Love Rain

887 40 4
                                    

Mag aala siete na ng biglang nag dim ang light sa paligid tapos bigla nalang silang nagsimulang magpatogtog ng musika. Nagsingtayuan ang mga tao at pumunta sa sagitna.. Syempre nagtaka ako kung anong meron kaya tinanong ko Naxu kung ano ang nangyayari.

Naxu: Tuwing kaarawan ng reyna meron talagang sayawan nagaganap pagpatak ng ala siete tapos bigla nalang uulan ayun sa kwento kung sino ang kasayaw mo habang umuulan ay makakapiling mo sya habanag buhay.

Dariana: Uulan dito sa loob? Papaano makakapasok ang ulan eh kita mo namang may bubong dito.

Naxu: Ang bubong ang gumagawa ng ulan.. Sabi nila ang inilalabas nyang ulan ay isang basbas ng pag-ibig.

Dariana: Wow naman nakakamanghangha!! Sino naman ang iimbitahin mong isayaw? Malay mo pag sayaw nyo biglang umulan xD

Biglang namula ang mukha ni Naxu at nahiya..

Naxu: ahh ... eh.. wala.. wa.. la naman kasi syang hilig.. ang ibig kong sabihin wala akong hilig sa sayawan na yan.. Ah sige pupuntahan ko muna ang tiya ko.

Anong nangyari dun? -_- Tumingin ako sa paligid ang saya naman ng mga tao tingnan. Si alexia may kasayaw hindi ko kilala kung sino.. siguro isa lang sa mga bisita dito na nagagandahan sa kanya kaya inimbita syang isayaw. Si Chris naman syempre may kasayaw din.. yun pa magpapahuli? I doubt! Napalingon ako kung saan si naxu.. Isinayaw pala sya ni John Frost. Infairness bagay sila xD.. pero naalala ko na minsan naikwento ni naxu pag naging isang reyna ka hindi ka pwede mag asawa kung magiging reyna si naxu eh hindi pala sya pwede mag asawa nakakalungkot naman palang maging reyna dito ..

Pero feeling ko mas nakakalungkot ang sitwasyon ko ngayon.. I am free for love nga pero wala naman ako kasayaw.. Ok na walang love pero kahit kasayaw lang man sana sayang ang get up ko ngayon tapos magiging wall flower lang ako?? 

" nag iisa ka ata dito at nakaupo lang habang ang iba ay nagsasaya.. Pwede ba kitang maisayaw?"

Lumingon ako para tingnan sino ang nagsalita.. shit miming ang gwapo kaya napa oo nalang ako at nagsimula na kaming magsayaw.

Reva: Ako nga pala si Reva and general ng Reddan.

Dariana: Reddan yun yung isang bahagi ng sepra diba? General ka rin ba ng isa pang bahagi ng sepra? fira ba yun?

Reva: Ang kapatid ko ang general ng fira. 

Dariana: Wow naman... naku nakalimutan kong sabihin ang pangalan ko. Ako pala si Dariana.

Reva: Taga zyre ka ba?

Dariana: naku hindi ako taga zyre kahit palagi nalang akong nagpapakamalang taga doon.. sa totoo taga.... aray!

Naku mukhang may nabundol ako sa likuran ko.. Isang bata na may violet na buhok.. teka ito yung prinsipe ng Avlon ah.

Prinsipe ng Avlon: Naku pasensya ka na ate nasaktan ka ba?

Dariana: Hindi naman..

Prinsipe ng Avlon: General  Reva pwede ko bang maisayaw si ate Dariana?

Reva: Syempre naman mahal na prinsipe.. maiwan ko muna kayo. Salamat sa pakikipagsayaw sa akin Dariana.

Nagsimula na kaming magsayaw ng prinsipe.. Ano ba to ang awkward naman hindi ba ito corrupting minor? tapos isa pang prinsipe.. Teka papaano nya kaya nalaman ang pangalan ko.

Prinsipe ng Avlon: Ah narinig ko na sinabi mo ang pangalan mo kay General Reva. 

Dariana: Ganun ba.. Teka lang nababasa mo ang iniisip ko?

Prinsipe ng Avlon: huh? Hindi.. Kita lang talaga sa mukha mo na nagtataka ka.

Patuloy lang kami sa pagsasayaw pero tahimik lang  kami.. Wala kasi akong maisip na sabihin eh.. Hinri rin sya nag sasalita.. Ano ba bakit ba iba ang pakiramdam ko.. dahil ba violet ang buhok nya?? Anong connect? -_-

Prinsipe ng Avlon: pasensya na pero naririnig kong tinatawag na ako ng aking ina at ama.. Oras na daw para umuwi.

Wala naman akong naririnig na tumatawag sa kanya ni hindi ko nga makita sa malapitan ang kanyang ina at ama. 

Prinsipe: Bago ako umalis. Isang paalala lang wag ka masyadong maging palakaibigan kay General Reva.. Balita ko hindi sya mabuting nilalang.

Dariana: Mukhang mabait naman sya.

Nagsimula na syang lumakad pero bago paman sya makalayo lumingon sya ulit sabay sabi

"Ang pangalan ko pala ay Viole (Vyuulee). Tandaan mo ang pangalan ko dahil magkikita pa tayo ulit."

pagkatapos nyang sabihin yun bigla nalang syang naglaho.. literally na naglaho.. Ano yun teleport lang? 0___0 hay naku bakit pa nga ba ako nagugulat..

Biglang dumating si Chris at niyaya din akong sumayaw.. nag sorry sya kasi nakalimutan nya daw akong imbitahin sumayaw kanina dahil in demand daw sya sa maraming kababaihan -____- Nung napagod na ako pumunta ako sa drinks section at kumuha ng maiinom.. tapos may nakita akong isang veranda sa may kaliwang bahagi. Mukhang walang tao at napaka peaceful ng ambiance. Pumunta ako doon.. at feel na feel ko ang peaceful moment kaya napapaikit ako habang nakaupo doon.

pero nagulat ako bigla ng may nagsalita mula sa likod ko.

"Anong ginagawa mo dito nagdadasal ka ba? May Diyos din pala kung saan ka nanggaling"

Dariana: Ano ka ba nagulat naman ako sayo! Syempre naman may Diyos sa lugar namin pero tula dito marami din klaseng klaseng Diyos pero isa lang ang pinaniniwalaan ko.

Raven: At ano namang klaseng Diyos yang pinaniniwalaan mo at sya napili mong paniwalaan.

Dariana: Isa syang mabait na Diyos. Pindala nya ang kanyang nag iisang anak para ipako sa krus upang pagbayaran ang kasalan namin kung hindi pupunta kami sa empyerno pagnamatay na kami.

Raven: Mukhang napakabait nga nyang Diyos pero mukha namang napakasama nya ama para ipapako sa krus ang kanyang anak na walang kasalanan.

Dariana: -___- ikaw nalang kaya magkwento tungkol sa Diyos ng Sepra.

Raven: Ayoko nakakapagod.

Dariana: -__-'' .. Sya nga pala may nakasayaw ka na ba?

Raven: wala.. Hindi ako marunong sumayaw.

Natawa ako sa sinabi nya.. Napatawa tuloy ako ng malakas.

Raven: Anong nakakatawa?

Dariana: Isa kang dugong bughaw tapos hindi ka marunong sumayaw.. Halika tuturuan kita sumayaw. Marunong akong sumayaw natutunan ko ito nung JS prom namin xD

Kinuha ko ang mga kamay ni Raven at nagsimula na kaming magsayaw.. Madali naman palang matuto itong si Raven. . Unti unti nagiging smooth na ang pagsayaw namin.. awkward tuloy masyado parang ang sweet naming tingnan acheche baka sa tingin ko lang..

Raven: Naku nagsimula ng umulan.

nagulat ako sa pag patak ng ulan..

*Flash back*

"Naxu: Tuwing kaarawan ng reyna meron talagang sayawan nagaganap pagpatak ng ala siete tapos bigla nalang uulan ayun sa kwento kung sino ang kasayaw mo habang umuulan ay makakapiling mo sya habanag buhay."

*End of Flashback*

Raven: Ok ka lang? Bakit ka natutula dyan? Mabuti pa magbihis na tayo. Sabihan mo na rin sila naxu at chris na magbihis na.. pupunta na tayo sa ilog bago mag hating gabi.

Dariana: (medyo natauhan na) ah.. oo sige..

Syeett bakit bigla nalang bumilis ang tibok ng puso ko tapos ang lamig ng buo kong katawan? Ay uu nga pala basa ako kaya malamig talaga xD

Author: dapat kahapon ko ito napost.. sa kasamaang palad nakatulog ako xD


The Four KingdomsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon