GOM: Chapter 22

40 6 0
                                    

tw// sexual assault, blooddisclaimer: i do not intend to sexualize the characters/portrayers here

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

tw// sexual assault, blood
disclaimer: i do not intend to sexualize the characters/portrayers here. this is pure fictional.

~♊Third♊~

Napadilat si Minju sa ingay ng cellphone niya. Inaantok man ay kinuha niya ito ang sinagot ang kung sino mang tumatawag sa kanya.

"Hello? Sino 'to?" She said in a sleepy tone.

"Hoy! Kim Minju! Bakit ngayon ka lang sumagot!? Ilang araw ka na naming kino-contact!"

Nalayo niya bigla ang cellphone niya sa tenga niya dahil sa lakas ng boses nito. Hindi niya man nabasa kung sino ang tumawag at hindi siya sinagot sa tanong nito, alam niyang si Yeji ito. Alam nilang lahat ang nag-iisang oras na seryoso si Yeji, at iyon ay kapag gumagawa lang siya ng plates.

"Galing akong outing 'te, walang signal do'n. Dalawang araw kami doon nila Yujin at Wonyoung."

"Kakauwi mo lang? Gago, wala ka nga talaga alam sa nangyayari?"

"Kaninang umaga pa pero sobrang drained yung cellphone ko. Nakatulog ako habang china-charge ko." Napahikab ang dalaga at nag-unat-unat. "Bakit ba? Ano bang meron?" Napatayo na siya at tumingin sa orasan niyang nakasabit sa dingding. Alas-diyes na ng gabi. Napagtanto niyang napahaba pala ang tulog niya.

"Gaga yung kapatid mo nawawala."

Napatigil si Minju sa pagkusot ng mata niya. Nanlaki bigla ang mga mata niya sa sobrang gulat. "Ano?! Si Chaewon?!"

"Bobo, may iba ka pa bang kapatid?!"

Technically, oo may iba pa siyang kapatid, si Yongbok. Pero nawawala na si Yongbok, kaya ibig-sabihin si Chaewon nga ang tinutukoy ni Yeji. "Ba't ngayon mo lang sinabi?! Hayop!" Napanganga si Yeji sa kabilang linya. Napatakbo si Minju sa cabinet nito at naghanap agad ng masusuot. "Nasaan kayo? May update na daw ba? Puta? Paanong nawawala? Gagi?"

"More than twenty-four hours na siyang nawawala. Papunta kami ngayon sa kanila Winter since sila yung huling nakasama ni Chaewon bago siya mawala. Kasama ko si Hyunjin tyaka Felix ngayon. Si Ryujin pinuntahan si Sky. Si Hitomi at Jihoon pinuntahan naman si Han."

Wala na ring pakiealam si Minju na nabali ang hanger dahil sa paghatak niya sa tuwalya niya. Dali-dali niyang inayos ang bag na dadalhin niya.

"Yung mga magulang niyo nasa police station. Susunduin lang namin workmates ni Chaewon kasi baka may alam sila."

"Sige, diretso na ako ng police station." Binaba na ni Minju ang tawag at dali-daling naligo.

Gemini of MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon