GOM: Chapter 17

41 6 0
                                    

~♊Third♊~

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

~♊Third♊~

"Paabot nga nung mop." Pakiusap ni Hyunjin kay Ryujin.

Nahatsing si Hitomi sa sobrang alikabok ng nililinisan niya. Si Chaewon naman ay tinatanggal ang mga design ng classroom. Si Jihoon ay isa-isang binubuhat papunta sa labas ang mga upuan at mesa ng classroom. Si Ryujin at Yeji naman ay nasa labas ng classroom at pinupunasan ang mga nilalabas ni Jihoon. Lastly, si Hyunjin na mop naman ang sandata.

Anong ginagawa nila? Naglilinis ng old classroom. Bakit? Detention. Gaya nga ng sabi nila, pare-pareho silang naka-bingo sa dean dahil sabay-sabay sila nag-cutting.

Nung una, si Chaewon lang naman talaga ang nag-cutting dahil nga dinaig na siya ng mga emosyon niya. Being the careless person that she is, and her friends knowing that trait of hers, tumakas din sila dahil baka nga ano pa ang mangyari kay Chaewon. Guess what, nahanap siya ni Jihoon na nakahandusay sa kalsada at basang-basa sa ulan. They had no idea why they found her like that. Everytime they ask Chaewon, she avoids answering it. Since they noticed that she's uncomfortable with it, hindi muna nila ito tinatanong tungkol doon. Nahihiya din si Chaewon na nadamay pa ang mga kaibigan niya sa parusa ng dean. Her friends don't mind at naiintindihan nila ang kaibigan, dahil alam nilang pamilya ang kahinaan nito.

Maya-maya, pagkatapos ng ilang oras na paglilinis ay may sumilip sa kanila na Prof. Napatigil silang lahat sa ginagawa nila para makinig sa sasabihin nito.

"Hello, Miss Kim Chaewon, Miss Shin Ryujin, Miss Honda Hitomi, Miss Hwang Yeji, Mr. Hwang Hyunjin and Mr. Park Jihoon, bilisan niyo diyan ah. Hanggang 6:30 niyo lang gawin 'to if ever na hindi matapos, then bukas continue. Are we clear?"

"Yes, Sir." sagot nila.

Pagka-alis ng Prof. nila ay humatsing nanaman si Hitomi kaya natawa sila. "My God, pwedeng palit tayo?" Pagmamakaawa nito.

"Alam mo, Hiichan, kung bati lang din kami ng alikabok, malamang tinulungan na kita." Natatawang sabi ni Ryujin.

"Ako na, tapos na ako mag-mop eh." Presenta ni Hyunjin.

"Ako din, tapos na kami ni Ryujin magpunas ng mga upuan at mesa eh."

"Kayong dalawa magsasama?" Nagtatakang tanong ni Chaewon. "Ineexpect kong mag-aaway na kayo after five minutes ng paglilinis ng alikabok."

"Same." Pag-sang-ayon ni Ryujin.

Natawa silang lahat ngunit tinuloy pa rin ng magkapatid ang paglilinis ng alikabok. And... ayun nga.

"Sa taas mo nga kasi simulan!"

"Pwede bang hipan ko nalang 'to?"

"Sige para maubusan ka ng hininga. Mas giginhawa na siguro buhay ko kapag wala ka na."

"Salamat, sis ha, I love you ha."

"Yuck."

"Guys, sagutin ko lang 'tong tawag sa akin ah." Paalam ni Chaewon sa mga kaibigan niya.

"Hello?"

"Oh? Minju?"

"Nakausap mo ba si Felix lately?"

Napatigil siya noong naalala niya nanaman si Felix. Hindi niya alam kung paano niya ipapaliwanag kay Minju at nangyari. "Uhm... hindi pa."

"Nandito siya kanina sa Oneiric."

"O tapos?"

"Wala lang, parang ang suspicious lang. May kamag-anak ba siya dito?"

"Hindi ko sure."

"Sige, sige. Iyon lang naman. Bye!"

"Bye." Binaba na ni Chaewon ang tawag at tumungo uli sa classroom nila.

Habang naglalakad siya pabalik sa classroom na nililinis nila ay laking gulat niya nang makita niya si Felix.  Mas lalo siya nagulat noong pumasok ito sa isang classroom. Hindi na niya napigilang sundan ito.

Ang alam niya kasi ay sila lang ang kilala ni Felix dito sa Levanter. Looks like she was wrong.

"Oh, Felix."

"Hi, Teacher."

"Have a seat."

Narinig niya ang pag-uusap ng dalawa dahil nabuksan niya ng konti ang pinto. Mabuti nalang at hindi gumawa ng ingay ang pinto. Nakilala niya rin ang boses ng kausap ni Felix, si Sir Bang Chan. He was Chaewon's professor way back first and second year college.

"Kamusta ka naman? Kayo ng Daddy mo?"

"We're safe. I guess I really have to keep using him to protect... you know..."

She heard Chan let out a sigh. "Felix,"

"I know, I know. You'll tell me to tell Chaewon what I know about her twin brother." Nagulat si Chaewon sa narinig niya.

"May alam si Felix... tungkol kay Yongbok?" bulong nito.

"Yes, you should!" Muntik nang mapatalon si Chaewon sa pwesto niya noong napagtaasan na ng boses ni Chan si Felix. "Felix, listen to me," Napatigil ito at napabuntong-hininga. "Tell Chaewon. Kapag sinabi mo sa kanya, ikakabuti ninyong lahat 'yan. Ilang beses ko bang uulit-ulitin sa 'yo 'yan?"

Sandaling nabalot ang kuwarto ng nakakabinging katahimikan. "You know, I can't."

"You can, you just won't," Napabuntong-hininga si Felix sa sinabi ni Chan. "Trust me, maiintindihan ka niya."

"Pagkatapos ng lahat ng 'yon?"

"Kung mahal niya talaga ang kapatid niya, maiintindihan niya kung bakit mo piniling itago sa kanya ang nalalaman mo."

Naguguluhan na si Chaewon sa mga naririnig niya. Napaupo siya bigla sa sahig at natulala. Hindi siya makapaniwalang all this time may alam na pala si Felix tungkol kay Yongbok. At bakit nga ba ayaw sabihin ni Felix? Higit sa lahat, anong alam niya tungkol kay Yongbok?

"No, I won't tell her for now."

Napatayo si Chaewon sa pwesto niya at naglakas-loob na magpakita kay Felix at Chan. "No, Felix. You will tell me what you know about my brother." Bakas sa mukha nila ang gulat noong nagpakita si Chaewon.

"Chaewon..."

"Felix, please sabihin mo na sa akin. I need to find him right now. Nanganganib ang buhay ni Lola ngayon at hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag hindi niya nakita si Yongbok for the last time," Napatigil si Chaewon at naluha. "Please... Felix... pagbigyan mo na ako."

Diretsong nakatingin sina Felix at Chaewon sa isa't-isa. Chaewon's eyes were full of sorrow, while Felix's eyes were full of guilt. "Okay fine," he said. "Pero sa isang kondisyon," Napalunok si Chaewon nang banggitin iyon si Felix. "Take me to your grandmother."

Gemini of MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon