Dariana (POV)
Inatake namin ang unang bahagi ng Avlon dahil may hinahanap kaming scroll. Nakatago yun sa isa sa apat na templo dun. Dalawang groupo kami pinadala.. Ang groupo ni Molave at ang groupo ni Sham. Ang isang groupo ay hinati sa dalawa. Kami ni Molave ang magkasama papunta sa ikaapat na templo habang sila Gulsah at Igor ay sa ika tatlong templo. Ang groupo naman ni Sham ay nasa una at pangalawang Templo.
Nagmadali kaming pumunta sa ikaapat na templo at ng makarating kami dun bigla nalang lumitaw ang mga light elves.
"Hindi namin kayo hahayaang lapastanganin ang aming templo. Banal ang templong ito kaya bawal kayong pumasok." sabi ng isang light elves.
"Sigurado kayong pipigilan nyo kami? Ang liliit nyo naman.. parang ayaw ko tuloy labanan kaayo mukha kasi kayong mga puting paru2 mahilig pa naman ako sa paru2 diba Molave?" sabi ko. Ang mga light elves mga puti na parang transparent na mga nilalang. Sila ang pinakamalakas dito sa unang bahagi ng avlon.
Ngumiti lang si Molave "Napakalungkot ngang isipin na kailangan natin tong gawin" winasiwas ni Molave ang kanyang kamay at lumikha ito ng malalakas at matutulis na hangin na umaatake sa mga light elves ngunit nakalikha ng protection spell ang mga light elves kaya hindi sila natamaan. Tapos nagform sila ng malaking circle at parang hinihigup kami ni Molave papasok.
"Grrr nakakairita na ito" naglabas ako mga tubig na dragon pero hinigup lang nila ito. "Hinigup nila ang water dragon ko hmfft! Molave gumawa ka ng paraan ayaw kong mahigup dito pero ayaw ko naman masira ang lugar na ito baka madamay lang ang templo"
"Sige ako ng bahala" inilabas ni Molave ang kanyang espada at lumapit sa may bunganga ng bilog at hiniwa nya ito.. Nagkawatakwatak ang mga light elves ngunit agad din silang nakabangon at nag sanib silang lahat at naging isang malaking light elf.
"Wow ang ibig sabihin ba nito kaya ng mga light elves maging isa o marami? Napakacool talaga ng mga taga avlon" sabi ko na mukhang nagagalak.. ngayon ang nasa harapan namin ay isang napakagandang babae na nakaputi at may puting buhok at puting pakpak.
"Tinatawagan ko ang espiritu ng hangin at akoy tulungan" biglang may usok na lumabas at may lalaking malaki ang katawan ang lumabas galing sa usok pero ang katawan nya ay gawa sa usok may dala syang napakalaking baton.
Inatake kami ng lalaking usok.. Inilabas ko ang aking espada para labanan sya ng tinamaan ko sya bumabalik lang sa dati ang kanyang katawan.
"Haha hindi mo mapapatay ang espiritu ng hangin dahil kailan mo nga naman matatamaan ang hangin?" sabi ng light elves na nakakairita ang mukha
Gumawa ako ng isang napakalaking fire ball at ikinulong ang mukhang genie na usok na yan..
"Molave ang mabuti pa tapusin mo na ang light elf na yan marami na tayong nasasayang na oras" sabi koy kay Molave
Inihanda ni Molave ang kanyang espada at mabilis pa sa kidlat na umatake sya sa light elf nakailag man ang light elf pero nasugatan pa rin sya ng malala..
"Sa susunod kong atake hindi na ako mimintis magiging katapusan mo na talaga" umatake ulit si Molave ngunit napigilan sya ng may dumating na tatlong nilalang.. Isang babaeng taga avlan na may gintong buhok, isang medyo maitim na zyran na nakasuot ng uniform ng level 3 argz at isang lalaki na may pulang mata. Nagulat ako.. namumukhaan ko ang lalaking yun... sya ang sumaksak sa akin 3 years ago.. sya ang anak ng may pasimuno sa pagpatay sa aming mga highbreed..
BINABASA MO ANG
The Four Kingdoms
FantasiKwento ng isang 17 years old na babae (Dariana) na tinulak sa isang ilog sa anong dahilan walang nakaka-alam. Pag gising nya nasa kakaibang lugar na sya. Lugar na may apat na kaharian na may ibat ibang mga kapangyarihan, kultura, paniniwala, at nila...