(Dariana POV)
Sa kabutihang palad napapayag ko ang mga hari at reyna ng iba't ibang kaharian na pagtulungan gawin ang ultimate barrier para sa buong continente ang kailangan lang ay gawin nila ang Dasal ng Proteksyon. Dapat kompleto ang lahat ng hari at reyna ng bawat kaharian kung hindi ay hindi magiging matatag ang barrier na magagawa nila at pwede pa rin itong mawasak.
Nagdadalawang isip pa si Reyna Ashanti at Haring Evan kung dapat bang pumunta sila sa torre ng Aragon para sumali sa paggawa ng Barrier o mananatili nalang sila sa kaharian ng Zyre upang protektahan ito sa ano man ang pwedeng mangyari.
Ayun sa napag usapan gagawin ng mga hari at reyna ang Dasal ng Proteksyon sa tuktok ng torre ng Aragon dahil nasa maganda itong spot, nasa gitna kasi ito ng apat na kaharian kaya matatabunan nila ang lahat ng kaharian ng barrier pero dapat walang makadisturbo sa kanila habang ginagawa nila ito dahil kung hindi pwede nila itong ikamatay at ikasira ng barrier.
Napagkasunduan nila na ang bawat kaharian ay ipapadala ang kalahati ng kanilang hukbo upang pigilan ang sino mang magnais na pumunta sa torre ng Aragon upang pigilan sila at wasakin ang barrier at ang natitirang kalahati naman ay maiiwan upang protektahan ang kanilang kaharian.
Bukas haharapin na namin ang possibleng pinakamalaking laban ng generasyong ito. Ang laban kung saan nakataya hindi lang ng buhay namin kundi buhay ng lahat. Papaano kung hindi namin sya magawang pigilan? Magiging katapusan na naming lahat.... Hindi maari, kailangan namin mapigilan ito kahit buhay pa namin ang magiging kapalit.
"Nandito na sila Haring Zahim, Reyna Natasha, Reyna Kenisha at ang hari at reyna ng Avlon. Mamayang madaling araw sisimulan na nila ang paggawa ng barrier" pagbabalita sa akin ni ama. Humarap ako sa kanya pagkatapos kong ayusin ang aking espada.
"Hindi pa ba dumarating sila Haring Evan at Reyna Ashanti?" tanong ko at umiling lang si ama. Darating kaya sila? Dapat dumating sila walang maaring dahilan upang hindi sila dumating dahil kahit ang kaharian ng Zyre ay apektado dito.
"Ama, Tungkol sa Solar Blast akala ko ba isa lang yung alamat? Bakit ngayon may ganito ng kakayanan ang kalaban?" tanong ko kay sa kanya.
Natahimik si ama na para bang may iniisip "Noon hindi alamat ang Solar Blast.. kayang gawin ng mga babaylan ng Haynes ang apat na scroll na maging isang bagay na magbibigay ng napakalakas na kapangyarihan sa sino mang pagbibigyan nito at isa sa mga kapangyarihan nito ay ang Solar Blast pero wala ng natitirang Babaylan ang mga Haynes lahat sila tinugis noong panahon na pinapapatay din ang mga highbreed. Ang mga babaylan ng Haynes lang ay may kakayanan na gumawa nun." pagpapaliwanang ni ama. Kung totoo nga ang sinasabi ni ama papaano ito naging possible ngayon? Hindi kaya hindi totoo ang banta gayunpaman dapat parin akong maging handa.
Pupuntuhan ko na sana sila Alexia pero napatigil ako ng hinawakan ni ama ang aking braso at niyakap ako.
"Kung alam ko lang na ito ang kahaharapin mo sana hindi nalang kita ibinalik sa mundong ito at nanatili ka nalang sa mundo kong saan ka nanggaling siguro mas maayos, payapa at masaya ang buhay mo doon." ramdam ko ang sinceredad sa bawat salita ni ama. Ang mundong pinanggalingan ko... kung hindi ako napunta dito siguro nakapagtapos na ako sa pag aaral at ngayon ay nagtatrabaho na kahit namimiss ko parin ang nakagisnan kong pamilya doon hindi ko na masyadong iniisip ang mundong yun ni hindi ko na naiisip pang bumalik na doon.
"Ito na ang tahanan ko ngayon.. Ito na ang aking mundo.. nandito ang pamilya at ang mga kaibigan ko na dapat kong protektahan." sagot ko kay ama. "at isa pa nakalimutan nyo na ba hindi naman ako basta namamatay maliban nalang kung ang espada ni Clandestina ang gagamitin laban sa akin kaya hindi ako basta matatalo sa kanya."
BINABASA MO ANG
The Four Kingdoms
FantezieKwento ng isang 17 years old na babae (Dariana) na tinulak sa isang ilog sa anong dahilan walang nakaka-alam. Pag gising nya nasa kakaibang lugar na sya. Lugar na may apat na kaharian na may ibat ibang mga kapangyarihan, kultura, paniniwala, at nila...