"Raven wag muna tayong umalis hanggang hindi pa sya nagigising kawawa naman kung iiwan natin sya."
"Tinulungan na natin sya kaya pwede na natin syang iwan. Nadedelay na ang biyahe natin.dahil sa kanya. Hindi nga natin alam kung kailan sya gigising o magigigsing pa ba sya."
Hmmm ano ba yan bakit ang ingay. . Unti unti kong minulat ang aking mga mata . May dalawang tao sa kwarto ko.. Haa!!!???? May dalawang tao sa kwarto ko?
"Sino kayo? Bakit kayo nandito sa kwarto ko?" Napatayo ako sa higaan sa gulat.
"Anong kwarto mo? Kwarto ko kaya ito! Nang dahil sayo sa sala tuloy ako natutulog. " sabi ng lalaki na may pulang mata, medyo mahaba ang buhok k-pop ang dating tapos ang suot parang may pupuntahang cosplay.
"Hoy nakikinig ka ba? Tanong ko taga saan ka ba? Nakita ka kasi naming palutang2x sa ilog ishka." Tanong ng lalaki na mukhang masungit.. bakit pula ang mata nya?. Contact lense or adik lang talaga sya?
"Ilog ishka?" Napakaweirdo naman ng pangalan ng ilog na yan.
"Oo nakita ka namin sa ilog ishka. Bakit ka naman naligo sa ilog ishka? Bawal maligo doon kasi banal ang ilog na yun" Sabi naman ng babae na may mahabang buhok na kulay light blue at blue rin ang kanyang mga mata.
"Hindi naman ako naliligo sa ilog ishka. Hindi ko nga alam ang tungkol sa ilog na yan." Sabi ko sa kanila.
"Ano pala ang nangyari sayo? Ok na ba ang pakiramdam mo ngayon? " tanong ng babae na may asul na buhok. Ang bait2 nya talagang tingnan. Hindi tulad nung isa!
"Ang huling naaalala ko may tumulak sa akin kaya nahulog ako sa ilog pero mabuti na ang pakiramdam ko." Nagtataka pa rin ako kung sino at ano ang dahilan ng taong yun. Bakit nya ako gustong patayin? Mas lalong pinagtataka kung papaano ako napunta dito? Ganun ba talaga kahaba ang ilog na yun para mapunta ako sa weirdong lugar na ito?
"Mabuti na pala ang pakiramdam mo eh. Pwede ka na sigurong umuwi." Sabi ng masungit na adik na lalaki.. Bakit ba ang sungitbnya. Buti pa tong babae ang bait.
"Sige uuwi na ako nakakahiya naman sa inyo kasi naisturbo ko kayo. Salamat sa tulong nyo." Lalabas na sana ako ng kwarto..
"Sandali.... " pahabol na sabi ni sungit "nakalimutan mo ang bag mo." Hinagis nya ang bag ko sa akin buti nalang nasalo ko. Hmfttt!!
"Salamat" lumabas na ako ng kwarto. Ang ganda naman ng bahay nila kakaiba ang interior design para lang pang medieval time. Dumiritsu na ako sa pintuan.. OMG ang laki ng pinto nahihirapan akong buksan.. Anong klaseng pintuan ba ito parang ayaw magpapasok o magpalabas ng tao?
Pagbukas ko ng pinto... Bigla akong natulala as in tulala talaga.. nanlaki ang mga mata ko para akong aatakihin sa puso sa sobrang gulat... Totoo ba tong nakikita ko? Nanaginip lang ba ako? Ano ba tong mga nakikita ko???
"Aaaaaahhhhhhhhhhhh" Napasigaw ako at dali dali kong isinira ang pinto. Nagmamadali naman pumunta ang dalawa sa akin.
"Anong nangyayari?" tanong ni masungit
"Ok ka lang ba? Bakit ka sumisigaw?" Tanong ng babae.
![](https://img.wattpad.com/cover/24449007-288-k895560.jpg)
BINABASA MO ANG
The Four Kingdoms
FantasyKwento ng isang 17 years old na babae (Dariana) na tinulak sa isang ilog sa anong dahilan walang nakaka-alam. Pag gising nya nasa kakaibang lugar na sya. Lugar na may apat na kaharian na may ibat ibang mga kapangyarihan, kultura, paniniwala, at nila...