Pagkawatakwatak

697 26 12
                                    

Habang nakahiga ako sa aking kama biglang may kumatok sa aking pintuan. Hindi ko pinansin kung sino man ang kumakatok nagbibingihan ako at tila ba walang naririnig.

"Cercie Seven Pwede ba kitang makausap?" Si ama pala ang kumakatok sa pintuan kaya tumayo ako at pinagbuksan sya ng pinto.. Umupo kaming dalawa sa upuan ng kwarto ko.

"Napag alaman ko na nagbalik na daw ang alaala mo" Tanong nya sa akin.

"Oo nagbalik na nga." Matipid kong sagot.. sa totoo lang nagtatampo din ako sa kanya .. sa kanilang lahat niloko nila ako.. Pinaglaruan at muntik ko ng gawin ang bagay na pagsisihan ko habang buhay.

"Alam kong iniisip mo na niloko ka namin pero patawarin mo kami anak kung kinuha man namin sa iyo ang iyong alaala.. ginawa lang namin yun para sa ikakabuti mo at ng mga highbreed" N


Whatt?? Kinuha ang alaala ko? Ang ibig sabihin ba nito hindi aksidente na nawala ang alaala ko kundi sinadya nila itong kunin sa akin? This is even worst! Akala ko pa naman ang pagkawala ng memorya ko resulta lang ng muntik kong pagkamatay noon!

"Hindi ko na alam kung ano ang totoo.. sa totoo lang ngayon nagdadalawang isip na ako kung anak nyo ba talaga ako. Ano ba ang totoo ano ba ang hindi?" galit kong tanong sa kanya.

Natigilan sya saglit sa sinabi ko siguro nagulat sya at napagtaasan ko sya ng boses hindi ko karaniwang gawain yan.

"Nung kinuha ka ng tita emerald mo mula sa ibang dimension may pagkakamaling nangyari dapat dito ka sa bahay mapupunta ngunit napunta ka sa ilog ishka. Pinuntahan ka namin para kunin pero mas na una kanang nakuha nila Naxu at Raven. Anak inalis namin ang memorya mo dahil alam namin hindi mo kayang kalabanin sila Raven dahil naging kaibigan mo na sila at sigurado namang hindi ka sasama sa amin. Wala na kaming ibang paraan kundi gawin yun kung magtatagal ka pa sa kanila manganganib lang ang buhay mo." paliwanag ni ama sa akin.

"pero ama hindi naman nila akong kayang saktan sapagkat magkakaibigan kami." pagpoprotesa ko sa kanya.. bakit ba masama ang tingin nya sa mga kaibigan ko/

"Hindi nga ba? At papaano naman ang iba? Ang kanilang pamilya, ang kanilang mga pinunong pinagsisilbihan hindi ka ba nila sasaktan? Mas pipiliin ka ba ng mga kaibigan mo kaysa sa kanilang pamilya at kaharian?"  Hindi ako nakapagsalita sa sinabi ni ama.. Oo sa ngayon hindi pa talaga alam ng iba kung sino ba talaga si Cercie Seven dahil nagtatago ako sa likod ng maskara.. pero pag nalaman ng iba na ako si Cercie Seven pagbabawalan sila raven na makipagkaibigan sa akin.... ayaw ko namang masira ang buhay nila ng dahil lang sa akin.

Pumunta ako sa may tabing ilog upang mag relax, mag muni2, andito ako ngayon nakaupo sa tabi ng ilog binibilang ang maliliit na mga isda na lumalangoy ewan ko kung bakit ko ba sila binibilang nababaliw na ata  ako. Habang nagbibilang ako ng mga isda nagulat ako bigla at parang aatakihin sa puso sino ba namang hindi magugulat eh may nakikita akong mukha sa tubig. Hindi mukha ng isda kundi mukha ng tao! Sandali ... si Naxu to ah!


"Dariana nabalitaan ko na bumalik na daw ang alaala mo kung matatanggap mo ang mensaheng ito dalawin mo ako sa bahay bukas ng gabi gusto sana kitang makita." 


At yun biglang nawala na ang imahe ni Naxu sa tubig.. Ano yun video message sa tubig? Wala bang reply button dito papaano kung di ako makakapunta eh hindi nya malalaman? Haays bakit walang naka imbento ng cellphone dito?

The Four KingdomsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon