GOM: Chapter 5

72 9 9
                                    

~♊️Third♊️~

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

~♊️Third♊️~

"Chaewon, gising na." Paggising ni Ryujin kay Chaewon. "Nandito na tayo."

Pinindot na ni Ryujin ang button habang napapakusot pa ng mata si Chaewon. Mayroon namang kotse si Ryujin, kaso nasira noong isang araw kaya sa bus muna sila sumakay ni Chaewon.

"May shift ka ngayon sa Orbit 'di ba?" Tumango si Chaewon sa tanong ni Ryujin. "Pakibigay naman ito kay Winter. Hiniram ko 'yan sa kanya eh." Kinuha ni Chaewon ang inaabot ni Ryujin na libro at tinignan ito.

"When The Stars Pointed You?" Pagbasa ni Chaewon sa title ng libro.

"Ang ganda niyan! Super nakakakilig yung love team tapos nakakaiyak din." Natutuwang wika ni Ryujin. "Mahilig kasi sa constellation yung lead couple. Tapos pareho nilang dream ang maging astronaut. Noong una para silang aso't pusa, pero siyempre naging close din."

"Cliche," komento ni Chaewon.

"Uy, oo nga! Cliche yung plot pero maganda pagkaka-execute nung writer. Ang daming twist niyan." Depensa ni Ryujin. "Anyway, so ayun nga, naging close sila. Tapos yung boy nagkaroon ng sakit. Siyempre may second lead diyan, si Bruce. Noong malapit na mamatay si Calix, sabi niya kay Bruce, 'Take her to the moon for me'." Napailing-iling pa si Ryujin habang nagkukuwento. "Tapos bago mabawian ng buhay si Calix, kinakantahan siya ni Paula ng 'Fly Me To The Moon'. Isipin mo 'yon girl? Ang sakit!" Napahawak na si Ryujin sa dibdib niya habang si Chaewon ay tumatawa lang.

Mas lalong natawa si Chaewon noong nakita niyang naiyak na si Ryujin. "Buang!" asar niya rito.

"Kasi naman!" Napapunas ng luha si Ryujin. "Why naman kasi ganon?! Parang kahapon lang ginagawan nila ng stories yung mga constellation tapos..." Napapadyak nalang si Ryujin na tila ba isang batang nagta-tantrums. Napapatingin tuloy ang mga nakakasalubong nila sa daan.

"Tumigil ka na, huy," awat sa kanya ni Chaewon. "Nasa harap na tayo ng campus."

Napabuntong-hininga lang si Ryujin saka ito kumalma. Natatawang napailing si Chaewon at napasilip sa libro. Napatigil siya sa pagtingin sa libro noong may nakita siyang isang simbolo.

Gemini

Gemini means twins. Nasa design lang ito ng character page ng libro, pero nakuha nito ang atensyon niya. August 30 ang birthday nila ni Yongbok. Virgo sila, pero sa tuwing may ma-e-encounter si Chaewon na something about twins, it triggers her. The Gemini zodiac sign always triggers her.

"Chaewon!" Napaangat ng tingin si Chaewon. Hinatak siya ni Ryujin dahil muntikan na ito mabangga sa puno. "Jusko ka Chaewon!" Nasara ni Chaewon ang libro at sinampal ang sarili niya. "Akala ko ba cliche?"

"Nasa character intro pa nga lang ako."

"Ang gwapo ni Calix 'no?"

"Ewan ko sa 'yo." Natatawang wika nito.

Gemini of MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon