~♊Third♊~
Past 7PM na nakauwi ang magkakaibigan. Luckily, natapos nila ang paglilinis sa classroom.
Nagtaka si Chaewon sa hininging kondisyon ni Felix ngunit sumang-ayon nalang siya. Kaya lang daw ganoon ang kondisyon nito ay dahil mayroong parte sa nalalaman niya na konektado sa Lola nila. Wala naman siyang choice kung hindi pagbigyan ito dahil matagal na siyang nangungulila sa kambal niya.
"Don't tell anyone na kasama ko si Felix." Pakiusap ni Chaewon kay Ryujin.
"Okay, okay. Mag-ingat kayo ha." Paalala nito. Tumango lang si Chaewon saka siya lumabas ng unit nila.
Napag-usapan nila ni Felix na sa Orbit magkita. Since sarado ang Orbit ngayon, wala masyadong tao doon. Nakarating naman si Chaewon sa tagpuan nila sa napag-usapang oras. Maya-maya ay dumating na din si Felix.
"Dadalhin kita kay Lola, and you'll tell me what you know about Yongbok, right?" paglinaw ni Chaewon na tinanguan ni Felix.
"Kailangan ko lang talaga makausap ang Lola niyo." Kahit may pagdududa pa rin ay tumango nalang si Chaewon.
Nabalot sila ng nakakabinging katahimikan habang naglalakad sila papunta sa bus station. Hindi pa rin sila okay, at hindi nila alam kung magiging okay pa ba sila. Felix said such hurtful words to Chaewon. And of course, he lied. Chaewon felt stupid. All this time may alam na pala si Felix tungkol sa kapatid niya? All this time, puwede na pala siyang tulungan ni Felix mahanap ang matagal niya nang nawawala na kapatid?
Maya-maya ay may nasakyan din silang bus. Hanggang sa loob ng bus ay tahimik pa rin sila. Felix didn't know how to approach Chaewon. He felt sorry for everything he did. Chaewon on the other hand is confused. Sana nga lang ay tama ang desisyon niyang muling pagkatiwalaan si Felix.
"Chaewon," pagtawag ni Felix sa katabi niya. "Sorry."
"For?"
"Sa mga sinabi ko sa 'yo. Napasobra ako. Sorry." Napatango si Chaewon. "Sorry din dahil tinago ko sa 'yo 'to."
Napatigil si Chaewon. Hindi niya inaasahang hihingi ng tawad si Felix. "Why?" Napalingon siya sa katabi niya at tinignan ito ng diretso sa mga mata nito. "Why did you hide it from me?"
"It was for your safety," Napaiwas ng tingin si Felix at tumingin nalang ng diretso. "For everyone's safety. You, your family, your friends, Yongbok." Napakalas na rin ng titig si Chaewon kay Felix. "I'm sorry. I won't ask you to understand, since I think it's really unforgiveable."
"I understand." Nginitian ni Chaewon si Felix na kinagaan naman ng loob nito. "I'm sorry din... na sobrang stubborn ko." Natawa ito at napailing-iling. "Tama naman kayo eh. Wala naman talagang kasiguraduhan na maayos ang kalagayan ni Yongbok."
BINABASA MO ANG
Gemini of Mine
Teen FictionSome say having a twin can be a heck of a roller coaster ride. As for Kim Chaewon, it was full of agony and guilt losing hers at a very young age. She always wondered what it would be like if her twin brother grew up with her. With the desire to fin...