(Raven POV)
Pagkatapos ng meeting ko sa Aragon nakipagkita ako kina alexia, john frost, chris gabriel at naxu. Ekwenento ko sa kanila ang napag usapan namin sa meeting.
"Ano!! magkakaroon ng malaking digmaan laban sa mga highbreed? Kung hindi lang si Dariana si Cercie seven matutuwa ako pero hindi ko kayang saktan ang aking prinsesa huhu" sabi ni Chris na oa masyado makareact.
"Ano na ang plano mo ngayon Raven? Lalabanan mo parin ba si Dariana?" tanong sa akin ni John Frost.
"Hindi ko alam. Kahit mag desisyun pa ako na hindi sya labanan nakakasigurado ako na lalabanan nya ako.. desidido syang patayin ako." sagot ko... sa totoo lang hindi ako sigurado kung hindi nya ba talaga ako naaalala o sadya ganyan talaga kalaki ang galit nya sa akin dahil muntik ko na syang mapatay noon.
"Kailangan gumawa tayo ng paraan para bumalik ang alaala ni Dariana.Pag bumalik na ang alaala nya sigurado iiwan nya ang mga walang hiyang highbreed na yun!" sabi naman ni Alexia.
Nag isip ng malalim si Naxu tila may pilit inaalala, "May alam akong makakatulong sa atin. Si Selena!"
'Si Selena yung pinsan ni John Frost na may alagang halimaw sa ilog na muntik na tayong patayin? Sigurado ka ba na tutulungan nya tayo? baka ipalapa nya tayo sa mga alaga nya. Nakakatakot yung mga alaga nya sigurado nakakatakot din sya!" pagprotesta ni Alexia na halata na ayaw pumunta kay Selena.
"Wag kayong mag alala ako ang bahala. Hindi naman talaga nakakatakot ang pinsan ko kahit may mga alaga syang ahuizotl." tinitiyak ni John Frost sa amin kaya nagkasundo kami na puntahan si Selena kung ano ang dapat gawin para maibalik ang alaala ni Dariana...
-------------------------------------------------------------------------------------------
(Dariana POV)
Nagkaroon ng meeting si Ama at ang anim na general ng mga highbreed. Pinasali ako ni ama sa meeting. Nagpadala ng mensahe ang espeya namin sa Aragon na nagkaroon sila ng pagpupulong para sa pinaplano nilang digmaan laban sa amin.
Nagulat si ama sa rason kung bakit naging agresibo sila at gusto ng digmaan 'Papaano nangyari na may gumamit ng mga scroll? Wala naman akong pinag uutos na gamitin yun at gunawin ang isang bayan"
"yan din ang pinagtataka namin. tanging mga general lang ang makakabukas sa kahon na pinaglagyan natin ng scroll ngunit batid mo naman na kahit kailan hindi ka namin pinangunahan Darius" sabi ni Athula na isa sa mga general.
Nagtitinginan sila sa isa't isa na tila ba iniisip nila na may taksil sa groupo. Sapagkat amy isang tao dito na gumawa ng isang napakalaking hakbang ng walang pahintulot kay ama pero hindi ito ang tamang panahon para magduda kami sa isat isa sapagkat ang aming mga kalaban ay nagkakaisa na ngayon upang ubusin kami.
![](https://img.wattpad.com/cover/24449007-288-k895560.jpg)
BINABASA MO ANG
The Four Kingdoms
FantasíaKwento ng isang 17 years old na babae (Dariana) na tinulak sa isang ilog sa anong dahilan walang nakaka-alam. Pag gising nya nasa kakaibang lugar na sya. Lugar na may apat na kaharian na may ibat ibang mga kapangyarihan, kultura, paniniwala, at nila...