GOM: Chapter 24

34 6 0
                                    

~♊Third♊~

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

~♊Third♊~

"Chaewon, ikaw muna dito." Tawag ni Sky kay Chaewon.

Eventually, Chaewon is working again sa Orbit. Dapat talaga hindi siya papayagan ng Papa niya, pero since alam ng mga kaibigan niya na gusto niya talaga tumuloy, ginawan nila ng paraan.

"Sino nakatoka sa 'yo ngayon?" tanong ni Winter na nakaupo ngayon at may nililista.

"Si Felix."

"Si Minju pala? Bakit hindi mo kasama ngayon?"

"Kasama si Hyunjin. May lakad yata sila."

"Winter, tubig." Han requested.

"Ulol."

"Tanga, para sa customer."

"Ay," Napakamot nalang siya ng ulo at kinuhanan ng tubig si Han.

"Chaewon, nandito na si Felix." Tumango lang si Chaewon sa sinabi ni Sky at nagpatuloy sa trabaho.

Ganito na lagi. Ayaw talaga pumayag ng Papa ni Chaewon noong sinabi niyang gusto niya pa rin magtrabaho. Pero nagkaroon sila ng kasunduan na kapag may pasok si Chaewon, hindi na siya puwedeng mag-isa umuwi. Kaya may mga naka-assign sa kanya kada araw. Madalas din sinasama ni Chaewon si Minju sa Orbit dahil sa ngayon doon sa condo nila Ryujin muna si Minju. Hindi kasi mapanatag ang loob ng Mama ni Minju na mag-isa siya sa condo niya. Kaya rin ngayon, mas maaga na sila gumigising than usual dahil ihahatid pa nila si Minju sa Oneiric University na medyo malayo.

Mahirap, pero willing naman mag-adjust lahat ng mga kaibigan nila.

"Hey," tawag ni Felix kay Chaewon noong nakalapit na siya sa counter.

"Hey, aga mo yata ngayon?"

"You forgot? Hindi ba, ngayon tayo magpapa-DNA test?"

"Ay, oo nga." Napakamot ng ulo si Chaewon noong naalala niya.

Napatayo si Winter at napalapit sa kanila. "Magpapa-DNA test pa kayo? Akala ko ba, hindi si Felix si Yongbok?" Nagtatakang tanong nito.

"Ah, hehe," Chaewon awkwardly said. "Hindi ako kasi ako mapanatag. Para lang sure."

Napatango nalang si Winter saka sila nagpatuloy sa trabaho. Wala masyadong tao ngayon sa Orbit, kaya halos lahat sila walang ginagawa.

Matapos ang ilang oras ay natapos na rin ang shift nila. Half day lang sila ngayon. Nagpaalam ang magkakatrabaho sa isa't-isa saka sila nagkahiwahiwalay ng landas.

Gemini of MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon