~♊️Chaewon♊️~
Gaya nga ng sabi nila PO1 Ong, it's both good news and bad news for me. Nakahanap nga ng lead kay Yongbok, pero natagpuan namang patay ang tunay na ina ko.
In-explain lang sa akin kung paano iyon naging lead kay Yongbok. Parang hindi naman ako makapag-focus sa sobrang lungkot ko. Kahit naman iniwan ako ng nanay ko noon, nanay ko pa rin siya. Hindi man lang kami nagkita. Sa haba ng pag-uusap namin ng mga police officer, ang nag-sink in lang sa akin ay nakasama daw ni Yongbok ang nanay namin. Maswerte si Yongbok, dahil nabigyan siya ng pagkakataon na makasama ang nanay namin.
Pag-uwi ko tinawagan ko agad si Papa para ibalita sa kanya. Gaya ko, nagulat rin siya sa balita pero hindi niya rin alam kung kaya niya ba magsaya sa magandang balita.
"Chaewon," Napalingon ako sa pintuan ng kuwarto ni Ryujin. "Hindi ka pa matutulog? Anong oras na oh?" tanong niya sa akin habang nagkukusot pa ng mata.
"Hindi ako makatulog."
"Iniisip mo pa rin ba iyong update kay Yongbok?" Tumango ako sa sinabi niya at lumingon uli sa kawalan.
Nandito kasi ako ngayon sa sofa. Sa sobrang lalim ng iniisip ko, hindi ako makatulog. Pumunta sa kusina si Ryujin, maya-maya lumabas siyang may dalang dalawang baso ng tubig. Binigay niya sa akin ang isa na tinanggap ko naman.
"Ano ba dapat maramdam ko? Dapat ba akong maging masaya dahil lead iyon kay Yongbok? O dapat ba malungkot ako dahil namatay ang nanay ko nang hindi man lang kami nagkikita?"
"Hindi ko rin alam, pero kung ako sa 'yo, both. Pero mas lamang lungkot. Parang 75% lungkot, tapos 25% saya. Gets mo?" Tumango nalang ako kay Ryujin kahit medyo hindi ko gets. "What I mean is, i-reserve mo iyong saya mo kapag nakita mo na uli si Yongbok. Lead pa lang naman eh, magsaya ka ng bonggang-bongga 'pag nagkita na talaga kayo." Tumango uli ako sa kanya, pero this time gets ko na siya. "By the way, paano naging lead iyon kay Yongbok?"
"May kasama daw dating bata si Mama, tapos Yongbok daw ang tawag niya doon. Hindi pa sigurado ng mga kapitbahay nila kung anak ba ni Mama si Yongbok. Noong una, napaisip din ng mga pulis kung ang kambal ko ba talaga ang tinutukoy nila. Noong pinakitaan nila ng picture namin ni Yongbok noong bata pa kami iyong mga kapitbahay, doon nila nakumpirma na ang kambal ko nga 'yon. Pero sinabi din ng mga kapitbahay na matagal na nung huli nilang nakita si Yongbok na umuwi doon."
Napahawak si Ryujin sa dibdib niya pagkatapos ko magkuwento. "Teka lang, kailangan kong huminga." Natawa nalang ako dahil sa kanya at uminom uli sa baso ko. "Grabe! Konti nalang magkikita na uli kayo!"
"Oo nga eh." Mapait akong napangiti. Napasilip ako sa orasan noong humikab si Ryujin. Alas-dose na pala. "Tulog ka na."
Napakusot siya ng mata niya at tumango. "Ikaw din, maaga pa tayo bukas." Tumango lang din ako saka kami parehong tumayo sa sofa.
BINABASA MO ANG
Gemini of Mine
Teen FictionSome say having a twin can be a heck of a roller coaster ride. As for Kim Chaewon, it was full of agony and guilt losing hers at a very young age. She always wondered what it would be like if her twin brother grew up with her. With the desire to fin...