Nakabalik na kami sa sepra.. Hindi ko inakala na prinsipe pala itong si Raven.. Prinsipe ng Sepran at base sa bloodline prinsipe din sya ng zyre..
Pumasok na kami sa kanilang palasyo.. napakalaki ng kanilang palasyo at napakaganda.. maraming statwa ng dragon ang nakalagay sa fence at main gate ng palasyo..
Nung makapasok na kami sa palasyo may isang babae na pula ang buhok at kulot na sumalubong sa amin.. may kasama naman syang lalaki na naka clean cut ang buhok na kulay itim.. hindi masyadong katangkaran..
Naxu: Si Prinsesa Jana at Migue
Prinsesa? Ang ibig sabihin ang babaeng yan ay kapatid ni Raven.. Napakaganda ng kapatid ni Raven.. anak din kaya sya ni prinsesa clandestina??
Jana: Naku Raven kapatid ko namiss kita akala ko hindi ka na makakauwi at kailangan ko pang salakayin ang zyre maibalik ka lang.. alam mo namang ayaw kitang mawala kasi mahal na mahal kita!!!
Ang higpit ng yakap ni Jana kay raven at ito naman si Raven parang naiirita sa yakap at paglalambing ng ate nya..
Raven: ano ba ate bitiwan mo nga ako..
Jana: (teary eyes) bakit bunso?? Nuon naman gustong gusto mo na niyayakap kita at nilalambing...
Raven: -______- ano ba ate hindi na ako bata!
Jana: hmmmp! Akin na nga yung alak ko!!
Binigay ni migue ang isang bote ng alak.. tapos ininum lang ito ni jana na parang tubig graveh napakalasinggera naman ng babaeng ito parang hindi prinsesa..
Chris: bro hindi mo naman sinasabi na may magandang dyamante ka palang kapatid
Jana: Sino ba tong bago mong mga kasama?
Raven: ito si Dariana isang nawawalang babae at feeling ko mat topak sa ulo mukha kasing may sariling mundo... ito naman si chris nakilala namin sa zyre stalker siguro namin kasi sunod ng sunod.
Nakakainis talaga tong si Raven kung meron man may topak sa amin sya na yun nho!
Tiningnan kaming dalawa ni jana... para akong matutunaw sa tingin nya kasi naman kung makatingin mula ulo hanggang paa.
Jana: ang ganda ng kwentas mo mukhang pamilyar sa akin di ko lang maalala kung saan ko nakita yan.
Dariana: ah ito bah.. binigay lang to sa akin..
Jana: Sya nga pala sabay2 na tayo na maghapunan mamaya. Sa ngayon magpahinga muna kayo. Migue pakihatid mo nga sila sa guest room..
Migue: Bakit ako??? Hindi naman ako Samra dito!
(Samra = alipin or katulong)
Jana: may nakikita ka bang samra na malapit sa atin? Wala diba? Kaya sige na ihatid mo na sila.
Migue: sige na nga!!
Dinala kami ni Migue sa isang napakalaking kwarto.. ewan ko ba kung matatawag ko itong kwarto kasi naman may napakaling sala sa loob ng kwarto tapos may tatlong kwarto din sa loob nito.. Tig iisa kami ni Naxu at Chris. Meron din itong balcony at sa balcony kitang kita ang isang bundok at lake..
Nagpahinga kami.. talagang napagod kami siguro dahil sa kweba lang kami natulog kagabi xD Pagkagabi may isang Samra ang kumatok sa aming pintuan. Sabi nya maghahapunan na daw. Since bisita daw kami ni Raven maghahapunan daw kami kasabay ng mahal na hari at reyna. Gosh nakakakaba hindi kasi ako marunong ng table manners ~____~ Ito namang si Chris tuwang tuwa dahil for sure daw masarap ang mga pagkain -_-
Sa hapunan ...
Ang mga tao sa hapunan.. Si Haring Zahim na may habang pula na buhok at beard Kung nakita nyo na ang movie na how to train your dragon medyo kamukha nya ang papa ng main character sa movie na yun.
BINABASA MO ANG
The Four Kingdoms
FantasyKwento ng isang 17 years old na babae (Dariana) na tinulak sa isang ilog sa anong dahilan walang nakaka-alam. Pag gising nya nasa kakaibang lugar na sya. Lugar na may apat na kaharian na may ibat ibang mga kapangyarihan, kultura, paniniwala, at nila...