~♊Chaewon♊~
"Wala nang magagawa para mapagaling ang Lola."
"Lola, mahahanap ko si Yongbok."
"Buhay ang kambal mo, apo, buhay siya."
"Makukumpleto po uli tayo."
"Huy," Napalingon ako kay Jihoon noong bigla niyang hinawakan ang kamay ko. "Oh." Nagtaka pa ako noong inabutan niya ako ng tissue, ngunit maya-maya naramdaman ko na may luha na palang tumulo sa mata ko.
"Kumain ka kaya muna." Suhestiyon ni Hitomi. Nandito kasi kami ngayon sa canteen at kanina ko pa hindi nagagalaw ang pagkain ko. Iniisip ko pa rin ang nalaman naming balita kailan lang.
"Ilang araw ka nang ganyan." sabi naman ni Felix na nandito din ngayon sa Levanter at kasabay namin kumain. Tumango naman ang mga kaibigan ko sa sinabi niya.
"Alam kong mahirap tanggapin yung sinabi ng doctor sa inyo, pero Chaewon, huwag mo naman patayin ang sarili mo." Nag-aalalang wika ni Yeji.
Napatakip nalang ako ng mata at hindi napigilang umiyak uli. Naramdaman kong niyakap ako ng katabi kong si Felix kaya mas lalo akong naiyak.
Paano kung hindi na uli makita ni Lola si Yongbok...
Nasaan ka na ba kasi Yongbok, I need to find you now. Tumayo ako at iniwan sila doon. Narinig ko pang tinatawag nila ang pangalan ko pero hindi ko na iyon pinansin. Hahanapin ko si Yongbok. Wala akong pakielam kahit hindi pa tapos ang klase namin, ang importante mahanap ko ang kambal ko.
"Chaewon, saan ka ba pupunta?" Napagtanto kong nakasunod pala sa akin si Felix.
"Hindi na ako puwede magsayang ng oras, kailangan ko na mahanap si Yongbok."
"Pero may klase ka pa?"
"Wala akong pakielam!"
Sumakay ako ng taxi at pinapunta ito sa police station. Kahit nagtataka ay sumama sa akin si Felix. I just hope they don't give me the same answer again.
"Hi–" hindi na ako nabati ng mga pulis na kilala ko dahil dire-diretso akong pumasok sa office nila Officer Kang at Officer Ong.
"Oh, Chaewon,"
"Officers, kailangan ko po ang kambal ko."
Nagkatinginan pa sila saka nila binalik ang tingin nila sa akin. "Look, Chaewon, we are trying our best to find him–"
"Well, you need to find him right now!" Nagulat silang lahat sa pagtaas ko ng boses. Kaming apat lang nila Officer Kang, Officer Ong, at Felix ang nasa loob. "Ano ba?! Palagi nalang ba ganyan? Kailan niyo mahahanap ang kapatid ko? Kapag katapusan na ng mundo?"
BINABASA MO ANG
Gemini of Mine
Teen FictionSome say having a twin can be a heck of a roller coaster ride. As for Kim Chaewon, it was full of agony and guilt losing hers at a very young age. She always wondered what it would be like if her twin brother grew up with her. With the desire to fin...