Limang araw na ang nakalipas simula ang aksidenteng yun. Wala na kaming nalaman pang ibang impormasyon tungkol sa mga highbreed at kung bakit nila ako gustong kunin. Habang kumakain ng hapunan sinabi ko sa kanila ang nasa isip ko nung mga nagdaang araw tungkol sa ilog ishka..
Chris: ha??? Gusto mong lunurin ka namin sa ilog ishka? Hindi yun magagawa ng aking mga kamay aking prinsesa kundi habang buhay akong mabubuhay sa kalungkutan..
Dariana: hindi sa ganun.. kung nakikita nyo na hindi naman pala gumana at nalulunod ako eh di iligtas nyo ako.
Naxu: pero delikado yang iniisip mo pag may nakakita sayo na nasa ilog ishka ka hahatulan ka ng kamatayan. Banal ang ilog ishka para sa aming mga orcan doon kami nagdadasal.
Raven: Oo nga buti nalang walang nakakita sa akin nung niligtas kita. Tapos ngayon gusto mo gawin ulit yun? Gusto mo ba kami ipahamak kung sakaling hindi umepekto yang theory mo?
Nagbuntong hininga nalang ako at nalungkot sa sinabi nila.. kahit hindi ako sigurado sa naiisip ko pero yun lang talaga ang naiisip kong paraan... namimiss ko na din ang mga magulang ko.. baka nag aalala na sila.. Medyo matagal na rin akong nawawala..
Raven: Sa Huwebes ipagdidiriwang nila ang kaarawan ng reyna.. at sa mga oras na yun walang nagdadasal sa ilog ishka kaya pwede tayong pumunta doon.
Dariana: Talaga??? Salaaaammaaattt!!!
Sa sobrang saya ko napayakap ako sa kanya pero bigla naman nya akong tinulak
Raven: Ayoko nang niyayakap ako!
Hmfftt gwapo sana sungit lang! Pinagpatuloy ko nalang pagkain ko.
Chris: sa akin ka nalang yumakap Dariana at tatanggapin ko yan ng buong puso hehe
Raven: Aalis tayo bukas papuntang Avlon.. Hindi makakadalo ang ate ko sa meeting ng Aragon kaya ako ang pinapupunta nya. Pagkatapos nating pumunta sa Avlon pwede na tayong tumuloy sa Orca.
Dariana: Ano ba yung Aragon?
Naxu: Isang organisasyon na binubuo ng matataas na opisyal ng apat na kaharian. Gumagawa sila ng mga batas at plano na sakop ang apat na kaharian.. Ginawa ang organisasyon na yun para mapanatili ang kapayapaan ng apat na kaharian.
Marami pang sinabi si Naxu tungkol sa Aragon pero wala na akong maintindihan weakness ko talaga ang lecture or mahaba ng discussion.. Basta ang nagets ko lang para silang united nation xD
Maaga palang umalis na kami papuntang Avlon sakay kay Bubu.
Chris: Nagdurugo ang puso ko dahil ang aking banal na paa ay tatapak sa maduming kaharian ng Avlon. Ayoko sumama ibaba nyo ako!!
Raven: tumahimik ka nga! Sige bumaba ka nah!
Tinulak ni Raven si chris at habang nahuhulog si chris sumisigaw sya ng
Chris: tulooooonnnnggg aahhhhhh sige na sasama na ako!!!
Kaya agad naman lumipad pababa si Bubu para saluin si chris bago paman sya tumama sa lupa.. Grabeh talaga tong si Raven!
Naxu: dalawang araw lang naman tayo mananatili dun. Kaya relax ka lang..
Chris: papaano ako magrerelax kung pupunta tayo sa lugar ng mga traydor.. sila ang dahilan kaya halos lahat ng mga zyran hindi nagtitiwala sa iba at masama ang pakikitungo sa ibang kaharian.
Ayun kay Naxu 50 years ago may gyerang naganap sa pamamagitan ng sepra at avlon.. dahil magaling gumawa ng sandata ang mga zyran nakipag sundo ang mga avlon sa kanila na tutulungan nila ang zyran laban sa mga orcan ang kapalit ay gagawan ng zyran ang mga avlon ng espada na makakapatay sa mga dragon at dahil dun maraming dragon ang namatay ganun paman ang sepra parin ang nangunguna sa labanan. Nagalit ang mga sepran sa mga taga zyran dahil sa sandatang ginawa nila kaya inatake nila ang zyran.. Humingi ng tulong ang mga zyran sa avlon pero nakipag alyansa na ang avlon sa mga taga orcan.. tutulungan ng orcan ang mga avlon laban sa sepra at tutulungan ng avlon ang orcan laban sa zyran.
BINABASA MO ANG
The Four Kingdoms
FantasíaKwento ng isang 17 years old na babae (Dariana) na tinulak sa isang ilog sa anong dahilan walang nakaka-alam. Pag gising nya nasa kakaibang lugar na sya. Lugar na may apat na kaharian na may ibat ibang mga kapangyarihan, kultura, paniniwala, at nila...
