GOM: Chapter 15

62 7 1
                                    

~♊Chaewon♊~

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

~♊Chaewon♊~

Naisipan kong umuwi ngayon ng Gangnam. Napagod ako kanina sa habulan namin sa campus jusko. Natigil nalang kami noong napagsabihan kami ni Ma'am Bae eh.

Nandito ako ngayon sa kuwarto ko, nag-aayos ng mga gamit. Thursday naman kasi at wala akong pasok sa Orbit, so uuwi ako ngayon.

"Ryu?" Tawag ko kay Ryujin. Nag-eexpect akong sasagot siya pero wala. Madalas kasi, kahit 'O?' or kaya 'Bakit?' ang sinasagot niya 'pag tinatawag ko siya. "Puwede paabot ng plantsa?" Tinuloy ko nalang ang sasabihin ko. Pumunta naman siya sa kuwarto ko at binigay sa akin ang plantsa. Bakit ayaw niya ako tignan? Baka pagod lang?

Plinantsa ko ang mga damit ko na dadalhin ko. Hindi yata nagpapatugtog si Ryujin ngayon? Madalas kasi nagpapatugtog siya kapag ganitong oras. Naisipan ko tuloy siyang silipin. Eh? Naglilinis ng electric fan?

Napaupo ako sa kama ko sa sobrang pagtataka. Ayaw na ayaw niyang maglinis ng electric fan. She questions me everytime I do so. Ang dami-dami daw kasi tatanggalin at never pa siya nakakita ng naglilinis ng electric fan. Takang-taka siya sa idea na bawat parte ng electric fan nililinis ko. Hindi nga din ako na na-inform na kami lang pala ng pamilya ko ang gumagawa noon. Meron sigurong iba, pero konti lang. At ayaw niya sa alikabok. Once na naglinis kasi siya tapos may alikabok, hatsing siya ng hatsing nonstop.

"Hatsing!" Ayun na nga. Lumabas na tuloy ako, pero mukhang naramdaman niya ako. Nilapag niya ang electric fan sa mesa at lumabas ng unit. Padabog niya pang sinara ang pinto.

Ano bang nagawa ko?

Bumalik nalang uli ako sa kuwarto ko at pinagpatuloy ang pag-aayos. Pagkatapos ko mag-ayos naligo na ako. Noong bihis na ako, nadatnan ko sa hapag-kainan si Ryujin. Hindi rin pala siya nagluto ng dinner namin. Siya ang nakatoka ngayon eh. Kumakain siya ng burger at fries. May coke float din.

"Ryu?" I called but still didn't get any response. "May problema ba?" Hindi nanaman siya sumagot. "Pagod ka lang or may problema?"

"Kamusta ka naman ha?" Napakunot ang noo ko sa tanong niya. Uhm, kinakamusta niya ba talaga ako or??

"Okay lang." I awkwardly answered.

"Manhid mo talaga, bwisit ka." Napataas ang kilay ko. Ano ba kasi nagawa ko? Manhid nga ako, puwede bang sabihin nalang agad? "Magkwento ka naman, Chaewon. Parang hindi tayo sa iisang unit nakatira eh."

Napakunot ang noo ko. Medyo hindi ko gets, pero gets ko slight.

"Ano diretsuhin na kita?" Nahihiya akong tumango. "Wala na akong alam na ganap sa 'yo. Parang hindi na kita kasama sa iisang bubong ah?"

Gemini of MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon