Huling Alas

258 11 3
                                    

(Author's POV)

"Ama hindi po ba kayo pupunta sa Aragon para tulungan silang patatagin ang barrier? Tingnan nyo po ang barrier sa kalangitan hindi ito gaanong matibay dahil kulang ang nagdadasal doon para bigyan ito ng lakas." kausap ngayon ni Prinsipe Levi ang kanyang ama na si Haring Evan na nakaupo ngayon sa kanyang trono at nagbibigay ng utos sa kanyang mga nasasakupan.

Nanatiling tahimik lang ang hari tila hindi nakikinig o malalim ang iniisip. "Ama!" nilakasan ni Prinsipe Levi ang kanyang boses para kunin ang attention ng hari.

"Tumigil ka na Levi" saway ng reyna sa kanyang anak "Hayaan mo na ang iyong ama kung ano man ang desisyun nya."

Naiinis na umalis si prinsipe Levi at sinamahan sya ng kanyang kapatid na si prinsesa Josie at tinapik sya nito sa balikat.

Sa kabilang daku pareho ng unti unting hinihingal si General Reva at Prinsesa Jana sa kanilang laban. Halos magkapantay lang ang kanilang pinapakitang lakas kung sino ang mananalo walang makakapagsasabi.

"Tama nga ang naririnig ko tungkol sa angkin mong lakas. Tunay ngang isa ka sa pinakamalakas sa kaharian ng Sepra." pagpuri ni General Reva na kitang nagsisimula ng nasisiyahan sa laban.

Nagbigay lang ng sarkastikong ngiti ang prinsesa sabay sabi "Kaya naman pala hindi ko magawang magtiwala sayo ng lubusan dahil tunay ngang isa kang hindi mapapagkatiwalaang nilalang!"

Naging mapakla ang mukha ni General Reva ng marinig nya ang sinabi ni Prinsesa Jana. "Oo Hindi dapat ako pinagkakatiwalaan dahil wala naman akong balak ibigay sa inyo ang aking katapatan!!" Ngayon ay nakaluhod si General Reva sa ibabaw ng kanyang dragon habang ang isang kamay ay nakataas at ang kabila naman ay nakahawak sa dragon. Hinihigup ni General Reva ang lakas ng kanyang dragon at ng nakalikom na ito ng sapat na lakas naglabas ng napakalakas na kapangyarihan si General Reva. "HELL OF FIRE!!"

Napapalibutan na ngayon si Prinsesa Jana at ang kanyang dragon ng apoy isang maitim at malakas na apoy. Unti unti silang nilalamon ng apoy ngunit pilit itong nilalabanan ni Prinsesa Jana ngunit bumigay rin kalaunan ang kanyang dragon dahil sa pagkawala ng lakas nito at malaking pinsalang natamo. Bumagsak si Prinsesa Jana at ang kanyang Dragon sa lupa.

Kahit nahihirapang tumayo si Prinsesa Jana pilit parin syang tumatayo upang puntahan ang kanyang dragon. "Ch...Cha.. cha.." labis na nag aalala si Prinsesa Jana para sa kanyang Dragon dahil naghihingalo na ito.

Tiningnan nya ng masama si General Reva. Alam nyang malakas si General Reva pero hindi nya ito inaasahan. May nadagdag sa kapangyarihan at lakas nito kung ano man yun nababalot ito ng kadiliman.

"Kayong mga taga Fira kung makahingi kayo ng katapatan para kayong kung sinong karapatdapat paghandugan! Wala na kayong ibang ginagawa kundi ang gamitin ang reddan para sa ikakabuti at ikakaunlad ng Fira kahit buhay pa namin ang kapalit tapos ano? wala man lang naibabalik sa amin dahil parati nalang ang Fira ang pinapapaburan di bale ng maraming maghihirap at mamamatay sa aming mga Reddan basta mamuhay lang kayo ng maayos!!!" Paglalabas ng sama ng loob ni General Reva sa mga taga Fira lalo na sa mga matataas na opisyal at mga dugong bughaw. Totoo nga naman na pinababayaan ng kaharian ang Reddan at mas pinapahalagahan ang Fira kahit mas malaki ang naiaambag ng Reddan sa buong kaharian ito ang dahilan kung bakit maraming Reddan ang Hindi kuntento sa ilalim ng pamumuno ng kaharian ng Sepra at gusto nila ay magsarili at maging isang kaharian ang Reddan.

"Baliw! Kiniquestion mo ang pamumuno namin pero umanib ka sa taong gusto wasakin halos lahat ng nilalang.... .. ugh ang sakit ng katawan ko.. malala ang naging tama ko dapat tapusin ko na agad ito kundi matatalo ako" Naisipan ni Prinsesa Jana na gamitin ang huli nyang alas pero hindi pa nya kabisado ang technique na ito at hindi sapat ang kanyang natitirang lakas gayunpaman kailangan nyang sumugal.

The Four KingdomsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon