~♊️Third♊️~
Tatlong buwan na simula noong sinabihan nila PO1 Ong at PO2 Kang si Chaewon na may lead kay Yongbok.
Nag-cool down na rin ang mga kidnapping sa area nila, kaya ito, kasama ni Chaewon ang ilan sa mga kaibigan niya magdikit ng flyers sa Nowon. Si Jihoon, mayroong kinita na kaibigan sa Yongsan, kaya hindi nakasama.
"Oh diba! Sabi ko sa'yo dapat lang na pinagsama natin si Minju tyaka Hyunjin eh. Tignan mo naman mga message sa akin." Sumilip si Chaewon sa cellphone ni Yeji. Natawa nalang siya at napailing-iling.
Nag-by partner kasi sila. Si Yeji naman, bilang mabait na kapatid ni Hyunjin ibinugaw kay Minju. Eh, mabait rin na kapatid si Chaewon eh, naki-bugaw na siya. Idagdag mo pang mabait din na kaibigan sila Hitomi at Ryujin, strong tayo.
"Pustahan tayo, mamaya magkukuwento 'yan si Minju sa akin. Ang gwapo daw ni Hyunjin, tapos ang bait daw." Sakto kasing bumisita si Minju kay Chaewon, kaya sumama na siya sa pagdikit ng flyers.
"Gwapo pala 'yon? Akala ko panget."
"Edi akala mo din panget ka?" Nabatukan ni Yeji si Chaewon, pero si Chaewon tawa lang nang tawa.
"Huy seryoso, hindi ko maintindihan yung kapatid ko. Gusto naman nila yung isa't-isa, bakit wala pa rin silang label?"
"Hindi pa nga yata sila magka-chat eh."
"Weh?!" Tumango lang si Chaewon kay Yeji.
Samantalang sina Ryujin at Hitomi, sa mga water station at mga shop napiling magdikit. "Hiichan, tanungin mo iyong shop na iyon kung puwede ka magdikit doon."
Tumango si Hitomi kay Ryujin saka siya pumunta sa Dumpling House na tinuro nito.
"Excuse me po?" sabi nito pagkapasok niya. "Good evening po! Puwede po ba magdikit ng flyers dito?"
"Ano iyan hija?"
"Ah, nawawala po."
"Sige, sige. Diyan sa board tiyaka sa labas, puwede ka magdikit."
"Salamat po."
Pagkatapos magdikit ni Hitomi, lumabas na siya ng Dumpling house. Mabuti nalang talaga at 9:00 na uli ang curfew nila sa dorm kaya nakasama siya dito sa Nowon.
Maglalakad na sana siya pabalik kay Ryujin nang mayroon siyang napansin sa loob ng Dumpling house. May lalaking kumakain habang naka-hoodie. Kahit tila sinusubukan nitong itago ang mukha niya, nakikita ito ni Hitomi.
Parang kamukha ni Chaewon.
Napailing nalang siya at pinuntahan na uli si Ryujin. Nasa Nowon sila eh, ang sabi kay Chaewon sa Incheon daw nakatira yung Mama nila kaya medyo imposible na nasa Nowon si Yongbok.
"Ah so Psychology course mo?" Tumango si Minju sa kausap niya.
Sina Minju at Hyunjin naman, sa mga bus stop, at mga gas station nagdidikit. Sila nalang kaya magdikit?
BINABASA MO ANG
Gemini of Mine
Teen FictionSome say having a twin can be a heck of a roller coaster ride. As for Kim Chaewon, it was full of agony and guilt losing hers at a very young age. She always wondered what it would be like if her twin brother grew up with her. With the desire to fin...