Orca's Queen Celebration

902 41 6
                                    

Pag gising ko may nakita akong damit na nakasabit gold ball gown na may nakalagay na note.

"Pinabili ko yan para sayo.. isukat mo kung kasya ba.. Nasa drawer ang mga alahas isuot mo rin. Naxu"

Wow binili to ni Naxu para sa akin?? Ang ganda naman siguro mamahalin to,, Agad2 kong isnuot ang damit para sukatin. 

The gorgeous skirt is covered in full ruffles and a train. It is a gold ball gown with Scrunchy gold gloves, stacked Rhinestone bracelets and statement earrings for a flawless look. The corset style bodice is beautifully adorned with multi colored bead work and intricate stones. Showcasing a sweetheart neckline and dropped v-shaped waist to slenderized the figure.

In short super ganda at bongga talaga napa english tuloy ako sa pagdescribe haha.. Prinsesang prinsesa ang dating ko.

Hinubad ko ulit ang gown at nagsuot ng normal na damit at nagmadali na akong pumunta sa hapagkaininan para kumain ng breakfast.

Chris: Gising ka na pala aking prinsesa kumain ka na.

naxu: Nagustuhan mo ba ang binili kong gown para sayo..

Dariana: oo nagustuhan ko talaga salamat ha..

Alexia: Magaling talagang mamili ng damit si Naxu xD

Dariana: Saan nga pala si Raven?

Alexia: Hay naku natutulog pa.. Mamaya pa naman 4 pm magsisimula ang kasiyahan kaya pabayaan mo sya.

Pagkatapos naming magbreakfast dinala kami ni Naxu sa isang parang hot spa sa loob ng bahay nila.

Chris: Kasama ba ako dyan?

Alexia: Hiiinndddiiii layas!!!

Chris T____T kawawa naman ako.

....... at 3 pm........

Alexia: Bilisan mo naman dyan Dariana ang tagal mo naman

Dariana: Nandito na ako..

Lumabas na ako ng kwarto medyo natagalan ako kasi naman itong mga samra ni Naxu wagas kong ayusan ako..

Dariana: Sorry guys tagal natapos eh..

Alexia, Chris, Naxu: .................................... (tulala, Tuliro)

Dariana: uyy bakit hindi kayo makapagsalita?? PAngit ba ako??

Alexia: Saan na ang kaibigan naming si Dariana.. Ilabas mo!!!

Dariana: -____-??? Eh ako to si Dariana..

Chris: Ang puso koy nagliliyab sa aking nakikita na tila ba may bituin na kumikinang sa aking harapan. Walang tula, walang awit ang makakapag lalarawan ng iyong kagandahan oh aking prinsesa..

Dariana: ??? ah?? ano daw???

Naxu: Tayo na. Nandoon na aking ama sa palasyo at sabi nya sa akin hindi daw ako pwede mahuli.

Sumakay kami sa iasng karwahe na lumilipad kasi naman ang kabayo nila may pakpak. Nakarating na kami sa napakaling hardin ng palasyo. 

Dariana: Wow napakalawak naman ng palasyo at ang daming tao. Sya nga pala bakit hindi natin kasama si Raven.

Naxu: Sumabay sya kasama ng kanyang pamilya. Pumasok na tayo sa loob ng palasyo. Para sa mga normal na nilalang ng orca ang kasiyahan dito sa hardin at para naman sa mga importanteng tao ang sa loob.

Chris: Pwede ba kami pumasok hindi naman kami importanteng tao.

Naxu: oo naman dahil kasama nyo ako.. 

Pumasok na kami sa loob ng palasyo kahit sa loob ang laki ng palasyo. Nakaupo ang reyna sa harapan.. Napakahaba ng kanyang asul na buhok para na itong capa.. napakaganda ng kanilang reyna. Umuwi kami sa lamesa na nakalaan para sa Rim family.. pamilya nila Naxu. Ang mga lamesa na malapit harapan at sa reyna are the following:

Limang Punong Tagapagbantay ng reyna:

Rim Family

Frost Family

Rihad Family

Slava Family

at Yana Family.

May lamesa rin para sa mga hari at reyna ng ibang kaharian.

Lamesa para sa sepran royalties nakaupo doon si haring zahim, Reyna Natasha, Princessa Jana, Migue at si Raven. Hindi royalties si Migue pinaupo lang sya ni jana sa tabi nya.

Lamesa para sa Zyran Royalties: Haring Evan, Reyna Ashanti, at ang mga anak nitong si Prinsipe Levi at Prinsesa Josie.

Lamesa para sa avlan royalties: Hindi ko sila kilala..Basta purple ang buhok nila.. Isa lang ang anak ng hari at reyna.. Isang batang prinsipe siguro mga 10 years old pa yan. Hindi na naikwento ni Naxu sa akin ang tungkol sa kanila hindi nya daw kasi sila kilala. Medyo hindi daw active sa mga international activities ang reyna at hari ng avlon. Actually first time nilang pumunta sa isang imbitasyon sa isang kasiyahan.

 Natuwa ako masyado sa kasiyahan. Maraming pagkain, maraming pagtatanghal.

Shui: Anak oras na ng pagbibigay ng regalo sa mahal na reyna. Ikaw na ang pumunta sa harapan at magbigay ng regalo natin.

Naxu: Pero bakit po ako? Diba si Ama ang gumagawa nyan.

Wayde: Ikaw na ang gumawa ngayon nasa hustong edad ka na para gawin yun.

Naxu: Sige po.

Pumunta sa harap ng reyna si Naxu upang ihandog ang regalo ng kanilang pamilya.

Naxu: MAhal na Reyna tanggapin nyo po ang regalo mula sa aming pamilya.

Binuksan ng reyna ang regalo at tiningnan.

Reyna Kenisha: Ang ganda naman ng kwentas na ito. lalo na ang bato na nakapaloob dito.

Naxu: Isa yang bato na makikita lamang sa pinaka ilalim na parte ng dagat ng Zula.

Reyna Kenisha: Talaga? Diba walang nilalang ang nakakapunta doon?

Naxu: Maliban po sa lolo ng aking ama. Siya lang po ang nag iisang nilalang na nakasisid doon at nakuha nya nga ang bato na yan, ang batong Dover. Ginawa nya itong kwentas.

Reyna Kenisha: Napakaganda ng regalo nyo.. Kasing ganda ng asul mong buhok. 

Tinanggal ng reyna ang kanyang suot na kwentas.

Reyna Kenisha: Pwede bang isuot mo sa akin ang regalo mong kwentas?

Naxu: Sige po mahal na reyna.

Isinuot ni Naxu ang kwentas sa mahal na reyna.. pagkatapos isinuot ni Naxu ang kwentas nagpalakpakan ang mga tao dahil  mas naging elegante tingnan ang reyna sa kwentas bagay talaga ito sa kanya. Bulong bulongan ng mga tao " Nang nakatayo si Naxu sa tabi ng reyna nakikita ko na bagay talaga maging susunod na reyna si Naxu. Napakaganda nya sa kanayang asul na buhok, napakatalino at napakabait pa nya"

Mukhang gusto ng mga tao na si naxu ang magiging sunod na reyna sa tingin ko naman bagay kay naxu ang maging reyna. ^^

nagbigay rin ng mga regalo ang iba pang bisita. . mukhang magaganda at mamahalin ang mga reglao nilang lahat at mukha naman nagustuhan ito ng reyna.

The Four KingdomsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon