Masyadong kinakabahan si Chaewon. Hindi siya makapaniwalang darating ang araw na bibisitahin niya ang taong ito.
Felix patted his sister's head when they arrived in this person's place. "Mommy, Chaewon is here." Felix greeted their mother while looking at her grave. "Nandito na siya Mommy. Nagkita na po kayo."
"Mommy." Napaupo si Chaewon at nilagay ang dala nilang Gerbera sa tapat ng puntod ng Mommy nila. "Ngayon lang po tayo nagkita." Napaupo na din si Felix para tapik-tapikin sa likod si Chaewon. Alam niya kasing maya-maya ay bibigay na ang kambal niya. "Gusto naman po pala natin m-makita ang isa't-isa, s-sana po pala nakipagkita po ako sa inyo bago kayo m-mawala." Napahawak si Chaewon sa puntod ng Mommy nila.
"She often asks me about you." Napangiti si Chaewon sa sinabi ni Felix sa kanya. "Hindi ko naman siya mabigyan ng iba't-ibang sagot dahil ilang taon lang tayo nagkasama noon."
Natawa nalang si Chaewon. "Salamat rin po sa pag-alaga at pagmahal kay Yongbok noong mga panahong nawalay siya sa amin," pagpapatuloy nito. "Marami po kayong nagawang kagalit-galit, pero Mommy, gusto ko pong malaman niyo," Napatigil siya saglit habang nakatingin pa rin sa puntod ng Mommy nila. "Na pinapatawad ko na po kayo. Mahal na mahal ko po kayo."
Hindi rin naman kasi pwedeng habang-buhay siya magalit sa Mommy nila. She wasn't that mad to start with. She was just disappointed.
Nagtagal lang sila ng konti sa sementeryo at saka umalis para pumunta sa condo nila Chaewon. Magkikita-kita sila ng mga kaibigan nila bago sila umuwi sa kanya-kanyang mga bahay. Christmas break na kasi nila, lahat sila ngayon na uuwi. Lahat sila ay nandoon, maliban kay Minju na matagal nang nauna sa Gangnam.
"Pakibukas naman yung pinto. Nandiyan na daw sila Chaewon." Utos ni Ryujin na inaayos ngayon ang mesa kasama si Hyunjin at Hitomi.
"Kamusta?" tanong ni Jihoon pagkabukas niya ng pinto.
"Siyempre, umiyak 'to." Pang-aasar ni Felix dahilan para matawa silang lahat.
Nagkasundo na rin sila Felix, Hyunjin at Jihoon. Pagkatapos kasi ng lahat ng nangyari, sinabi na nila sa lahat kung ano ba talaga iyong buong storya. Sa pamilya nila at sa mga kaibigan nila. Hindi nagkamali sila Jihoon at Hyunjin sa hinala nila kay Felix, na maari ngang masama siyang tao, pero kinailangan niyang maging ganoon para sa mga iba't-ibang dahilan. Naging mas transparent na din kasi si Felix sa kanila kaya nararamdaman na nila na pwede nila pagkatiwalaan si Felix.
"Tara na, kain na." Pag-aya ni Hitomi sa kanila.
Nagpaalam na din si Felix kay Chan na matagal niyang hindi makikita. Malaki rin ang pasasalamat niya kay Chan, dahil siya ang naging gabay nito. Noong mga panahong wala ang stepdad ni Felix, ay si Chan ang nandiyan para sa kanya.
About Felix's stepdad. He clearly needed help. It was later on confirmed by a professional that he was depressed, that's why he never did anything other than drinking. Their Mom's death affected him too much. Chaewon's family helped him get some treatment.
Jason, Felix's friend is still in prison. If he only listened to Felix, then his time in prison would've been shorter. Now, he has to be there for the rest of his life. Paminsan-minsan ay binibisita rin siya ni Felix doon. He's really regretting now that he didn't listen to Felix. Ika nga, nasa huli ang pagsisisi.
"Ingat kayo ah." Paalam nila sa kanila Chaewon at Felix bago sila sumakay sa loob ng kotse. Sinundo sila ngayon ng Papa nila.
"Ryu, 'yong condo natin ah."
"Oo! Ako na bahala." Natatawang sagot ni Ryujin.
"Okay na ba lahat?" Tumango silang dalawa sa tanong ng Papa nila, saka nito pinaandar ang sasakyan.
Nakatulog silang dalawa sa biyahe. Grabe rin kasi ang traffic ngayon kaya natagalan sila ng konti bago sila maka-uwi sa bahay nila sa Gangnam.
Chaewon resigned from her job in Orbit. And, Chaewon found out that Felix was actually interested in Winter. Si Winter pala 'yong sinasabi ni Felix na gusto niya, kaya pala tinatanong siya dati ni Felix tungkol kay Winter.
Felix was also planning to continue his studies. Gaya ng gusto ng Mommy niya, magpapatuloy siya sa buhay. He won't stay in the shadows forever.
"Chaewon, gising na." Minju gently woke up her sister. They all agreed to help in preparing for their Noche Buena. Sobrang special ng Pasko nilang ito, dahil kumpleto na sila.
"Sige, susunod ako. Si Felix?"
"I don't know eh. Ikaw nalang maghanap sa kanya?"
"Sure. Sila Yeji nandiyan na ba?"
"Nope, but papunta na daw." Tumango si Chaewon saka siya bumangon. "Find Felix then baba na kayo ah. Nakahanda na iyong mga gagamitin mo sa sugar cookies." Tumango siya uli at tumayo na.
"Lix?" Pagtawag niya sa kapatid niya.
"I'm here." Sinundan ni Chaewon ang pinanggagalingan ng boses. It led her to their attick. Narito ang mga luma nilang gamit, maging ang mga litrato na kinuha ni Chaewon habang tumatanda siya. Dinikit niya ang mga ito sa dingding ng attick.
"I haven't updated this." She said while looking at the pictures.
"I love it." Napangiti si Chaewon at Felix habang parehong tinitignan ang mga litrato. Napansin niyang may hawak si Felix na box. "Inutusan lang ako ni Papa na kunin yung Christmas decorations dito, pero napansin ko 'to."
"Wala nang iyakan. Wala nang pangungulila. Wala na. Nandito ka na uli. Hindi ka na uli mawawala 'di ba?" Lumingon si Felix kay Chaewon na nakatingin pa rin sa mga litrato.
"Anong wala nang iyakan? Imposible 'yon sa 'yo 'no."
"Excuse me?!" Tawa nang tawa si Felix sa reaksyon ni Chaewon. She looked so offended. "Pero seryoso."
"Hindi na ako mawawala. Nandito na ako." Niyakap ni Felix ang kambal niyang matagal niyang hindi nakasama.
Sixteen years na pagdidikit ng flyers sa buong bansa.
Sixteen years na paghingi ng updates sa mga pulis.
Sixteen years ng pagbalik sa luma nilang bahay, at nagbabaka sakaling nandoon siya.
Sixteen years of trying to find that missing piece in a puzzle.
Lee Felix is Kim Chaewon's missing twin brother.
He is the lost half of her gemini.
The cries of their lonely hearts were heard.
Destiny was finally on their side.
Gemini, complete.
BINABASA MO ANG
Gemini of Mine
Teen FictionSome say having a twin can be a heck of a roller coaster ride. As for Kim Chaewon, it was full of agony and guilt losing hers at a very young age. She always wondered what it would be like if her twin brother grew up with her. With the desire to fin...