Nagbabadyang Digmaan

985 33 4
                                    

(Dariana POV)

Nang malapit na ako sa teritoryo ng mga highbreed nagdesisyon akong maglakad nalang muna. Habang naglalakad ako marami akong naiisip na tila nalilito ako sa nangyari.

Bakit hindi ko sya pinatay kanina? Dahil ba hindi nya ako pinatay nung may pagkakataon sya? All this time ang gusto ko ay ang makita sya ulit upang makapaghiganti ako ngayon nakita ko sya hindi ko man lang ginawa. Nakakaiinis! Hinding hindi na ito mangyayari sa susunod sinisigurado ko.

Napatigil ako ng maalala ko ang nangyari nung pag gising ko. Bakit nya ako niyakap ng sobrang higpit tapos tinawag nya pa akong Dariana?  Pakiramdam ko tuloy yun ang naging dahilan kaya hindi ko na tinuloy ang laban at umalis nalang.

Bigla naman dumating si Molave. ''Nakuha mo ba ang scroll?'

"Syempre naman ako pa!" ibinigay ko sa kanya ang scroll. "Kumusta ang naging laban mo? Hindi ka ba nahirapan sa kanila?"

"Hindi ko inaasahan ng sa loob lamang ng tatlong taon lumakas na sila ng ganun. Ang laki ng pinagbago nila. Hindi ko sila natalo dahil dumating ang iba pang mga Argz kaya tumakas nalang ako." kwento ni Molave.. Mabuti nalang hindi sya nasaktan.

"Hinabol ka ni Raven. Naglaban ba kayo?" bigla nyang tanong.

"Oo naglaban kami pero hindi ko sya nagawang patayin. May bigla kasing nangyari." sagot ko na mahina ang boses. Nahihiya ako na hindi ko man lang nagawang talunin sa laban ang lalaking yun.

Hindi na  nagsalita si Molave ni hindi rin nya tinanong kung anong ba yung biglang nangyari. Ngumiti lang sya sabay sabi na may susunod pa naman na pagkakataon.

-----------------------------------------------------------------------------------------------

"Napasaatin na din itong mga scroll ng avlon, sepra, orca at zyre" sabi ni ama nang tinanggap nya ang scroll mula sa amin. Nagpadala din pala sya ng mga groupo para kunin ang scroll sa zyre, orca at sepra.

"Para saan po ba yan ama?" Nagtataka kong tanong.

"Pag pinagsama mo ang apat na scroll na to naglilikha to ng malakas na kapangyarihan na kayang pulbusin ang isang bayan." Nabigla ako sa sinabi ni ama.. 'Sa oras na malaman nila kung saan tayo nakatira sigurado magkakasundo sila na gamitin ito laban sa atin."


Inilagay ni ama ang mga scroll sa isang box na tanging sya at ang anim na general ng mga highbreed lang ang makakabukas.

"Nandito na po si Luna" sabi ng isang samra kay ama.

"papasukin mo" 

Isang lalaki na may pasan pasan na babae na may puting pakpak na natutulog sa likod nya ang pumasok.

"Pasensya na po kayo kanina ko pa sya ginigising pero ayaw nya pong gumising" sabi ng lalaki.

"Ok lang yan Silva. Molave, Gulsah, Igor at Dariana ito si Luna anak ng isa sa mga general. Sya ang bago nyo makakasama sa groupo nyo." anunsyo ni ama sa amin.

The Four KingdomsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon