Rescue

768 25 6
                                    

500 years ago sa isang maliit na bayan sa Hagim may isang maliit na clan ang nakatira doon at tinatawag silang Haynes. Maliban sa kanilang violet na mga mata at buhok Kilala sila sa angkin nilang talento at talino ngunit Kumukunti na ang  bilang nila at nanganganib na silang maubos. Dahil sa napakaraming digmaan ang nangyayari sa mga panahon yun marami sa kanila ang nasawi at hindi rin madali sa kanila ang magpadami sapagkat isang beses lang nabubuntis ang mga babae na mga Haynes sa buong buhay nila at magkakaanak sila pag nakipagtalik sila sa kapwa lang Haynes.


Upang masolutionan ang kanilang problema ginawa nila ang mga highbreed. Kumuha sila ng dalawang babaeng bangkay galing sa Orcan at Avlon at lalaki na galing naman sa Sepra at Zyre. Gumawa sila ng ritual upang bigyan ng bagong diwa, buhay at kapangyarihan ang mga bangkay. Naging taga pagtanggol nila ang mga highbreed na kanilang nilakha. Unti unting dumami ang mga highbreed may iba na nag asawa ng hindi nila kapwa highbreed at ang anak nila ay may kapangyarihan lamang ng dalawa hanggang tatlong elemento. Tanging mga anak lang na may both parents nya ay pure highbreed ang may kapangyarihan ng apat na elemento.

Isang araw nagkaroon ng pagtatalo ang mga highbreed kaya ang iba ay nagpasya ng lisanin ang hagim at nakipag sapalaran sa sepra, orca, zyre at magsilbi sa kasulukuyang hari at reyna ng avlon ng mga panahong yun. Ikinatuwa naman yun ng ibang mga kaharian dahil malaking tulong ang mga highbreed sa digmaan.

Marami mang digmaan ang nagdaan humantong pa rin sila sa kapayaan at binuo nila ang Aragon upang maiwasan ang digmaan kung sakali man magkaroon na naman ng tensyon sa bawat kaharian. Kung may problema man ang isang kaharian sa ibang kaharian imbes na lusubin nya ito pwede nyang ereklamo ito sa Aragon at ang Aragon na ang mag aareglo nito o pagdidisyunan kung ano ang makakabuti.

23 years ago naghain ng panukala si Haring Zahim ang hari ng Sepra tungkol sa mga highbreed. Dumarami na ang kanilang bilang at alam ng lahat na makapangyarihan sila. Ayun sa kanya Questionable din ang loyalty ng mga highbreed sa kanilang mga kaharian na pinagseserbisyuhan dahil kahit kunwari sa Sepra pinanganak at lumaki ang isang highbreed hindi parin niya tinatawag ang kanyang sarili na Sepran dahil isa daw silang Highbreed at kung magpapatuloy ang ganitong paniniwala nila at pag mas lalo pa silang dumami baka gumawa sila ng ikalimang kaharian na maaring maging banta sa lahat.

Nagdadalawang isip ang Aragon at kahit paman ang ibang kaharian sa gustong mangyari ni Haring Zahim sa mga Highbreed, ang patayin silang lahat, sapagkat theory lamang lahat ang sinasabi ni Haring Zahim ngunit napapayag sila ng sinabi ni Haring Zahim na napag alaman nya na may masamang bplano ang mga highbreed.

Limang buwan lang ang nakalipas ng sinimulan nilang tugusin ang mga highbreed at halos maubos na silang lahat ngunit nakaligtas ang groupo nila Darius at nagtago sila sa isa sa mga gubat ng avlon. Nagdaan ang ilang buwan namatay ang dating hari ng Avlon ng walang anak kaya nagkaroon ng paligsahan para sa kung sino man ang gustong maging susunod na hari at sumali ang ama ni prinsipe viole at sya ang nanalo. Sa bagong generasyon ng mga avlon marami sa kanila ang walang alam ang tungkol sa Haynes dahil ilang daang taon na rin hindi lumalabas ang mga Haynes at nakalimutan na sila.

Sekretong pinuntahan ni Darius ang bagong hari ng Avlon at humingi sya ng tulong dito dahil alam nya na galing sya sa angkan ng Haynes ang lumikha ng mga Highbreed kaya tinulungan sila ng hari ng Avlon at binigyan ng isang tagong bayan sa Avlon.

Author's Note: Haha Hindi ako sure kung naintidihan nyo ang sinulat ko sa itaas basta yun na yun kung may question kayo wala namang pumipigil na magtanong kayo haha 

The Four KingdomsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon