Past and Destiny

1.1K 40 4
                                    

Sumakay kami sa isang mukhang nakapakaling glass na elevator. Siguro nasa 500 ka tao ang kaya nitong isakay. Dahil galing kami sa ikaapat na bahagi ng Avlon at pupunta sa unang bahagi medyo matatagalan pa bago kami makarating. Mga dalawang oras pah..

Kumuha naman ng private room si Alexia para comfortable daw. Mas gusto nya daw ang malaking couch at exclusive.. Sa 1st hour natuwa talaga ako sa biyahe namin kasi naman glass ang elevator so kitang kita ko ang tanawun.. well wala naman talaga akong masyadong nakikita kung puro clouds lang pero pag titingin ka sa baba may makikita kang dagat at mga isla.

Pagkatapos ng isang oras umupo ako sa tabi ni Alexia tapos hindi ko namalayan nakatulog na pala ako..

Bigla akong naalimpungatan dahil nakarinig ako ng isang iyak ng bata.. Pag gising ko wala na ako sa elevator kundi nasa madilim na hallway ako ng isang palasyo o malaking bahay. Hindi ko sigurado.. Nasaan na ba ako? Nasaan na ba sila?

Sa unahan may nakita akong isang kwarto na may ilaw at doon nanggagaling ang iyak ng bata.. agad ko itong pinuntahan hindi muna ako pumasok dahil may tao ata sa loob.. Kaya sumlip muna ako..

Nagulat ako sa nakita ko... May isang babaeng nakabulagta at duguan patay na guro sya..  Mukhang ang anim na lalaki ang pumatay sa kanya.. naririnig ko silang nag uusap..

"Hindi ko akalain na malakas ang babaeng ito! Anim na nga tayo na level 5 na Argz nahirapan pa tayo tse!" 

" Syempre dahil isa syang highbreed at hindi lang basta basta na highbreed."

"So ano na ang gagawin natin sa bata? Kanina pa umiiyak nakakainis nah! Di ba papatayin naman nila ang bata na yan bakit hindi nalang tayo ang gagawa?"

" Hindi mo sya mapapatay"

"Hahaha Nagpapatawa ka ba? Sanggol lang yan tapos hindi ko mapapatay? Tingnan natin." Smirk*

Kinuha ng isang lalaki ang kanyang espada at sinaksak ang bata tumigil sa pag iyak ang bata.. Patay na kaya ang bata? Nakakainis wala man lang akong magawa para tulungan ang bata.. Kung may kapangyarihan lang ako ng tulad ng sa kanila!

"Haha sabi ko sayo mapapa..... Impossible"

Natigilan ang lalaki.. at umiyak na naman ulit ang sanggol..

"Sabi ko naman sayo hindi mo sya mapapatay.. may kakayang ang batang yan mag generate at pagalingin ang sarili nya.. Tanging ang espesyal na spada na gawa sa lava ng bundok yarat  at mahika ng mga wizard at witch ang makakapatay sa batang yan kaya hintayin nalang natin si Reva darating yun dala2 ang espada at sya ang papatay sa batang yan."

Bigla nalang nabasag ang bintana ay may dumating na isang lalaki yan na kaya si Reva na tinutukoy nila..?

Nagulat ang anim na lalaki.. at nagulat din ang lalaki na kadarating lang ng makita nya ang babaeng nakabulagta sa sahig..

"Leahhh!!! Anong ginawa nyo sa kanya??"

"Ikaw pala Darius! Bakit ikaw nalang mag isa? Dahil ba lahat ng kasamahan mo ay wala na? Maswerte ka at buhay ka pa pero wag kang mag alala susunod ka din sa kanila... susundan mo rin ang asawa mo sa kabilang buhay!!

The Four KingdomsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon