Paghahanap

378 18 5
                                    


@Han_Marie17

Hehe sorry ngayon ko lang to na update kahit sabi ko last week na mag uupdate ako.


-------------------------------------


(Dariana POV)


Isang linggo palang ang nakakalipas mula ng mawala ang scroll na noon ay sumira ng isang bayan sa Sepra, ngunit kay rami na nangyayari. Marami nang mga bayan ang nawawasak sa kahit ano mang kaharian at sino man ang may kagagawan nito hindi pa rin namin alam pero isa lang ang nasisigurado namin ang gumagawa nito at ang nag nakaw ng mga scroll ay iisa lamang. Ang scroll lang naman ang may tanging kakayahan ang magpasabog ng isang bayan sa isang iglap.



Ang akala ng lahat kagagawan namin tong mga highbreed sino pa ba ang masisi nila kundi kami pero hindi namin gawain ang manakit ng mga inosenteng tao. Ang laban ay pinatitili lang namin sa pamamagitan ng mandirigma ng ibang mga kaharian at namin. Gusto ko ng matigil na ito ang dami ng mga inosenteng namamatay at napakasama na ng tingin nila sa aming mga highbreed.



"Nandito na ba ang lahat?" natigilan ako sa pag iisip ng marinig kong magsalita si ama ng pumasok sya sa silid kung saan kami magkakaroon ng pagpupulong kasama ang mga general ng mga highbreed.


"Wala pa si Roki" sagot ni Zemek."


"Ganun ba? Magsimula na tayo habang hinihintay natin sya" sabi ni ama ngunit wala pang isang minuto dumating na si General Roki.



"Pasensya na at nahuli ako may nabalitaan kasi akong may sumabog na bayan sa Fira ngayon lang." pagbabalita ni Roki na mukhang hinihingal pa.


Nagulat kami sa aming narinig. Grabeh na talaga kung sino man ang nasa likod nito.


"May pinasabog na nanaman? Isang linggo palang ang nakakalipas pero tig tatatlong bayan na ang wasak kada kaharian" pagrereact ni General Odi.


Bigla kaming natahimik na tila ba nakalimutan kung ano ang dapat naming pag uusapan sa pagpupulong na ito.


"Bakit ba natin pinoproblema ito? Ang pangyayaring ito ay kapakipakinabang sa atin hindi ba? Marahil ito ang tamang panahon upang atakihin ang Aragon at ang ibang kaharian" mungkahi naman ni General Athula na labis kong ikinais ko. Ano ang sinasabi nya na dapat pa namin ikatuwa ang mga nangyayari na maraming namamatay inosente at kung iisipin may kasalanan din kami dahil pinabayaan naming mawala ang mga scroll.


"Naririnig mo ba ang sinasabi mo? Hindi ako makapaniwala na naiisip mo ang mga ganyang bagay General Athula!" sigaw ko sa kanya.



"Ang sinasabi ko lang ay kung ano ang ikakabuti sa.." Hindi na nya naituloy ang kanyang sinasabi dahil bigla akong napatayo sa aking kinauupuan at sinuntok ang lamesa sa sobrang galit.

The Four KingdomsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon