Ang Katotohanan

843 30 13
                                    

(Raven POV)

Binista namin ni ate Jana at Migue si ama sa kanyang kwarto. Mukhang magaling na sya kailangan nalang nyang magpahinga.

"Kumusta na po kayo ama?" Tanong ko sa kanya.

Bumangun si ama sa pagkakahiga 'Mabuti na ang pakiramdam ko pero masakit pa rin ang katawan ko. Ngayon ang araw na ililibing ang ama ni Naxu... Hindi ako makakadalo dahil sa kondisyun ko kaya gusto ko sana kayo nalang ng kapatid mo ang pumunta doon."

"opo ama" may balak naman talaga akong puntuhan si Naxu. Syempre kaibigan ko sya kailangan nya ng karamay.. at lalo na mas masakit ito para sa kanya dahil kaibigan pa nya ang pumatay sa kanyang ama.. pero walang naaalala si Dariana at ewan ko kung ano ang ginawa ng mga highbreed sa kanya at bakit iniisip nya na kami ang kalaban, kaya kung tutuusin wala naman talagang kasalanan si Dariana. Sana lang makita at maintindihan ito ni Naxu.

Inilibing sa libingan ng mga bayani ang ama ni Naxu at ang kanyang kuya na si Zero ang pumalit sa pwesto ng kanyang ama bilang punong tagapagbantay ng reyna.

Kahit tapos na ang seremonya ng paglibing ng kanyang ama hindi pa rin umaalis si Naxu sa puntod ng kanyang ama. Nakaupo lang sya sa  tabi ng puntod hindi umiiyak hindi rin nagsasalita. Niyakap ni Alexia si Naxu "Naxu umuwi na tayo sigurado ako nag aalala na ang iyong ina at kuya sa kinikilos mo"

"Ayaw ko pang umuwi.. gusto ko munang manatili dito kasama ni ama" mahinang sagot ni Naxu.

"Wag kang mag alala aking magandang bulaklak sasamahan ka namin dito kahit ipagtayo ka pa namin ng bahay dito  sa sementeryo" sabi naman ni Chris na mukhang nagpapatawa pero hindi naman nakakatawa.

"Hindi talaga ako makapaniwala na magagawa ito ni Dariana.. Papaano nya magagawang patayin ang ama mo eh napakalakas ng ama mo at higit sa lahat ama mo sya.. bakit naman nya papatayin ang ama ng kaibigan nya??" sabi ni alexia.. minsan talaga napaka tackless nitong si Alexia hindi siguro ito ang panahon na pag usapan ito.

"Walang naaalala si Dariana. HIndi nya nga tayo nakikilala ang ama pa kaya ni Naxu.. kaya sa tingin ko wala syang kasalanan dito" hindi naman sa kinakampihan ko si Dariana.. at nauunawaan ko naman ang nararamdaman ni Naxu sa totoo lang nalilito din ako.

"Hindi sapat na dahilan na walang maalala si Dariana. Buhay ang kinuha kaya buhay rin ang kapalit" sabi ni John Frost


Itinulak ko si John Frost at tinutok sa kanya ang aking espada "Wag na wag mo syang gagalawin kundi ako ang makakalaban mo"

"Mas kinakampihan mo pa sya kaysa sa kaibigan mo simula bata pa? Nakakatawa! diba mga ilang buwan nyo lang naman nakasama si Dariana noon pero parang ang dali lang sayo na piliin sya." Sarcastic nyang sabi sa akin.

"Wala akong pinipili.. Ang sinasabi ko..." Hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil bigla nalang sumigaw si Naxu.

"Tumigil na nga kayo! Gusto ko ng umuwi. Gusto ko mapag isa. Ihatid mo na ako sa bahay John frost." Isinakay sya ni John Frost sa kabayo at umalis na sila.

The Four KingdomsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon