Ang Pagwawakas

241 14 3
                                    

(Dariana POV)

"Ano Cercie Seven, nakapagdesisyun ka na ba? Mabubuhay kang mag isa o mamatay kang kasama nila?" Diretsang tanong ni General Roki na tila ba naghahanda sa kanyang susunod na gagawin depende sa sagot ko.

"Kahit anong mangyari hindi ko sila iiwan.. poprotektahan ko sila hanggang ako ay nabubuhay pa!" Walang atubiling sagot ko. Kailangan mailigtas ko silang lahat, kailangan ko syang matalo kahit ano pa man ang maging kapalit kahit buhay ko.

"Ang mga nagpapakabayani ay namamatay sa bandang huli. Ang pagkakaiba lang ngayon mamatay ka ng walang maiiligtas kahit isa!! HaHAHA!!" Para syang nakakatakot na psycho na sarkastikong tumatawa tapos bigla nalang lumutang paitaas ang espada ni Clandestina pagkatapos ay itinaas nya ang kanyang mga kamay at naglabas ito ng napakalakas na enerhiya na Unti unting bumabalot sa espada at habang tumatagal lumalaki ng lumalaki ito.

"Dudurugin ng Solar Blast ko ang lahat lahat walang matitira kahit isa o kahit ano! HAHAHA ito ang magiging katapusan para sa inyong lahat!!"

Tinanggal ko ang aking kwentas mula sa aking leeg at ngayon hawak hawak ko na ito na nakaturo sa direksyon ni General Roki.

"Diyos ng apoy, tubig, lupa at hangin dinggin ang aking pagsusumamo at bigyan ako ng lakas at kapangyarihan!

Biglang nagliwanag ang aking kwentas at isang napakalaking pwersa at napakalakas na kapangyarihan ang lumabas mula dito.

Sa pagitan namin ni General Roki tumama sa isat isa ang Solar Blast at ang kapangyarihan na nagmula sa aking kwentas, ramdam sa buong kalangitan ang tension ng pagtama ng dalawa halos nagdilim at kumikidlat ang langit dahil sa lakas ng pwersa.

"Hindi mo ako matatalo Cercie Seven dahil itinakda akong magwagi ang sino mang hahadlang ay mamatay!!!!"

"Hindi ako magpapatalo kahit buhay ko pa ang magiging kapalit Aaaaaahhhhhhhh!!!!!"

Sa huling pagkakataon ibinuhos ko ang lahat ng natitira kong lakas, nilamon ng aking kapangyarihan ang Solar Blast at si General Roki.

"Hinddiiiiiiii!!"

Yan ang huling narinig ko mula kay General Roki bago sya tuluyang naglaho.

Naging payapa ulit ang langit at naglaho na ang mga sumpang binigay nya sa apat na kaharian. Nakikita ko ngayon na nanalo kami sa laban dahil nagsialisan na ang mga kampon ni General Roki ng makita nila na natalo ito sa laban.

Napangiti ako.. sa wakas nagawa ko ang dapat kong gawin at nagtagumpay ako. Masaya ako at magiging ligtas na silang lahat.

Bigla akong napahawak sa aking bibig at napaubo. Pagtingin ko sa aking kamay may dugo ito. Biglang nanlabo ang aking paningin at nahihilo ako. Pinilit ko manatili sa aking diwa upang lumipad pabalik sa kanila. Sa ngayon wala akong ibang gusto kundi ang makita si ama, ang mga kaibigan ko.. at si Raven..

Napa ubo ako ulit at mas maraming dugo ang lumabas ngayon kaysa kanina. Ramdam ko sa buo kong katawan ang unti unting pagwala ng natitira kong lakas. Hindi ko na maigalaw ng maayos ang aking mga pakpak.

Umubo nanaman ako at kitang kita ko ang napakaraming dugo sa nanginginig kong kamay.

"Patawad.... hindi man lang ako nakapagpaalam"

Tuluyan ng napapikit ang aking mga mata.

------------------------------------

(Raven POV)

Nagising ako na medyo mahapdi ang aking katawan. Ano ba ang nangyari? Tumingin ako sa paligid nasa tabi ko si bubu buti nalang hindi masyadong malala ang tama nya sa Hurrican Fire ni General Roki, sa akin kasi halos tumama ang lahat. Naalala ko bigla na naiwan palang mag isa si Dariana.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 06, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Four KingdomsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon