(Dariana POV)
Isang napaka boring na araw na naman .. Ganito nalang ba palagi?
Matutulog ka sa gabi, gigising sa umaga, tapos 8 hours sa school tapos uuwi sa bahay para ano? Pag aralan ulit ang natutunan mo kanina sa school. Nakakapagod talagang maging estudyante kung sana lang naging adventurous ang buhay ko eh di ang saya saya sana!
Sana nakatira pa rin kami sa dati naming tinitirhan. Nandoon lahat ang mga kaibigan ko.. Second sem na pero wala pa rin akong kaibigan sa university na pinapasukan ko. Ewan ko ba kung bakit hindi naman ako mabaho hayyysss..
Sana naman magkaroon ako ng adventurous life hindi yung ganito ang boring!
Krrrriiinnnngggg****
"Okay class, That's all for today"
Hindi ko namalayan uwian na pala. Wala man lang akong naalala sa lahat sinabi ng teacher namin kundi yung That's all for today hehe.
Dahil nakakapagod pang umuwi nagpasya akong mag ikot2 muna. Sa paglalakad ko may nakita akong isang tindahan siguro bagong tindahan to kasi unang beses ko pa itong nakita. Kahapon lang vacant land to ngayon may tindahan nah. Overnight lang to ginawa o baka hindi ko lang talaga to napansin noon.
Ang weird ng pakiramdam ko para akong tinatawag ng pinto. Ayaw kong pumasok dahil mukhang weird ang tindahan.. nakakatakot .. pero di ko namalayan nasa loob na pala ako ng tindahan. . Since nandito lang naman ako sa loob titingnan ko kung may magandang kwentas ba dito.
Ang daming kwentas pero may isang nakaagaw pansin sa akin. Isang kwentas na may bilog na pendant na may kulay ng parang sa apoy, lupa, tubig at hangin. Hinawakan ko at tiningnan ng maigi... mukhang weird pero may dating..
"Gusto mo ba? rare item namin yan.. nag iisa lang yan dito" sabi ng isang magandang babae. Ang ganda nya.. may mahaba at kulot na buhok. And puti nya at ang pula ng kanyang mga labi.
"Ah Oo gusto ko ito ang ganda kasi! " sagot ko.
"On sale yan kaya 20,000 pesos nalang yan" sabi naman nya sabay ngiti.
Nagulat ako ng bonggang bongga.. On sale tapos 20000? Over!
"Napakamahal naman ata!" sabi ko na halata talagang nagulat.
"Mahal talaga yan kasi antique at gawa sa mamahaling mga bato at pure gold ang gitna." Sabi nya ng nakangiti nanaman. Hindi ba nangangalay ang kanyang labi sa kakangiti? Napabuntong hininga nalang ako gustong gusto ko kasi ang kwentas pero di ko naman afford.
"Di bale nalang Miss, ang mahal kasi di ko afford.. out of budget hehe" tawa kong sabi..
"Kung wala kang pera ibibigay ko nalang ito sayo" nakangiti nanaman pero seryoso nyang sabi..
Natulala ako... speechless.. tatanggapin ko ba o hindi? Ang mahal nito tapos ibibigay lang nya? Seryoso ba sya o prank lang ito.?
Naglalakad ako pauwi sa aming bahay habang hawak2 ang kwentas na nasa leeg ko.. yes that's right! tinanggap ko ang kwentas sayang naman kasi . Sino ba ang hihindi sa libre?
Huminto muna ako sa paglalakad ng makarating ako sa gitna ng tulay.. Wow ang ganda ng sunset naging parang kulay orange ang ilog. Ang saya2 ng pakiramdam ko habang tinitingnan ko ang araw at ang ilog para tuloy gusto kong tumalon at maligo..
"Pakiramdam mo ba tinatawag ka ng ilog para maging isa sa kanya? Bakit hindi mo sya pag bigyan?"
Lumingon ako sa likod upang tingnan kung sino ang nagsalita pero pag lingon ko bigla nalang nya ako tinulak.
Hindi!!! AHHHH!!! ... Bakit???... bago tumama sa tubig ang aking katawan narinig ko pa ang sabi nyang..
"Hanggang sa muli nating pagkikita Dariana. "
Kilala nya ako?... Sino ba sya? Bakit nya ako gustong patayin?
Splashhh!!!
Nawalan na ako ng malay... Hindi ko na alam ang sunod na nangyari.. Baka patay na ako..
Authors Note:
Hi Guys Thanks for checking my story. If you like it leave a comment or hit vote! Don't forget to follow me ^__-
BINABASA MO ANG
The Four Kingdoms
FantasiKwento ng isang 17 years old na babae (Dariana) na tinulak sa isang ilog sa anong dahilan walang nakaka-alam. Pag gising nya nasa kakaibang lugar na sya. Lugar na may apat na kaharian na may ibat ibang mga kapangyarihan, kultura, paniniwala, at nila...