Mga pansariling balak..

819 26 5
                                    

(Author's POV) - ako muna ang sa ngayon hehe >...<

Mas dinoble pa ng mga taga gawa ng sandata ng zyre ang kanilang trabaho para sa kanilang kaharian at para rin sa kanilang mga mamimili na galing sa ibang kaharian.

Pinatawag ni Haring Evan ang kanyang dalawang anak na si prinsesa Josie at Prinsipe Levi.

Sinabi ni Haring Evan ang kanyang maitim na balak sa kanyang mga anak. "Gusto ko na sumali kayo sa digmaan ngunit hindi ang mga kalaban ang papatayin nyo."

"Kung hindi sila sino po? " Nagtatakang tanong ni Josie

"Ang mga matataas na opisyal ng sepra, orca at avlon. Simula na nabuo ang Aragon na yan kahit may kakayahan na tayong talunin ang mga ibang kaharian hindi natin magawa. Ngayon ang ating pagkakataon." Nakangiting sabi ni haring evan

"Pero ama kahit malakas kami ni Josie mahihirapan parin kami na talunin sila maliban nalang kung isa o dalawa lang ang aming papatayin." Pag dadalawang isip ni levi.

May inilabas na anim na maliliit na bote si Haring Evan "Ito ang katas ng bulaklak ng pereya. Namumulaklak lang ang pereya kada sampung taon. Alam nyo ang kakayahan ng katas nito gamitin nyong maigi." Inabot ni haring zahim ang mga maliliit na bote sa kanyang mga anak.

Ngilid sa kaalaman ng lahat maliban sa mga dugong bughaw ng zyre. Sa isang sekretong parte ng silid ni Haring Evan may nakatanim na pereya. Isang halaman na namumulaklak kada sampung taon. Ang katas ng bulaklak ay isang napakalakas na lason na kahit matamaan lang ang balat mo ng katas ay ikakamatay mo na ito sa loob lamang ng isang minuto.

"Sya nga pala.. pag ginawa nyo ang pag patay gamitin nyo ang mukha ni Molave at Cercie.Seven." huling sinabi ni Haring Evan bago tuluyang lumabas ng silid ang kanyang mga anak.

"Hindi natin alam ang itsura ni Cercie Seven papaano ko sya gagayahin.?" bulong ni Josie sa kanyang kapatid.

"Wag kang mag alala. Ang kailangan lang naman natin gawin ay sundan si Raven sigurado akong magkakaharap din sila ni Cercie Seven." mahinahong sagot ni Levi sa kanyang bunsong kapatid.

Meanwhile sa Kaharian ng Orca..

"Paki usap mahal na reyna payagan nyo na po akong sumama sa laban" Pakiusap ni Naxu kay Reyna Kenisha. 

Napangiti nalang si Reyna Kenisha sa katapangan na pinapakita ni Naxu "Naxu, napakasama ko naman sa iyong Ina kung pati ikaw ipapadala ko pa. Tama na ang iyong ama at ang kuya mong si Zero ang pumunta."

"Tama ang mahal na reyna samahan mo nalang ang iyong ina." dagdag ng ama ni naxu na si Wayde Rim.

 Wala ng nagawa kundi ang sumunod si Naxu sa kanyang ama na manatili nalang sa tabi ng kanyang ina. 

Nagkaroon ng pagpupulong ang mga opisyal ng Orcan kung ano ang gagawin nila sa digmaan. Napag isipan nila kung hindi man nila mapapatay si Cercie Seven dapat sa kamay ng isang Orcan mamatay ang pinuno ng mga highbreed na si Darius. Kahit pa man mabuti ang relasyon ng Orca sa Sepra wala paring balak magpatalo ang mga Orcan sa mga Sepran pag dating sa pagkamit ng karangalan.


----------------------------------------------------------------------------------------------

Sa kaharian ng Sepra.. (Raven POV)

Habang naglalakad ako papunta sa silid kung saan magkakaroon ng pagpupulong para sa paparating na digmaan mabilis na tumatakbo si Ate jana kasama si Migue papunta sa akin..

The Four KingdomsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon