GOM: Chapter 11

54 6 10
                                    

~♊Third♊~

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

~♊Third♊~

"Goodbye, class."

"Goodbye, Ma'am."

Lumabas na ang teacher nila Chaewon pagkatapos niya magpaalam. Naligpit na rin ng mga gamit sina Ryujin saka sila lumabas.

"O ayan na." Napalingon sina Chaewon sa kaliwa noong narinig nila ang tinig ni Hyunjin. "Puwede na ba akong umalis?" Naiiritang tanong nito.

Tumango lang si Felix, saka naglakad paalis si Hyunjin. Humarap so Felix kay Chaewon at kinawayan ito.

"Una na ako-"

"Hep! Hep! Hep! Saan ka pupunta?" tanong ni Chaewon. Napasinghap nalang si Ryujin nang maalala niyang naikwento niya pala kay Chaewon na nagwagwapuhan siya kay Felix.

"Uuwi na sana. May shift ka naman sa Orbit ngayon 'di ba?"

"Wala ngayon. Birthday ng boss namin kaya wala kaming pasok."

"Ah..."

"Gusto mo ba sumama sa amin ni Felix?" Tila nang-aasar na tanong nito. Napairap nalang si Ryujin at umiling. "'Ge." Tumango si Chaewon saka niya hinarap si Felix.

"May kailangan ka ba gawin ngayong araw?" tanong ni Felix.

"Wala naman," sagot nito. "Bakit ka nga pala nandito?"

"Bawal ko ba puntahan ang kambal ko?"

"Wha-" Napatigil si Chaewon noong mayroon siyang na-realize. "Oh right, you're the temporary Yongbok."

"I'm legit trying to be Yongbok."

"Guys, uwi na ako. Bye." Dali-daling paalam ni Ryujin.

Wala nang nagawa si Chaewon kasi ang bilis-bilis niyang maglakad.

"Punta tayo sa mall?" Aya ni Chaewon.

"Ano meron?"

"Shopping?"

Napataas ang kilay ni Felix dahil doon. "Gugustuhin ba ni Yongbok 'yon."

"If you're going to pretend to be Yongbok you have to look like Yongbok."

"But I already look like him."

"I mean," Napapikit si Chaewon. "Dress like him."

"Wala akong pera. Hindi na nga ako nakakapag-aral huwag ka nang umasa na may pera ako."

Gemini of MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon