GOM: Chapter 21

36 6 0
                                    

~♊Chaewon♊~

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

~♊Chaewon♊~

"Chaewon," Napadilat ako dahil sa tumawag sa akin. Nakayakap ito sa akin. Hindi rin ako makagalaw.

Hindi ko rin makilala ang lugar na kinaroroonan namin. Inilibot ko ang tingin ko sa buong paligid. Malayang sumasama ang mga puting kurtina sa simoy ng hangin na mula sa labas. Mapapansin din ang sikat ng araw na dumadaan sa mga bintana. Napansin ko din na nakaupo kami ng nakayakap sa akin sa isang sofa.

Bakit ganoon... bakit parang gusto kong umiyak?

"Sino ka?" Hindi pa rin siya kumakalas sa yakap. Bakit hindi ako makagalaw? Kahit anong pilit ko walang nangyayari. Naguluhan ako lalo noong naramdaman kong may luhang dumaloy sa aking pisngi.

"Konti nalang, magkikita na tayo, my twin sister."

Para akong hinahabol pagdilat ko ng aking mga mata. Sa sobrang lalim yata ng paghabol ko ng hininga, nakuha ko ang atensyon ng mga tao dito. Napagtanto kong nasa ospital pala ako. Nakahiga ako sa isang hospital bed at mayroong dextrose sa aking kamay. Napagtanto ko ring sina Papa pala ang nasa kuwarto ko. Nandito rin sila Ryujin, Jihoon at Hitomi.

"'Nak, pakisabihan naman yung doktor na gising na siya." Narinig kong utos ni Papa kay Hitomi. Sinubukan kong bumangon sabay ng pag-alalay sa akin ni Papa. "Mabuti naman gising ka na, anak. Kamusta ka? May masakit ba? Naalala mo pa ba kung sino ako? 'Nak ilan 'to?" Sunod-sunod na tanong sa akin ni Papa. Napapunas ako ng mukha noong naramdaman kong basang basa ito ng mga luha.

"Okay lang ako, Papa. Masakit lang po ng konti yung ulo ko." Nakahinga naman ng maluwag si Papa dahil sa sagot ko.

Maya-maya ay nilapitan ako ni Ryujin at niyakap ako ng mahigpit. "M-mag-ingat ka n-naman, Chaewon." Mangiyak-ngiyak na wika nito. Halos hindi na ako makahinga sa yakap niya, ngunit maya-maya ay binitawan niya rin ako.

Napatingin ako kay Jihoon na nakatayo lang sa likod ni Ryujin. "Sorry," Napakunot ang noo ko sa binitawan niyang salita.

"Bakit ka nag-so-sorry?" tanong ko sa kanya.

"Kung sana sinundo nalang kita, sana hindi mangyayari sa 'yo 'to."

Bigla kong naalala ang nangyari sa akin. Muli kong narinig ang mga putok ng baril at ang pagtawag sa akin ng mga bantay doon.

"The girl escaped! Where is she you bastards!? She can't escape! Find her!"

Napadaing ako sa sakit noong natapilok ako sa isang bato at tumama ang braso ko sa isang matulis na kahoy.

"Ayun siya!"

Naiyak lang ako lalo noong narinig ko ang sunod-sunod na pagputok ng baril.

Napahawak ako sa aking dibdib noong naramdaman kong naninikip ito. Nababasa ko sa mga labi nilang kinakausap nila ako pero wala akong marinig.

Paano kapag kuhanin uli ako ng mga taong iyon? Paano kapag panaginip lang 'to at ang katotohanan ay bihag pa rin nila ako? Paano kung...

"Chaewon," Napaangat ang tingin ko noong narinig kong may tumawag sa akin. "Ligtas ka na. Huwag ka mag-alala nandito kami."

"Felix..." Naramdaman kong nagtubig ang mga mata ko noong nginitian niya ako. Niyakap niya ako kaya mas lalo lang akong naiyak.

"Magpakatatag ka, magkikita pa kayo ni Yongbok, hindi ba?" bulong niya sa akin na tinanguan ko.

~♊Third♊~

Nag-aalangan man ay hinayaan ni Jihoon na pakalmahin ni Felix si Chaewon. Nakokonsensya siya dahil pakiramdam niya siya din naman ang dahilan kung bakit nahantong si Chaewon sa ganoong sitwasyon.

Ang Papa ni Chaewon ay nakatingin lang sa anak niyang umiiyak. Naguguluhan din siya kung sino ba talaga si Felix pero hinayaan niya muna. Nakita niya na rin si Felix dati noong mga huling sandali ng nanay niya, ngunit hanggang ngayon ay hindi niya pa rin alam kung sino nga ba ito.

Kahit nagiging pansamantalang kambal lang ni Chaewon si Felix ay malakas na rin ang koneksyon na nabuo nila. Pamilya na rin ang turing nila sa isa't-isa. Even if they are not biologically related, Felix is always there for her, like how he thinks Yongbok would do.

"Magpahinga ka muna." Napatahan ni Felix si Chaewon. Tumango lang ito at nahiga muli.

"Tito, ito na po si Doc." Napalingon silang lahat kay Hitomi na pumasok kasama ang doktor at isang nurse. The doctor just checked her for a while and asked her some questions.

It was a traumatic experience for her. There are times na nauutal o napapatigil si Chaewon noong kausap siya ng doktor. Hindi na siya inulan ng mga ito ng tanong dahil fresh pa sa isip niya ang lahat ng nangyari. The doctor just reminded them a few things, then left.

"Nasaan sila Yeji? Nandito rin ba si Minju?" Napatigil si Felix sa tanong ni Chaewon.

"Uh..." Napakamot si Felix ng ulo habang nag-iisip.

"Bakit? May nangyari ba?"

"Ah... ano kasi... gan'to kasi yun..."

Napakunot ng noo si Chaewon noong naramdaman niyang nag-aalangan sumagot si Felix. "Bakit ka nagdadalawang-isip?" Napatingin din tuloy siya sa iba pang mga kasama niya sa kuwarto. Everyone was avoiding her gaze. "Ano ba kasi nangyari? Sabihin niyo nalang sa akin yung totoo!"

"Minju is also here in the hospital," Felix answered. "And she's still not awake."

"Pero bakit? Anong..."

"Something happened to her as well."

Gemini of MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon